Chapter 27. Her true feelings

59 2 1
                                    

"Kamusta ka?" Tanong sakin ni Sab habang matamang pinagmamasdan ako. Nandito ako ngayon sa bahay nila.... namiss ko lang pumunta dito at makita si Sammy. Bute nalang andito sila ngayon.

"I'm.....fine Sab, marami akong mga narealized these past few days" sabi ko dito sabay inom ng juice na nakahain sa harap ko. I heard her sighed and looking at me like she was saying 'what is it' look. Sumandal ako sa sofa at pinagkrus ang mga paa.

"He's courting me Sab" pag amin ko dito. Wala akong narinig na kung ano mang eksaheradang reaksyon mula dito kaya nilingon ko sya. Nakahalukipkip ito at nakataas ang isang kilay.

"I know that" tumatangong sabi nya. I rolled my eyes. Of course she knows already because of my echoserong friend Zyrus.

"Then? What happened? Sinagot mo na? Dapat pahirapan mo muna sya" sabi nito. Napanguso ako.

"I don't think that's necessary---

"So sinagot mo na nga?" I looked at her.

"Not yet"

"Not yet huh?" Tumatangong sabi nito habang nakahawak sa baba nya.

"So may balak?" Dugtong pa nya. Natigilan ako sa tanong nya at napatulala.

Honestly... marami akong narealize noong gabing naglasing ako kasama si Zyrus. Pakiramdam ko naibuhos ko lahat kahit na wala akong maalala nung time na nasa videoke bar na kami, ang tanging naaalala ko lang ay iyak ako ng iyak.

"Para lang kaming tanga Sab. Una...ako  ang naghahabol tapos nung tumigil nako...sya naman itong nangungulit"

"That's true. Tanga talaga kayong dalawa...hay ewan ko ba sa inyo!" She exclaimed. Tinignan ko sya ng masama.

"Oh bakit? Ikaw ang nagsabi, nag agree lang ako noh. At saka...totoo talaga yung kasabihang... saka narerealized ng isang tao ang importansya ng isang bagay o tao kung kelan wala na ito. So, yan ang nangyari kay Tyron. Maybe he realized that he can't afford to lose you again"

Totoo kaya? Pero sa mga inamin nya sakin at sa mga pagbabago nya ng attitude towards me... I guess that was true.

"You think so?"

"Yeah. He's so head over heels to you girl. Alam mo yan, kahit noong aso't pusa pa kayo" aniya ng nakangiti na parang naaalala ang mga pangyayaring yun. Napangiti din ako, she's right.

"So... what's your plan?" Tanong nya. Napaisip ako.

"Ang totoo nyan....I'm planning to... confess with him Sab" sabi ko sabay tingin dito na tila nanghihingi ako ng payo kung sasang ayon ba sya sa plano ko.

"That's the best thing to do" nagulat ako sa sinabi nya. Akala ko bubungangaan na naman nya ako sesermonan ng kung anu ano at ipapaalala sakin lahat ng nangyari sakin ng mawala si Tyron. Alam kong boto sya sa amin pero noon yun, before Tyron left the country.

But now.... I didn't expect her to say those words. I'm expecting something...opposite.

"Don't give me that look George. I'm not the antagonist in your lovestory. Syempre gusto ko ring sumaya ka at kahit ayaw ko... ay alam kong sa kanya ka lang sasaya. Ano bang laban ko dun? Ayoko namang lagi ka nalang nagmumukmok at umiiyak noh. You're my best friend after all, and I want the best for you" mahaba nitong lintanya. I'm touched and feel blessed to have her and Zyrus in my life, siguro kung wala sila ay hindi ko na alam ang gagawin ko, at syempre pati ang banda. I can't help but to hug her tightly.

"Thank you" I murmured.

"You're always welcome but... how's Irish? She's bitch you know, nasa loob ang kulo" aniya at kumalas na sa pagkakayakap. Inisip ko rin ang bagay na yun. Alam kong makakabangga ko sya pagdating kay Tyron.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon