Hindi ko alam ang nangyayari. Kanina pa ko hindi makahinga ng ayos at litong lito. Fuck. Bakit sila magkasama? At bakit nya ako inimbatahan dito? Ano to?
Nang tuluyan silang makalapit samin ay ganun nalang ang gulat sa mukha ni Tyron ng makita ako. Sandali kaming nagkatitigan at sa sandaling yun ay hindi ko mapigilan ang kirot na sunod sunod na tumutusok sa dibdib ko habang nakatitig sakanya. Kita ko ang paglunok nito habang hindi natitinag ang titig sakin. Biglang nanuyo ang lalamunan ko.
"Oh! You're here. Hindi ko inaasahan ang presensya mo. Did you invite her babe?" Malambing na tanong ni Irish dito. Umalingawngaw sa tenga ko ang huli nitong sinabi.
Babe?!
BABE?!
Fuck! Did I heard it right? Did she called him babe? And what? Tyron didn't prostate. The fuck. What the hell is going on?
Tumingin ako kay Tyron at naghihintay ng paliwanag pero iniwasan nya ang titig ko. Oh fuck. Unti unting naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng ayos at nagbabara ang lalamunan ko.
"Oh nevermind. By the way thanks for coming. This is family dinner so I don't get it why you're here--
"Irish.." putol dito ni Tyron. Lalo akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. A-ano to Tyron?
"Anyway.. okay lang. At least masasaksihan mo ang napaka espesyal na gabing ito at ng pamilyang Jang and you lolo" sabi nito sabay ngisi sakin at tumingin sa gilid ko na si Lolo Richard at naupo na silang dalawa sa harap ko. Pakiramdam ko may kung ano sa dibdib ko dahil sa narinig ko. Unti unti akong lumingon kay Lolo Richard pero iniwasan nya ako. He.... H-he's Irish's grandfather?!
The hell?! Bakit hindi ko alam? Bakit walang nagsabi?! Damn it. Bakit feeling ko pinagkakaisahan ako ngayon?!
Naikuyom ko ng mahigpit ang dalawa kong kamao na nakapatong sa legs ko sa ilalim ng lamesa habang nanginginig ako sa galit.
She planned this. Damn! She framed me up! Fuck this goddamn bitch! She's really getting into my nerves. She already pushed my damn button!
Mas lalo syang ngumisi skain ng makita ang reaksyon ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko mapigilan ko lang ang sarili kong sugudin sya. Pakiramdam ko makakapatay ako. Nilingon ko si Tyron pero nakatulala ito sa basong nasa unahan nya. Damn. Nasasaktan ako. Pakiramdam ko sya mismo ang sumasaksak sa puso ko. Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap Tyron. Bakit?
"So, hija what's the good news you're talking about? At bakit kailangan kompleto kami? Don't tell me buntis ka na ha" sabi ni Tita dito sabay tawa ng marahan. Tumawa naman si Irish dito na syang ikinainis ko.
"Hindi pa Tita but soon. Don't worry bibigyan kita ng maraming apo. Right babe?" sabi nito habang nakatitig sakin na halatang nang iinis. Tumawa naman dito si Mrs. Jang at hindi na raw ito makapaghintay at sa sunod nitong tanong ako tuluyang nanlambot.
"Magpapakasal na ba kayo? Oh don't tell me that's purpose of this night?" Ngumiti ng matamis si Irish dito at muling tumingin sakin.
"Yes Tita. We're here to say that important news. We're getting married" pakiramdam ko binuhusan ako ng isang timba na puno ng yelo dahil sa sinabi nya at tuluyang akong hindi makahinga ng ayos. Nanginginig ako at unti unting nag iinit ang sulok ng nga mata ko.Pakiramdam ko bumabaon na sa legs ko ang mga kuko ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko nalang na may palad na humawak sa kamay ko.
"Ate George.." bulong ni Thalia at nakikita ko ang awa sa mga mata nito. Pilit ko syang nginitian hangga't sa makakaya ko. Ayokong makita nila akong mahina. Ayoko. Lalo na ni Irish at Tyron. Ayokong sa harap nila. Never.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book