Chapter 24. Forgive me

81 3 3
                                    

Kadugtong to ng chap 23. Pinutol ko lang kasi masyadong mahaba. Enjoy reading! :)

....

Sabay kaming naglalakad ni
Tyron habang papalabas na ng mall. Pareho kaming tahimik lang at nagpapakiramdaman sa isa't isa. Wala din naman akong lakas na loob na mag open ng convo sa aming dalawa. Isinantabi ko nalang ang aking iniisip at tumingin sa unahan.

"Tyron!" Pareho kqming napalingon sa babaeng tumawag. Nakangiti ito habang papalapit saming dalawa habang kumakaway. Di ko maiwasang titigan ito, nakasuot ito ng square pants at crop top with matching heels. Matangkad din ito na parang isang modelo, sexy, maganda at makinis.

"Kamusta?" Tanong nito kay Tyron pagkalapit nito na may kasama pang tapik sa balikat nito. Tyron smiled at her, genuine.

"I'm fine. Ikaw? Where's Carlos?" Tanong nito sa babae. Kita ko pa ang bahagyang pagpula ng mga pisngi nito.

"Ok lang din ako. He's....fine also" aniyana parang naiilang pag usapan ito ng bigla itong mapatingin sakin.

"Oh...Hi" bati nya sakin habang may pagwave ng kamay. Gumanti ako ng ngiti dito. Damn...umaandar na naman ang insecurities ko sa katawan. Hindi ko mapigilang mainsecure sa mga babaeng katulad nya lalo na kapag kakilala sila ni Tyron. Sabi nga sakin ni Sab noon 'may insecurities ka pa ba sa katawan George? You're one of the hell gorgeous woman I know. Takte...mahihiya nga ata ang mga taken dyan sa tabi tabi eh. Duh!"   Natawa ako sa isiping yun. Alam ko namang ine-encourage lang ako ng isang yun.

"Who is she huh? Pakilala mo naman ako" Tanong nito kay Tyron habang naniningkit ang mga mata habang sinisiko ito sa tagiliran. Natawa si Tyron sa inasal nito.

Bakit ako nagseselos? Jeez..

"George....si Steff, kaibigan ko" pakilala ni Tyron sa babaeng nasa harap ko. Tumango ako dito at saka ngumiti.

"Steff nga pala. Ikaw ba si Irish?" Nakangiti nitong tanong sakin at hinagod ako ng tingin. Natigilan ako sa tanong nito at sa hindi kaalamang kadahilanan ay parang may tumusok sa dibdib ko. Hindi ako makasagot...nanatili lang akong nakatingin sa babae kaya naman mabilis syang napatingin kay Tyron ng may nanlalaking mga mata at napatakip sa bibig nito ang palad nya.

"Oh my! S-sorry...sorry hindi ko alam" aniya habang nakatingin sakin at mababakas dito na sinsero ito sa paghingi ng paumanhin. I tried to smile at her to assure her na ok lang.... kahit hindi.

"Sorry Tyron" sabi pa nito habang nakatitig dito. Sinulyapan ko si Tyron at nahuling nakatitig din ito sakin kaya mabilis akong nag iwas. Pakitamdam ko mas lalong kumikirot ang dibdib ko kapag nagsasalubong ang titig namin.

"I'ts okay.." rinig kong sabi nito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil lalong kumirot ito.

"By the way Steff.... she's....Georgina Robertson" pakilala sakin ni tyron sa babae. Hindi ko magawang tignan si Tyron dahil....basta...

Kita ko sa mukha ni Steff na parang nag iisip ito habang nakatigig sakin. Nakaramdam naman ako ng pagkailang sa titig nya.

"Georgina? It's kinda....familiar" mahinang sabi nito habang nakatitig pa rin sakin. Nag iwas ako ng tingin dito dahil....baka ang tinutukoy nyang familiar ay....isa akong queen dati.

Napangiti sya ng mukhang naalala na nito at mabilis na lumingon kay Tyron.

"I knew it" sabi pa nito habang nakangiti sakin at muli ay hinagod nya ako ng tingin at muling lumingon kay Tyron ng may nangangahulugang tingin. I feel awkward.

"So.... you're Georgina" tumatangong sabi nito. Napakunot naman ang noo ko.

"B-bakit?"

"Tyron keeps on talking about you...like...errr... some kind of teenager" napatingin ako kay Tyron dahil sa sinabi ni Steff pero mabilis syang umiwas ng tingin sakin habang kumakamot sa batok nito. I heard Steff laughing kaya napalingon ako dito at nahuli itong may nanunuyang tingin. Pakiramdam ko ay namumula ang mga pisngi ko. Napatikhim ako.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon