Final Chapter

81 1 0
                                    

Ngayong araw na ang concert ng banda. I'm so damn excited! Siguro ganito din ang nararamdaman nila ngayon dahil concert nila ito at isa sa pinakamasayang mangyayari sa buhay nila. I'm so proud of them! Sa wakas... after so many years. Eto na, natupad na nila ang gusto nila. Natupad na namin ang pangarap ng banda kahit na hindi nako member nito ay masayang masaya ako para sa kanila. Isa ako sa mga saksi noon ng lahat ng paghihirap nila. Saksi ako kung paano sila mangarap at naging mabuting kaibigan sa isa't isa.

"Kanina ka pa dyan nakangiti" napalingon ako kay Tyron na nagdadrive. Hawak nito ang kamay ko at nakangiti ito sakin. Sya din naman kanina pa sya nakangiti.

"I'm so excited and so happy for them" masayang sabi ko dito. Tumawa ito ng bahagya at pinisil ang kamay kong hawak nya.

"You're so cute.." natatawang sabi nito habang nakatingin sa unahan.

"Galingan mo mamaya" sunod nitong sabi sabay sulyap sakin.

"Oo naman. I-cheer mo ko ha?" Natatawang sabi ko dito.

"Sure" sabi nito sabay halik sa kamay ko. Papunta kami ngayon sa museum kung saan ang concert ng banda. 7pm ang start nito at ayaw kong malate kahit na hindi naman ako ang unang sasalang.

"Grabe ang daming tao" natutuwa kong sabi ng makapasok kami. Halos mapuno na ang loob ng museum. Pakiramdam ko lalo tuloy akong nae-excite. Pumunta na kami ni Tyron sa VIP seats kung saan ang aming upuan. Pagkarating namin doon ay nakita agad namin sila Sab kasama si Bryan at Sammy. Namiss ko ang cute kong inaanak at mukhang ganun din sya sakin.

"Nice look huh? You're so damn beautiful" puri sakin ni Sab. Nahiya tuloy ako.

"Sab is right George. Mukhang ikaw ang may ari ng JangShen" sabi ni Bryan sabay tawa. Naconscious tuloy ako bigla at tinignan ang sarili ko.

"Over ba?" Nag aalangan kong sabi. Siniko naman ni Sab ang asawa nito.

"Don't mind him. You're so beautiful kaya.." sabi ni Sab. Napangiti ako.

"Ikaw rin.." sabi ko. Nakadress sya ng kulay maroon na talagang fit sa katawan nito kaya naman bakat na bakat ang kurba nito. Ako naman ay nakadress na kulay black na daring ang likod. Magkasama kasi kami ni Sab bumili ng nga damit namin at sabi nya ito daw ang bagay sakin.

Umupo na kami ni Tyron sa aming assigned seats katabi nila Sab. Pinagmasdan ko ang paligid. Madami dami din akong nakitang kakilala ko, maging yung babaeng dine-date ni Patrick ay nandito.

"Where's Cath?" Tanong ko kay Sab.

"Wala pa. Baka mamaya pa"

"Baka naman kakanta nalang ako wala pa sya" sabi ko pa. Tumawa lang si Sab sakin.

"Relax. Maaga pa oh, di pa nga nagsisimula eh. At isa pa, para sa kanya ang gabing ito kaya hindi yun mawawala. Baka nagpapaganda pa" sabi nito kaya hindi nako nagtanong.

Nakita ko din dito ang ilang mga artists na hawak ng JangShen. Ang sabi ni Tyron kakanta din daw sila mamaya, lalo tuloy ako nae-excite. Makalipas siguro ang kalahating oras ay dumating ang pamilya ni Tyron. Nagulat ako dahil hindi ko iyon inaasahan. Bumati ako sa kanila at doon sila naupo sa likod namin.

"Did you invite them?" Tanong ko kay Tyron. He just smiled.

"Yep"

"Why didn't you tell me?" Sabi ko pa but he just shrugged.

"These past few days ang dami mong hindi sinasabi ha? Lagi ka pang busy. Tandaan mo may atraso ka sakin" tumawa lang sya sa sinabi ko at kinurot ang ilong ko.

"I know and I made a promise remember?" Nakangiting sabi nito. Hindi ako nagsalita at pinanliitan lang sya ng mata but he just winked at me.

Malapit ng magsimula ang concert kaya naman padami lalo ng padami ang tao.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon