Years had passed. Masyadong mabilis ang mga araw. Parang kelan lang ay malaki pa ang tyan ko pero ngayon ay bumalik na ulit ang katawan ko sa dati at parang hindi nanganak. Sa nagdaang taon ay mas lalo kaming tumatatag bilang isang pamilya at hindi naman nagkukulang sakin si Tyron imbes ay napapasobra pa. Sa sobrang sweet ay lagi akong nangangambang baka masundan agad.
Nasa sala ako ngayon at nakaupo habang tinitignan ang mga anak ko na naglalaro. Tatlong taon na si Geoff at apat naman si Tyreez. Sobrang kukulit nila at sobra din ang kacutan. Maya maya ay may narinig akong umiyak ng malakas.
"Why are you crying baby?" Tanong ko agad sa umiiyak na si Geoff. Patuloy ito sa pag iyak at itinuturo ang kapatid nito. Nilingon ko yung isa. Nakatayo lang ito at nakanguso habang nakatingin sa kapatid nyang walang humpay sa pag iyak.
"Nisuntok ako ni Ate!" Sumbong nito.
"Tyreez sabi ko wag mong aawayin ang kapatid mo" suway ko dito. Hindi ito sumagot at nanatili sa pwesto nya habang kumikibot kibot ang labi.
"He's your brother so love him. Sabi ko papaluin kita kapag inaway mo ulit ang kapatid mo diba?"
"Sya kasi eh! Ang kulit nya mama! Ayaw nya ipahiram yung toys nya!" Sumbong nito habang nanghahaba ang nguso. Alam mo yung galit ka pero agad ding nawawala dahil sa kacutan ng dalawang ito.
"But that's my toys! Cars and robots are for boys only!" Himutok naman nung isa at natigil na sa pag iyak. Napabuntong hininga ako.
"Geoff diba sabi ko wag kang madamot kay Ate? Isusuli naman nya yan eh" sabi ko dito. Tinignan nya ng masama ang ate nya.
"But I don't like her dolls. I want my cars!" He exclaim. Hay... kapag talaga nag aaway ang dalawang to... naku. Kinuha ko ang mga manika at mga pambabaeng laruan.
"Tyreez ayaw mo ba ng dolls mo?" Tanong ko dito. Umiling naman ito at ipinakita ang hawak na robot.
"I want this mama. I don't like dolls"
"But you said you like them? Kay Geoff yan baby.." masuyo kong sabi dito. Itinago nito ang robot sa likod nya.
"I thought I will like them. I want his toys mama but he's so madamot!"
"Okay. Geoff, ate will borrow your toys okay? Masama ang madamot, isusuli din ni ate yun. Madami ka pa namang toys" sabi ko dito. Mariin itong umiling.
"They're my favorite. She wants it all!" Humihikbing sabi ni Geoff. Tinignan ko si Tyreez but she just pout.
Minsan hindi ko alam kung san nagmana si Tyreez ng pagkamaldita nya. Ganito kaya ako nung bata pa ako? Palagi pa silang magkaaway dalawa hay naku.. ang hirap magpalaki ng mga anak.
Pinagbati ko ang dalawa at pinaghati ng mga laruan. Minsan iniisip ko kung may pagkatomboy ba si Tyreez siguro dahil sa spoiled sya ng ninong Zyrus nya.
Dinner na kaya naman nag aayos nako ng lamesa at mga pagkain. Oras na din ng uwi ni Tyron galing JangShen habang ang mga bata ay naglalaro sa sala. Maya maya ay nakarinig ako ng doorbell. Nakita ko ang mga bata na excited na nag aabang sa may pintuan, napangiti ako.
"Hi babies!" Rinig kong sabi ni Tyron pagkapasok.
"Papa!" Tuwang tuwang sabi nung dalawa at mga kapwa nagpapabuhat. Tumawa si Tyron at binuhat yung dalawa.
"Behave ba kayo? Hindi nyo ba pinagod si mama?" Tanong nito sa dalawa. Mabilis na umiling yung dalawa.
"Good" lumapit sakin si Tyron at hinalikan ako sa labi. Mabilis lang dahil nakatingin ang mga bata.
"Mamaya ako ang papagod sayo" bulong nito sa tenga ko at kinagat ng marahan.
"Tyron!" Sita ko dito. He just chuckled and winked at me. Pasaway talaga ang isang to. Baka mamaya marinig pa nung dalawa. May pagkausisa pa naman tong si Tyreez.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book