Chapter 2. You owed me

90 2 3
                                    

"Hey Georgy where are you?" Tanong sakin ni Sab sa kabilang linya.

"I'm on my way, malapit na.. medyo traffic lang" sagot ko sa kanya habang nakafocus ang tingin sa unahan. Kakauwi ko lang ng Manila galing bora at heto nag aya sila magbar to celebrate their last gig.

"Okay.. see you later, ingat ka. Bye" pinatay na nya ang linya kaya pinaharurot ko na yung sasakyan kung saan sila may gig ngayon.

Pinark ko agad ang sasakyan ko ng makarating ako at pumasok nako sa loob. Sobrang daming tao kaya mukhang mahihirapan akong hanapin si Sab.

"Excuse me" hawi ko sa mga tao sa gitna.

"Sya si George diba? She's still hot and gorgeous pre, I wanna fuck her" rinig kong sabi nung lalaki sabay tawa pagdaan ko kaya tinignan ko ito ng matalim pero kumindat lang sya kaya umirap nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sorry bastard but I'm no longer a queen now.

"George!" Napalingon ako sa tumawag at nakita ko sila Sab na kumakaway sakin kaya nagmadali akong pumunta sa pwesto nya.

"Grabe ang daming tao" bungad ko sa kaniya pagdating ko.

"Oo nga eh.. alam mo naman, sikat na" sabi ni Sab sabay hagikhik.

"Asan sila?" Tanong ko sa kanya sabay linga ko sa paligid.

"Nasa backstage na sila kasi mamaya lang ay tutugtog na sila" sabi ni Sab kaya napatango ako.

"In fairness huh, ang hot mo sa black dress mo" Sabi ni Sab sabay sundot sa tagiliran ko. Natawa naman ako at umikot pa sa harap nya.

"Gosh! Natalo mo na ata si Jessy Mendiola sa kaseksihan eh, kainis!" Napahalakhak ako sa sinabing yun ni Sab at kininditan lang sya.

"Anyway.. bute nakatakas ka kay Sammy?" Tanong ko kay Sab sabay kuha ko ng beer na nasa lamesa.

"Hay naku.. grabeng pang uuto pa inabot ko sa batang yun bago ko napatulog at pinabantayan ko nalang kay Bryan" nakangiting tumango lang ako at saka ininom yung alak. Napalingon kaming tatlo ng biglang magsalita ang DJ at ipinakilala ang The Gottin band. Oo nagpalit na sila ng pangalan dahil bago na rin ang vocalist nila at si Jack yun. Göttin is a german word for Goddess daw sabi ni Dan na syang nakaisip ng pangalang yun. Grabe talaga sa kahambugan ang lalaking yun tsk.

"Hi everyone! Good evening!" Bati ni Jack sa mga tao sabay kaway. Hindi naman magkamayaw ang mga babae sa kakatili at sa pagtaas ng kani kanilang mga banners para dun sa apat na unggoy.

"Hi girls!" Bati naman ni Dan, napailing kaming dalawa ni Sab sa ginawa nyang pagkindat at flying kiss sa mga fans nila. Nothing change. Pwera nalang sa bati na sila ni Tristan.

"Maraming salamat po sa pagpunta at sana ma-enjoy nyo yung song namin ngayong gabi. Have fun, here we go!" Sabi ni Jack.

Nagsimula na sila sa pagtugtog ng intro, ganun pa rin ang set nila.. si Dan ang lead guitarist, si Tris sa bass at si Patrick sa drums, vocalist lang ang nagbago.

Nagsimula ng kumanta si Jack and I must say na maganda din ang boses niya at hindi sila nagkamali sa pagpili dito, marami rin syang fans, sabagay gwapo naman at makisig pa.

"Like when we would meet.." ulit ko sa lyrics, damn that song! Hindi ko mapigilang isipin si Tyron, napabuga nalang ako ng hangin dahilan para mapatingin sakin si Sab.

"Remembering him?" Aniya sabay smirked kaya ngumiti nalang ako ng tipid.

Matagal nakong wala sa banda, 2years na, nawalan ako ng gana sa pagkanta simula nung umalis sya kaya napagpasyahan nilang maghanap ng bagong vocalist. Nagpa-audition sila at ayun nga, si Jack ang napili.. halos isang taon at kalahati na rin namin syang kasama.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon