Bibigyan ko ng POV si Zyrus dito :) yun lang.
Enjoy reading! Kamsa<3
....
"Shot this" sabi nito sa lalaking manyakis habang nakaigting ang panga at matalim ang tingin. Nawala ang ngisi ng lalaki at bahagyang namutla.
Kita ko ang paghigpit ng hawak ni Zyrus sa baso at malakas itong ibinaba.
"You fucking bastard. Get out of my sight" mariing sabi nito dito. Mabilis na umalis ang lalaki dala yung shot glass na binibigay nya sakin kanina.
"Asshole" bulong nito habang nakatingin pa rin sa direksyon nung lalaki. Nang guluyang nawala ang lalaki ay tumingin sya sakin ng may seryosong mukha. Nginitian ko sya ng pilit at saka niyakap. Ramdam kong natigilan sya sa ginawa ko kaya hindi ito gumalaw.
"Lasing ka na" sabi nya kaya bumitaw nako sa yakap. Tinignan ko sya gamit ang mga namumungay kong mga mata.
"Hindi pa" nakangusong sabi ko. Kinuha ko yung isang shot at inabot sa kanya pero tinignan nya lang iyon habang nakapamewang sakin.
"Sige na. Shot this for me" sabi ko dito habang nanatiling nakaabot ang kamay ko. Bumuntong hininga sya at kinuha yung baso saka diretsong ininom. Napangiti ako.
"Thanks for coming" sabi ko dito saka tumuon sa may counter at nilaro ang shot glass na hawak ko. Kita sa gilod ng mata ko na umupo na din sya katabi ko.
"Diba I told you wag ka ng iinom? Tapos sa bar ka pa ha at mag isa ka pa talaga?" Sermon pa rin nya sakin. Humalumbaba ako at hindi sya tinignan.
"Ngayon lang naman"
"Kahit na at tignan mo nga, kung hindi pa ko dumating ay malamang nadala ka na kung saan nung lalaki kanina" sabi nya at mababakas sa boses nito na talagang galit sya.
"Pero dumating ka"
"Kasi napaaga ako. Pano nalang kung hindi?"
"Pero napaaga ka pa rin at wala namang nangyari" sabi ko ng hindi pa rin ito tinitignan. Rinig ko ang marahas na buntong hininga nito.
"Stubborn woman" bulong nito na rinig ko naman. Ininom ko ang hawak kong alak bago sya nilingon ng may namumungay na mga mata.
"Are you mad?" Tanong ko. Nakahawak ito sa bridge ng ilong nya at tinignan ako ng seryoso.
"Hindi. I'm just concern Nathalie" seryoso nitong sabi habang nakatitig sakin. Ako ang nagbawi ng tingin saming dalawa at balak sanang inumin ang isa pang shot ng kinuha nya yun.
"Wag ka ng uminom" matigas nitong sabi. Sinimangutan ko sya.
"Pagbigyan mo nako" naghihimutok kong sabi dito.
"No. Tignan mo nga yang mga nainom mo. 15 shots Nathalie" sermon nya sakin. Ngumuso ako at saka umismid at hindi sya pinansin.
"Bakit ka ba andito? Bakit ka nag iinom?" Tanong nya. Hindi ko sya pinansin at naalala na naman yung nangyari kanina samin ni Tyron. Naiiyak na naman tuloy ako.
"Because of my cousin again?"
"Always because of him" tugon ko dito at may hinanakit na tinignan sya. Napailing lang ito habang matamang nakatitig sakin.
"You're wasted again because of him again. Matutuwa siguro ako kung dahil yan sa Terrence na yun kaso hindi. Dahil na naman sa gago kong pinsan" iiling iling na sabi nya. Kunot noo namang tinignan ko sya.
"What are you saying Zyrus?"
"Akala ko kasi confused ka na sa feelings mo dahil sa dalawa kaya ka nag iinom kaso hindi pala" sabi nito at may kasama pang pagbuntong hininga. Inirereto nya ba ako kay Terrence?
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book