"Kamusta ang prinsesa ko?" Tanong ni Dad sa kabilang linya, napangiti naman ako at napairap sa tanong nya.
"I'm fine Dad, masya naman ang halos isang linggo ko dito sa Bora, thanks dito" sabi ko sabay tawa, narinig ko din syang tumawa sa kabilang linya.
"Of course, anything for my princess" napangiti lang ako sa sinabi nya, gusto ko sanang sabihin na 'Dad, i'm a queen not a princess' kaso magtatanong lang yun kung anong ibig kong sabihin.
"Oh sige na, ibaba ko natong tawag. Just enjoy your vacation coz it's the last day"
"Alright then, bye Dad.. take care" pagkasabi ko nun ay ibinaba na nya ang tawag kaya itinabi ko na ang phone ko. Nandito ako ngayon sa suite ko sa may balcony habang nakatanaw sa labas habang pinagmamasdan ang napakaraming tao. Ngayon ang last day ko dito kaya susulitin ko na.
Nagpalit nako ng two piece pero nagsuot ako ng short shorts habang nakabukas ang butones nito, itinali ko rin ang buhok ko kaya naman kitang kita ang tattoo ko sa may batok, yeah I have now a tattoo actually dalawa yan pero tago yung isa. Humarap ako sa salamin pagkatapos nun at pinagmasdan ang sarili ko. Inilagay ko sa tenga ko ang buhok na lumaglag sa mukha ko at saka ngumiti sa salamin.
Lumabas nako agad pagkatapos nun, tanghali na kaya naman sinuot ko na ang shades ko saka naglakad papuntang dagat. Ang daming expat at halos lahat sila ay tumitingin sa gawi ko kaya naman ang talim ng titig sakin ng mga kasma nilang babae. I don't care anyway, I am no longer a queen now.
Pumunta muna ako sa isang tabi at humiga sa ilalim ng malaking payong doon, masyadong nakakaboring kung mag isa ka lang kaso hindi ko naman sila maisama, si Sab busy sa pagiging ina, asawa at manager samantalang busy din ang banda.
Napaangat ako ng ulo dahil nawala yung sikat ng araw na tumatama sa mukha ko dahil sa isang lalaking nakatayo sa harapan ko. Ibinaba ko yung salamin ko dahil wala itong balak umalis doon.
"Hi" aniya habang wagas makangisi. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Hello" matabang na sabi ko at saka itinaas na ulit ang shades kong suot.
"Wala kang kasama?" Tanong pa nya.
"Wala"
"Would you mind if I join?" Pangungulit pa nya kaya napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung hanggang dito ba ay nakaabot ang balitang isang queen ako dati kaya naman ganito mangulit ang lalaking ito. Itinaas ko ang salamin ko at inilagay sa ulo saka hinarap ang lalaking ito na salubong ang kilay ko.
"What do you think?" Tanong ko pero nakangisi lang sya sakin.
"I think ... you want" aniya sabay halakhak at walang anu ano'y umupo sa katabing upuan ko.
"Tss" tumayo nako doon at umalis, narinig ko naman ang sipol nya kaya napailing nalang ako. Urgh! Kaasar naman yung lalaking yun! Panira ng mood.
Naglakad lakad nalang ako habang nasa ilalim ng galit na araw, bute nalang naglagay ako ng sunblock kanina. Mamayang gabi nalang ako siguro maglalangoy.
"Hey!"
"Jeez!" Sigaw ko sa sobrang gulat ko ng may biglang humawak sa bewang ko.
"Ano ba!" Sigaw ko dito at marahas na inalis yung kamay nya. Tumatawa naman itong inalis yun at itinaas ang kamay.
"Chill, masyado kang hot" aniya habang tatawa tawa kaya tinignan ko sya ng masama.
"Why? Sa bagay hot ka naman talaga" hirit pa nya sabay kindat. Umiiling nalang akong iniwan sya dun pero sumunod na naman sya.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book