Nakatulala lang ako sa kisame habang nakahilata sa kama ko, masakit ang ulo ko dahil nag inom ako kagabi, hindi ako nakaget over dun sa naging usapan namin ni Sab kahapon sa resto at wala syang alam na nag inom ako dahil malilintikan ako dun. Umiyak ako ng umiyak kagabi sa isiping baka nga kasal na si Tyron.
Parang tanga lang diba?
Oo alam ko! Tanga ako! Tanga ako pagdating sakanya! I admit that! Dammit!
Napapikit ako ng mariin, kaya ko to. Kaya mo to George, ngayon pa ba? Nakaya mo nga ng tatlong taon eh kaya makakaya mo pa rin hanggang ngayon. Maghintay ka lang, magkikita rin kayo nun at nararamdaman kong malapit na. Umupo nako sa kama ko at nasapo ang ulo kong kumirot, tinignan ko ang orasan at alas dose y media na kaya tumayo nako.
Hindi ko na sinuklay ang buhok ko at basta nalang tinali, nakapang tulog din akong manipis na bakat na bakat ang bra sa loob at pajama. Dumiretso ako sa kusina para magluto na ng pananghalian ko.
Pagpunta ko dun ay uminom ako ng malamig na malamig na tubig.
Ugh! Damn hang over!
Pagkatapos kong uminom ay may nagdoorbell sa pinto ko kaya pinuntahan ko agad, ni hindi nako nakapaghilamos muna at toothbrush pero ok lang, room service lang naman ata yun.
Pagbukas ko ng pinto ay mukha nyang nakangisi ang bumungad sakin.
"Hi" aniya habang nakangisi. Napakunot ang noo ko.
"What are you doing here? How did you know my unit?" Tanong ko habang nanliliit ang mga mata. Tumawa naman sya.
"I have my ways" aniya sabay kindat. Shit! May naalala ako sa linyang yun, sinabi nya rin yun sakin dati.
"You really stalking me" sabi ko habang pinasadahan sya ng tingin. Nakasimpleng v-neck na kulay gray sya at itim na jacket tapos nakamaong na pants. Napatikhim sya kaya natauhan ako at kitang kita ko kung paano nya din ako pasadahan ng tingin. Napasipol sya ng mahina na syang nagpalaki sa mga mata ko. Agad kong tinakpan ang dibdib ko.
"B-bastos!" Sigaw ko dito habang pulang pula ang mukha ko. Shit! Bakat na bakat pa naman ang bra ko.
"Ako pa talaga bastos ha? Ikaw ang lumabas dyan na ganyan ang suot at saka nakita na kitang naka two piece sa bora" kalma nyang sabi habang ako dito ay naghehesterikal na dahil sa sobrang hiya.
"E-ewan ko sayo!" Sabi ko at sasaraduhan sana sya ng pinto pero napigian nya yun.
"Hey.. i'm sorry okay? Ibinalandra mo sakin yan kaya hindi ko maiwasang tignan" lalo akong pinamulahan sa sinabi nya at pilit na isinasara ang pinto.
"Pervert monkey!" Sigaw ko dito.
"Di mo man lang ako papasukin?" Tanong nya habang nakapigil pa rin ang mga kamay sa pinto ko.
"No way! Manigas ka dyan!" Sabi ko at tuluyan ng naisara ang pinto.
"I'll wait you here Nathalie!" Rinig kong sigaw nya sa labas. Napabuntong hininga ako, ano bang kailangan ng lalaking yun sakin at lagi nalang akong sinusundan at kinukulit? Wala naman syang mapapala sakin tss.
Nagsimula nakong magluto dahil ala una na, may lakad pa ko mamayang alas tres. Pagkakain ko ay naligo nako at nag asikaso ng susuotin.
Nakapamewang ako habang nakaharap sa closet ko at nakatapis ng tuwalya at may nakabalot ding tuwalya sa ulo. Hindi ko alam kung anong susuotin ko ngayon, hindi ko alam pero feeling ko dapat maganda ako ngayong araw nato.
Woman instinct I think?
Napagpasyahan kong mag turtle neck nalang na kulay maroon na sleeveless at medyo kita ang pusod tapos ripped jeans at killer heels. Nagsimula na din ako magmake up pero light lang. Inilugay ko ang buhok kong may pagka highlights ang kulay ng ilang strand ng buhok at kulot ang dulo. Natapos ako ng saktong 2 kaya may isang oras ako para sa byahe, medyo malayo layo pa naman yung tinext na venue sakin ni Sab at nasisiguro ko ring traffic na naman.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book