Third Person's POV
Bihis na bihis si Cyden hindi dahil papasok siya sa trabaho kun'di dahil may pupuntahan siya, sila. Nakangisi siyang lumapit sa kusina ngunit napawi ito nang makitang malinis at walang bakas ng kahit ano roon.
Napakunot ang noo niya at bumalik sa taas.
"Hindi pa ba siya gising?" Takang tanong niya dahil lagi namang nauunang magising si Elaya sa kan'ya at pagbaba niya ay may pagkain na.
"Elaya!"
"Elaya!" Muling tawag at katok niya sa pinto pero walang sumagot. Tahimik lamang sa loob. Pinihit niya ang pinto at naka-lock ito.
"Elaya!" Iritableng sigaw niya at napadabog siya sa sahig ngunit wala pa rin. Sa inis niya ay nasipa niya ang pinto at bumaba na ng nakasimangot.
Nalaman niyang sa Enchanted Kingdom ang punta ng dalawa. At mukhang sumama nga si Elaya dahil wala siya sa silid nito. Malayo-layo rin ang Laguna kaya baka roon pa sila nagpalipas.
Sa inis ni Cyden ay nasipa niya ang malaking vase na nasa tabi. Kinuha niya ang dalawang ticket ng ride all you can to E.K at pinunit ito sabay tapon sa sahig.
Umalis na lang siya dahil wala rin naman siyang napala. Sirang-sira na ang umaga niya.
"Ang tigas talaga ng ulo ng Elaya na iyon! Hindi marunong sumunod! Sabi ng hindi pwede eh! Tsk!" Sigaw niya sabay pasok sa sasakyan at pinaharurot ito.
Samantala, unti-unting nagmulat ng mga mata si Elaya dahil sa taas ng sinag ng araw. Sobrang sakit pa rin ng ulo niya.
Agad niyang hinatak ang kumot at nagtalukbong dahil nilalamig pa siya.
Pati katawan niya, ang sakit. Parang mababali at halos hindi siya makatayo. Sinilip niya ang alarm clock sa tabi na hindi na niya narinig dahil sa sobrang himbing ng tulog.
Alas onse na ng umaga. Hindi naman siguro magagalit si Cyden kung hindi siya nakapagluto ng breakfast dahil hindi naman ito kumakain kaya bumalik na lamang siya sa pagtulog.
Hapon na ng magising ulit siya. Medyo gumaan ang pakiramdam niya pero nilalagnat naman siya. Binaliwala niya ito dahil nagugutom na siya.
Binalot niya ang sarili sa kumot na para bang suman at lumabas ng kwarto. Gulo-gulo ang buhok, namumugto ang mata sa kakatulog at namumutla ang kanyang labi.
Pababa siya ng hagdan nang dumating naman si Cyden.
"Saan ka galing ha?!" Sigaw niya ng nakakunot noo. Nilagpasan lang siya ng mabagal na maglakad na si Elaya.
"Sa taas." Matamlay na sagot niyo at kumuha ng cup noodles. Nakita ni Cyden ang mukha nito kaya napawi ang galit sa niya
"Anong... Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya at umiling lang si Elaya.
"Ahm. Anong oras ka dumating?" Pinilit ni Cyden na maging masungit ang tono. Natigilan naman si Elaya sa pagsalin ng mainit na tubig sa cup noodles at tumingin sa kan'ya.
"Umalis ba 'ko?" Mahinahon niyang tanong.
"Tsk. 'Diba Umalis kayo ni Calvin? Anong oras ka umuwi at wala ka pa kaninang umaga!" Sigaw niya at naguluhan naman si Elaya.
"Ha? Nasa taas ako mula kagabi. " Sabi nito.
"Ano?"
Binaliwala niya lang ang reaksyon ni Cyden at dinala ang noodles paakyat. Wala siya sa mood makipagtalo sa asawa dahil masama talaga ang pakiramdam niya.
"Sandali nga!" Ani Cyden at hinawakan siya sa braso.
"Teka, ang init mo ah!" Kinapa niya pa ang leeg at noo nito