Chapter 13

1.4K 18 2
                                    


"Elaya, buti naman at gising ka na."

"At sayo rin Cyden."

"Oo nga. Alalang alala kami sa inyo ni Cyden. Akala talaga namin-"

"Shhh. Okay na kami. Salamat sa inyo." Sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Bwisit kasi talaga yang Jorvia na 'yan eh! Baliw na ata!" sigaw ni Giana.

"Giana, hayaan na natin siya. Pinagbayaran na naman niya ang kasalanan niya eh. Tao lang siya, nagkakamali."

"Pero sobrang mali naman kung ginawa niya! Attempted murder! My goodness! Kung ako ikaw Elaya, baka isinumpa ko na 'yung babaeng iyon!" At halatang nanggigigil siya. Napangiti na lang ako dahil hindi ko inaasahang nandito silang lahat. Nasa tabi ko naman si Cyden na hawak ang kamay ko.

"Pero hindi ikaw si Elaya. Hay nako. Sorry talaga Elaya at hindi ka namin kinakausap noong una. Lagi ka naman naming napapag-usapan. Para bang nakakahiyang lumapit sa'yo." Sabi ni Sheila, isa sa kaklse ko. Napakunot-noo naman ako do'n.

"Ha? Bakit nakakahiya?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko naman kasi talaga maintindihan eh.

"Ah basta! Mahirap ipaliwanag. Sorry talaga."

"Oo nga, Elaya. Sorry din."

"Sorry, Elaya. Promise! Magiging mabait na kami!" Napangiti naman ako sa kanila.

"Naku, wala iyon. Salamat sa inyo. Teka, ano na nga palang nangyari sa party night?" Nalaman ko kasing tatlong araw din kaming nakatulog ni Denden.

"Nako, iyon ba? Hindi na kami um-attend." Sagot ni Maya.

"Ha? Bakit naman? Sayang, chance niyo na iyon para magsaya o magcelebrate dahil success ang play."

"Gusto mong sabunutan kita r'yan
Elaya? Like duh? Paano kami magcecelebrate kung nasa hindi magandang kalagayan ang sumagip samin mula sa kahihiyan? Hindi namin kayang magsaya kung alam naming nasa kapahamakan kayong dalawa." Biglang sumeryoso si Giana sa mga huli niyang sinabi.

Natutuwa talaga ako dahil ramdam ko ang pag-aalala nila. Ngumiti na lang ako and I mouthed 'thank you'.

Gustuhin ko mang lumapit sa kanila at yakapin sila isa isa ay hindi ko magawa dahil kumikirot pa ang tagiliran ko.

"O siya, paano ba 'yan? Maiwan na muna namin kayo ng makapag labing-labing kayo!" Asar ni Nelson, isa sa maloko sa klase. Tumawa rin naman ang iba.

"Ba-bye Elaya, Cyden! Pagaling kayo!"

"Salamat. Mag-iingat kayo." Sabi ko naman. Unti-unti ay nagsilabasan na sila.

"Looks like, you're getting closer to your classmates." Sabi ni Denden. Ngumiti naman ako at tumango.

" Oo nga eh. Pero teka, sigurado ka bang okay ka na? Hindi na masakit ang ulo mo? O ang kahit ano?" Tanong ko at hinawakan siya sa pisngi.

"Ah aw. D'yan banda sa hinawakan mo masakit eh."

"Ha? Tatawag ako ng nurse. Teka."

"Hindi. D'yan ka lang. Kiss mo lang okay na."

"Sure ka?"

"Oo."

I gave him a peck.

"Oh, ayan. Okay na? "

"Oo pero mukhang lumipat dito ang sakit eh." At ngumuso pa siya. Tinitigan ko lang siya.

"Nangloloko ka naman eh."

"Hindi ah. Masakit nga eh. Dali kiss mo na." Pasaway talaga.

"Isa lang ah?"

"Hmm. Tingnan natin kung gagana pag isa lang. " nakangisi pa siya.

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon