Lumipas ang mga araw at malapit na kaming magtapos. Malapit na ang graduation. Oo mabilis talaga. Kasing bilis kung paano siya nagbago. Pagbabagong mukhang malabo nang bumalik sa dati na huwag naman sana.
Akala ko, bad trip lang talaga siya. Kaya hinahayaan ko na siya. Pero ang tagal na eh. Hindi ko na siya nakikitang naka business suit, at madalas umuwi ng lasing. Kapag tatanungin ko naman susungitan at sisigawan lang ako. Kaya imbis na magsalita, mananahimik na lang ako.
Ako na ang nagpaparaya dahil kapag sinabayan ko pa siya, mas lalo lang gulo at mas mag-aaway lang kami. Hindi ko alam kung akong ikinagagalit niya. At hindi na ako makatiis na ganito ang set-up namin.
Kaya nagpasya akong dalawin siya sa kompanya kung naroon ba siya. Lagi ko naman kasi siyang hindi naabutan dahil paggising ko wala na siya. Alam kong posibleng magalit siya sakin kapag nakita niya ako roon pero hindi naman ako magpapakita eh. Sisilipin ko lang kung naroon ba siya.
Hindi na ako nagdala pa ng pack lunch dahil baka itapon niya lang 'yun. Sayang lang.
Pagdating ko sa building nila, mukhang nakilala ako ng guard at agad akong binati sabay pinapasok. Nginitian ko na lang ito.Dumiretso ako sa floor kung saan naroon ang office niya. Busy lahat ng nasa baba, may mga kausap personal at ang iba naman ay sa telepono kaya hindi na ako nag-abalang magtanong pa. Siguro naman, naroon si Amaya sa labas ng opisina ni Denden.
At tama nga ako. Pagbukas ng elevator, nakita kong nakayuko si Amaya sa desk niya.
"Amaya!" Dahan dahan pa siyang nag angat ng ulo at inayos ang salamin niya. Akala ko naman may ginagawa, natutulog lang pala. Nagkusot kusot pa siya ng mata niya.
"Teka, ma'am Elaya? Nako! Ma'am Elaya kayo nga po! Upo ho kayo." Agad siyang tumango at lumapit sakin.
"Ano pong gusto niyong inumin, juice, coffee o ano po?"
"Huwag ka ng mag-abala pa Amaya. Pumunta lang ako rito para malaman kung nandito si Cyden."
"Eh? Si sir? " mukha namang naguluhan siya.
"Oo. Bakit? Wala ba siya? Nasa meeting or what? "
"Nako Ma'am! Dalawang buwan ng hindi pumapasok si Sir. Nag-eemail lang siya ng mga gagawin niya tapos ang secretary niyang si Mr.Kim na ang bahala."
"Ano? Dalawang buwan?"
"Opo. Akala ko nga po, kaya kayo nandito kasi kayo muna ang papalit kay Sir eh." Napaisip naman ako roon. Dalawang buwan? Eh halos araw araw nga siyang wala sa bahay. Ang aga aga pang umalis at gabi na kung umuwi.
"When was the last time you have saw him?"
"Hmmm. Two months ago din Ma'am. Pero hindi na rin siya madalas pumasok nun Ma'am. Bakit po? Hindi niyo alam?" I looked at her and shake my head.
"Sige. Salamat. Mauuna nako."
"Pero kararating niyo lang po Ma'am. Hindi niyo po aantayin si Sir? Malay niyo dumating." Napapoker face naman ako sa sinabi.
"Mag-aantay lang ako sa wala. Kaya sige na. Mauuna na ako. Salamat."
"Okay po Ma'am. Babye po. Ingat."
Agad akong dumiretso sa parking lot. Pagpasok ko sa kotse ko, ang daming tanong sa isip ko."Saan ka nagpupupunta Denden? Anong pinaggagagawa mo? Ano ba talagang problema mo? "
'Yung iniisip ko na baka problema niya ay 'yung kompanya tapos malalaman ko na lang na hindi naman pala siya pumapasok? Saan niya ginugugol ang oras niya?!
"Arrrgh!"
Nahampas ko ang manibela sa inis ko. Sino ba ang posibleng kasama niya ngayon? Si Calvin. Tama. Ang bestfriend niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/77571207-288-k861561.jpg)