Chapter 21

1K 15 0
                                    


  "Denden? Late ka na naman ng uwi." Sabi ko habang nakaupo sa sofa, tinapos ko na ang mga gawain ko para mahintay siya.

"Gabi na. Bakit gising ka pa?"

"Hindi ba obvious na inaantay kita?" Tanong ko. Tiningnan niya lang ako. Lagi na lang siuang busy. Bakit ako? Busy din naman ako pero naglalaan ako ng oras sa kanya. Sa paghihintay sa kanya. Bumuntong hininga lang siya.

"Not now Elaya, I'm tired. Aakyat na ako. " He just kiss my right cheek at akmang aakyat na nga.

"May up coming exhibit kami sa school. Kami ni Zake nag-oorganize 'nun. Sa Friday 'yung opening. I hope you could come." Ngayon ko pa lang nasabi 'yung about sa exhibit dahil madalas hindi ko na siya naabutan, nakakatulog na ako.

"It's good that you're the orgnizer of the Exhibit this year. Pero 'yung Montereal na iyon pa ang kasama mo?" Kunot noong tanong niya.

"Ewan. Hindi naman ako ang pumili eh.Zake is not the issue here okay? We're just partners. And I'm inviting you to come."

"Of course I'll come for you. I just don't like the idea that you're still hanging out with that Montereal."

"I'm not hanging out with him okay? Tara na nga, umakyat na tayo."

"Teka, kumain ka na ba? Baka hindi ka na naman kumain at inantay ako."

"Kumain na po ako. Alam ko ng gagabihin ka at nakakain kana."

"Good. Next time, sabay na tayong magdidinner. " He said while we are holding each others hand paakyat.

"Aysus. Kailan kaya iyon?" Ginulo niya lang ang buhok ko at ngumiti.
Days passed at mukhang maayos naman ang lahat. Magaganda ang mga binigay nilang entry nila for the exhibit.

Talagang pinaghandaan ang gawa. Pinalaki rin ang venue dahil mas maraming paintings ang ilalagay. Sa amin ni Zake, required na talaga maglagay as many as we can. Dahil pwede iyon basta Ikaw ang nakaasign.

Kaya ganoon ang nangyari nang mga nakaraang taon. Nagmistulang sariling exhibit nila ang exhibit ng paaralan dahil sa puro gawa nila ang naroon.

Kaya nagpagpansyahan namin ni Zake maglalagay ng dalawang may makatamtamang size na kalaki nang sa iba at isang malaki para sa finale namin.

Malaki talaga dahil 5ft by 5ft ang sukat ng canvas. Ganoon kalaki. Ilang araw din kaming ginagabi na ng uwi para matapos ang lang finale namin.

Bawal naming tingnan no Zake ang gawa namin kaya sa magkaibang room kami nangpepaint. Para raw my thrill. At sa awa ng Diyos, natapos din.

Friday na. Nakadisplay na lahat ng paintings. Nasa dulo ng venue 'yung gawa namin na nakatakip pa ng puting tela. Pareho kaming hindi pa nakikita ang sariling gawa.

"Gosh Elaya! Bongga nga ang exhibit ngayong taon!" Sambit ni Maya.

"Ang galing mong magmanage Elaya. Thank you ulit . Sa lahat." Sambit ni Sheila, alam kong may iba pa siyang tinutukoy. Nginitian ko siya at tumango.

"Wala iyon. Okay ka ba talaga?"

"Oo. Okay na ako. May mga bagay na mahirap man, pero kailangan mong tanggapin. Kahit masakit."

"Iba talaga pag broken. May pinanghuhugutan oh!" Asar ni Maya.

"Ah ganoon? Maghintay ka at paparating na 'yung Doctor Stranger mo na lagi mong tinatakasan."

"Tse! Wala akong pake sa kanya!"

"Weh? Ayan na pala eh. Kelvin!" Sigaw ni Shiela at napalingon naman si Maya.

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon