Chapter 25

1.3K 11 0
                                    


  Velga decided to go back to U.S since wala na rin naman daw saysay ang pananatili niya rito. Pinigilan ko siya pero desidido na raw. Kailangan niyang lumayo sa bagay o taong nakakasakit sa kanya.

I understand her. She needs time for herself. Kailangan niyang buuin ulit ang sarili niya. Sana lang maging maayos na siya. At sana makatulong ang ginawa niyang paglayo.

At ngayon, masyadong malaki ang mansion na 'to para sa aming dalawa ni Denden. May ilang kasambahay din naman pero lingguhan kung pumunta para maglinis at maglaba.

Sa totoo lang kaya ko naman iyon at saka pinaalis niya dati 'yung mga katulong. Tapos noong matapos kong magkasakit, pinabalik niya rin. Ngayon kaya? Ayos pa ba kami? Hanggang kailan kami ganito?

As of Zake, iniiwasan ko siya. Kahit na malabo dahil kaklasse ko siya gumagawa pa rin ako ng paraan para hindi ko siya makasama sa tulong na rin nila Giana, Maya at Sheila.

Sinabi ko na rin sa kanila ang nangyari. Nagulat sila nang malamang si Zake ang fiancee ni Velga pero hindi na sila nagulat na mapagkumpirmang mahal ako ni Zake dahil halata at kita naman daw nila iyon. Ako lang daw itong malaking manhid at hindi makaramdam.

Kasalanan ko bang nakatuon lang sa isa ang puso ko kaya hindi ko napapansin ang nasa paligid ko?
Kasalanan ko bang si Denden lang ang mahal ko simula't sapul?

Hindi ko alam kung bakit ko iniiwasan ko iniiwasan si Zake. Siguro dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Na kahit wala namang siyang ginagawang
masama. Naiiling ako nang malaman iyon mula sa kanya.

Mabait si Zake, walang duda riyan. Pero ayokong sayangin niya ang puso niya sakin dahil hindi ko kayang suklian ang nararamdamam niya. Tanging pagkakaibigan lamang ang pwede kong ibigay sa kanya.

Kaya ayoko siyang saktan. Masyado siyang naging mabait sa akin. Hindi pa nga ako nakakabawi sa kabutihan niya, nasasaktan ko na pala siya ng hindi ko alam.

Kasalukuyan akong nasa veranda ngayon at pinagmamasdan ang kabuuan ng mansion. Napapailing na lang. Masyado talagang malaki ito. Hindi akalaing dalawa lamang sila ng Lolo Julio na ang nakatira. Iba talaga pag mayaman.

Napansin kong may humintong isang jeepney truck sa labas ng village. Nasa mataas na parte ako ng mansion kaya tanaw ko mula roon hanggang dito. Hindi ko maaninag ang lalaking sinasamahan ng guard papasok dito.

Oo nga pala, hindi basta basta nakakapasok ang sasakyang walang sticker ng village.

Habang papalapit ng papalapit ang lalaki, nakita kong kumakaway kaway siya sa akin.

"Ingga!" Nanlaki naman ang mata ko. Nasa baba na siya nag kinatatayuan ko at matamis siyang nakangiti sa akin.

"Inggo!" Sigaw ko, dali dali akong bumaba para harapin siya. Nadatnan ko siyang natatawa.

"Ingga! Namiss kita!"

"Nako Inggo, namiss din kita!" Lumapit ako at niyakap namin ang isa't isa.

Siya si Jingo. Kababata ko sa probinsya. Sabay kaming lumaki at madalas siyang pumunta sa bahay. Haciendero rin ang ama niya kaya sumasama siya sa ama niya kapag pupunta sa amin.

Best Friend ko yang si Inggo. Inggo ang tawag ko sa kanya dahil sa napanood namin noon na Super Inggo, kaya inasar ko sa kanya iyon. At malay ko sa kanya kung bakit Ingga ang tawag sakin. Ang layo sa pangalan ko.

"Bakit ka nandito?"

"Dinadalaw ka? Bakit ayaw mo? Grabe, nawala ka lang hindi ko akalaing dito ka nakatira. Ibang klase."

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon