Chapter 46

1K 12 0
                                    


Elaya's Pov

Hindi ko akalaing may mabibigat na pinagdadaanan din pala ang mga kasama ko rito. Nang una ko silang makita ay mukhang masasaya sila at walang problema. Pero mali ako. Sa kabila ng mga ngiti sa kanilang mga labi, may tinatago silang sugat sa kanilang puso. Sugat na unti-unti silang pinapatay sa sakit.

Siguro ganoon nga talaga, walang perpektong pamumuhay. Lahat nasasaktan at nagdurusa dahil sa pagmamahal. Isa rin itong patunay na hindi kayang turuan ang puso na magmahal. Kusa itong titibok sa taong hindi mo inaasahan.

Kinabukasan, maaga akong nagising sapagkat gusto kong abangan ang pagdating ni Denden. Ako na kayang nangyari sa kanya? Nakatulog kaya siya ng maayos? Kumain na ba siya? Sana ligtas siyang makabalik dito.

Ako ulit ang unang nagising. Gusto ko pa sanang matulog dahil mabigat pa ang ulo ko pero mas pinili kong tumayo na at kumilos. Mas lalo lang akong magkakasakit kung hihilata lang ako.

Naghanda ako ng almusal na pwede naming makain. This time, I didn't open the radio. Baka kung ano na namang marinig ko at sumakit na naman ang ulo ko.

"Elaya, bakit mo ginagawa 'yan? You don't need to do that. You need to rest." Agad na lumapit sakin si Era at kinuha ang hawak kong plato.

"Okay na naman na ako kaya ayos lang 'to. Tapos na rin naman na. Ihahain ko na lang." Nginitian ko siya pero umiling lang siya.

"Then let me do it. Just sit here." Pinaupo niya ako sa tapat ng mesa at siya na ang naghain ng pagkain. Napangiti na lang ako sa
inakto niya.

"Just sit there and don't you dare to stand up. Here, mauna ka ng kumain. Mukang tulog pa ang mga 'yun." Inabutan niya ako ng fried rice na gawa ko at ham.

"Thank you, Era."

"Wala 'yun 'no. Hindi mo nga dapat ginagawa 'to eh. Matuto silang magluto ng sarili nilang pagkain. Hayaan mo, pagsasabihan ko ang mga 'yan."

"Okay lang 'yun, Era. Wala 'yun sakin."

"Ah, basta! Kumain na lang tayo." Natatawang tumango naman ako.

Matapos kumain, lumabas ako para magpahangin. Nag-volunteer naman si Era na siya na ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Tama nga siya, tulog pa ang mga kasama nila. Maaga pa naman kasi.

Pinagmasdan ko ang araw na kakasikat lang at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Hindi ko alam kung nasaang parte kami ng Pilipinas. Ang alam ko lang ay payapa rito at malayo sa polusyon. Magandang lugar ang napili ni Denden na pagtayuan ng rest house niya. Talagang makakapagpahinga ka.

Sa hindi kalayuan, tanaw ko ang papalapit na sasakyan. Hindi ito pamilyar kaya agad akong kinabahan. Hindi kaya, si Zake iyon? Hindi ko pa siya kayang harapin. Hindi ko matanggap na nagsinungaling siya sa akin patungkol sa mga dati kong kaibigan.

Ang sabi niya, wala akong kaibigan sa Pilipinas at wala rin akong babalikan dito kaya mas pinili naming manatili sa Germany kahit sa totoo lang gusto ko rin umuwi rito noon pa man. Lagi niya lang akong hinahadlangan sa hindi malamang dahilan. Ngayon alam ko na kung bakit. May tinatago pala siya.

Aatras at tatakbo sana ako papasok nag huminto ang sasakyan malapit sa rest house ngunit natigil ako nang makit kung sino ang bumaba.

"Denden." Napangiting bulong ko. Umikot siya at binuksan ang passenger seat. Sinong kasama niya?

Halos tumalon ang puso ko nang makita ang anak ko na bumaba mula sa sasakyan niya. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila.

"Prince!" Napalingon siya sakin at malugod akong sinalubong ng mainit na yakap.

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon