Ang daming tao ngayon dito sa bahay. Diba kapag designer, isa lang? Bakit ang dami nila? Ilan ba kaming susukatan?
"Hi Miss Elaya. I'm Nisha David, a designer from Paris and this is Maria Isabel Gomez, from Italy, a designer too. That one who is standing in the doorway is Paulo Antonino, from Germany. The wedding planner and also the coordinator. The others are our team. Don Julio wants to make it grand and perfect for his grandson and soon to be granddaughter. So here we are, I hope we can help you." Mahabang sabi ni Nica? Nina? Whatever. Tumango na lang ako. Ano bang alam ko riyan. Nadawit lang ako rito. Hindi ko nga alam kung tama ba 'tong gagawin ko. Ayoko lang mapunta sa wala ang pinaghirapan ni Lolo.
Pero alam kong may parte sa loob ko na gusto ang nangyayari. Dahil ba si Cyden ang ikakasal sa'kin? Mapait akong napangiti sa isipan.
Kanina pa maraming tao rito, at kanina pa ko nasa baba pero wala pa 'yung prinsipe. Siya na lang kasi ang hinihintay.
Bakit hindi na lang muna 'ko nila sukatan 'di ba? Para kapag natapos ko ay siya naman nang hindi siya nakabusangot 'pag nakikita ako.
"Good afternoon, Don Julio." Sabay-sabay na bati ng mga tao sa harap ko. Tumingin ako sa likod at naroon na pala at nakatayo si Lolo Julio. Nauna pa sa ikakasal.
"Magandang hapon po Lolo Julio. " Bati ko naman at ngumiti siya sa'kin.
"Maganda ka pa sa hapon, hija." Nahiya naman ako roon dahil maging ang mga bisita ay ngumiti sa akin.
"Anyway, where's Cyden?!" Ang kaninang maamo at malambing na Lolo Julio ay tila nagpalit anyo nang makitang wala pa rito ang kaniyang mabait na apo.
"Ahm. Hindi pa po bumababa, Don Julio. " Sabi at sabay yuko ni Manang Len. Tama ba ko? Mahirap ako makaalala ng mga pangalan at mukha.
"You better check him, Elaya. Tell him kung hindi pa siya bababa, kakalimutan ko ng Apo ko siya. Ikaw na lang apo ko. Dali na, akyatin mo na!" Ay ang gara ni Lolo Julio. Una, itatakwil si Cyden tas pangalawa ako ang gagawing apo? Sabi ko nga. Inulit ko lang eh. Hindi bale pag tinakwil si Cyden, handa akong saluhin siya. Ako ng bahala sa kan'ya.
Kahit napipilitan dahil alam kong hindi magandang ideya ang pag akyat ko sa kwarto ni Cyden, ginawa ko pa rin. Mula ng tumuntong ako sa bahay este mansion na 'to, I don't have to choose or have a choice anymore.
Nasa labas na ko ng kwarto ni'ya. Pabalik-balik ako kung kakatok ba 'ko. Bahala na.
"Cyden?" Of course, I knocked.
Walang sumagot. Pinihit ko ang pinto at bukas naman so binuksan ko na. Teka, baka kung akong makita ko rito. Better to get ready myself.
Ano ba 'tong pinag iisip ko? Wala tayo sa telanobela na kapag binuksan mo ang pinto ng kwarto ng taong gusto mo o kahit hindi mo gusto ay makikita mong walang suot o something. Gasgas na 'yun.
Pagpasok ko sa kwarto, ang linis naman. Parang hindi lalaki ang gumagamit. Mostly black and white lang makikitang kulay.
Iginala ko lang ang mata ko. Feel free to sight viewing. Minsan lang ako makakapsok dito kaya lubusin na.
"What are you doing here?" Matigas na Ingles niya ng pasigaw. Kita ang pagkunot ng kan'yang noo. Halatang galing siyang banyo. Basa-basa pa ang buhok at tumutulo pa. Naka fitted black sando siya na bakat na bakat ang abs. Napalunok ako.
"Ah. Eh. Ano. Kasi. Ano." Ano ba yan.
"What?!" Iritado niyang tanong.
"Pinapababa ka ni Lolo Julio." Nakatingin lang ako sa mukha ni'ya. Ayoko tumingin sa baba. Jukso po! O tukso, layuan mo ako!