Matapos naming bistahin last week ang puntod ng magulang ni Denden, hindi na rin ako pumasok at siya naman nagka-emergency meeting.
At oo, isang linggo na rin ang nakakalipas. He really miss his parents. Pareho lang naman kami. But he still have his Lolo Julio. Unlike me, I don't have anyone except him and Lolo Julio.
How I wish our parents are still here. Sana nakita nila kami 'nung kasal namin. May nakakakwentuhan ako kapag free day tungkol sa pagiging asawa. Pero hanggang sana lang ako.
Alam kong masaya na sila kung nasan man sila ngayon. Lolo, miss na miss na po kita. Kayo rin po mama at papa.
Wala akong pasok ngayon at si Denden as usual nasa opisina niya. Gagabihin na naman ata iyon.
"Oh Velga, nandito ka pala. Hindi kita masyadong nakikita dito sa mansion. Saan ka galing? " tawag ko sa kanya ng makita kong pababa siya ng hagdan.
"I just fixed some things. For my opening business and I talk to my soon be in laws."
"Wow! Busy ka nga talaga. It's good to hear na magkakabusiness ka na rito. And congrats! Seems like the wedding is coming. Kailan nga ba?"
"Well actually, we haven't choose a date. But don't worry dear, I'll just inform you when."
"That's great""
"Oh by the way, I'm going to open a coffee shop. And I want you to create the design of my shop."
"Ano? Teka, Velga. Hindi ako ganoon kagaling."
"Tss. I won't ask you if I haven't seen your works. You're a great artist. Like duh? Why am I complementing you? I mean, it's not a complement I'm just appreciating your art works. That's it. Just do it." Sunod sunod na sabi. Si Velga nga pala siya. Ang babaeng seryoso at mataray at invisible ang kabaitan.
"Do I have a choice?" Tanong ko.
"None. Just do it. I gotta go." Napansin kong bihis na bihis nga siya.
"Okay. Thank you ha?" Sarcastic kong tanong.
"You're welcome dear!" At lumabas na siya ng pinto.
Saan na naman pupunta ang isang iyon? Haynako. Ano bang magandang gawin ngayon? Nabuburyo na ako dito sa bahay.
"I'm looking forward for that."
Naalala ko 'yung sinabi ni Denden dati. Bisitahin ko raw siya minsan. Hindi naman siguro siya magagalit kung bibisita ako ano. Dadalhan ko na lang siya ng lunch.
Hindi pa ako nakakapunta sa kompanya nila kaya hindi ko alam papunta. Magtataxi na lang ako.
*Kringggg
"Hello Zake? Napatawag ka."
"Ah yeah. Hi. Ahm. Free ka ba today? Busy or what?"
"Hindi naman ako busy pero may pupuntahan ako ngayong araw. Why?"
"Aw. I'm too late."
"Huh?"
"Wala.I mean. Late na ako sa pupuntahan ko. Babye na lang. See you when I see you "
"Alright. Ingat ka."
"Nice to start my day."
"Ano?"
"Wala. Take care too. Bye." And the call ended.
Nagsimula na akong magluto ng dadalhin kong pagkain kay Denden. Napagpansiyahan kong magluto ng adobo, calderata, chicken curry. Masyado na atang madami. Pero kung sobra ay ipamimigay ko na lang sa mga tao roon.