Chapter 18

987 18 0
                                    

Sabi nila, hindi mo namamalayang bumibilis ang oras kapag ikaw ay masaya. Lalo na kung ang mga oras na 'yon ay ginugugugol mo kasama ang taong mahal mo.

May mga tao, bagay, o pangyayari kang hindi napapansin. Na akala mo wala lang pero hindi pala. May malaking papel pala sa buhay mo.

Sa paglipas ng ilang linggo, hindi ko alam kung masyado lang ba akong paranoid o ano. Kasi pakiramdam ko, may nagbago, may nagbabago. Parang unti-unting bumabalik sa dati ang lahat. Hindi man kagaya mismo ng dati pero may iba eh.

"Denden? Late ka na naman umuwi. Kumain ka muna. Nagluto ako." Yaya ko sa kan'ya, kararating niya lang at ginabi na siya. Napapadalas na 'yan. Lagi pa siyang nakabusangot pagka-uwi.

"I already ate and I'm tired. I'll go upstairs." As usual, iyon ang sagot niya.

"Pero kahit konti? Hindi ka kakain ulit? Since pagod ka edi kumai-"

"I said, I'm tired! Mahirap bang intindihin iyon?!" At umakyat na siya sa hagdan. Napakagat-labi na lang ako.

Tiningnan ko ang pagkain sa mesa. Hindi pa nga ako kumakain eh dahil hinintay ko siya kahit kanina pa kumakalam ang tyan ko. Iniligpit ko na lang 'yon dahil wala akong gana.

Ito na ba? Ito na 'yung ending na binigay sa aking chance? Sana naman hindi. We were so fine last time. We were happy, not like this. We barely talk.

Hindi dapat ako nag-iisip ng kung ano-ano. Pwedeng pagod lang talaga siya. Tama pagod lang siya.

Pero kung lagi ba namang gano'n ay natural pa ba 'yon? Konsensya ko na ang nagtatanong. Ayoko. Ayokong bigyang pakahulugan ang kung ano man.

Tiningnan ko ang saradong pinto ng kwarto niya. Narinig ko pang ibinagsak niya ito pagkaakyat niya.

Napailing na lang ako at pumasok na sa kwarto ko.

Kinabukasan, maaga akong gumising kahit hindi ako nakatulog ng maayos. Buti na lang at hindi na namamaga ang mata ko. Inagahan ko talaga para maubutan ko siya.

Hindi pa ko naliligo, bumaba na ako. Nakita ko siyang prenteng nakaupo at nakade-kwatro pa ang paa habang umiinom ng kape.

Napalunok ako. Ang hot niya sa side na 'yan. Pero, hindi pa rin okay. Hindi niya ko pinapansin these past few days eh. Well, pinapansin kaya lang sinusungitan naman.

"Ahm. Ano. Goo-good morning." The fudge, why am I shuttering? Nag-angat naman siya mukha at tiningnan ako. Bihis na bihis na siya, bagay na bagay sa kanya ang business suit niya. Ang matured niyang tingnan.

"Done checking me out?" He said and smirked, damn that smirk of him.

"I'm not." Umiling agad ako.

"What's this I heard that you still hanging out with that Montereal?" Napakunot noo naman ako sa tanong niya. He sounded different.

"Si Zake? Hindi 'yon hanging out ah. Nagkataon lang na siya ang kapartner ko sa activity. Kaya siya kasama kong gumawa kahapon." I said.

"Edi sana nakipagpalit ka."

"Eh hindi na raw pwede sabi ng Prof. At saka, magtataka naman 'yong tao kung bakit. Wala naman siyang ginagawang masama."

"Sa tingin mo wala, pero sa paningin ko meron."

"Ano?"

"Teka nga, Denden. Ano bang problema mo kay Zake? Wala naman kaming ginagawang masama. Magkaibigan lang kami no'ng tao." Dagdag ko at kita ko naman ang pag-igting ng panga niya.

"I gotta go." He just said at tumayo na. Kinuha niya ang brief case niya na nasa mesa. Sabado ngayon. Dati kapag ganitong mga araw, mas pinipili niyang mag-stay sa bahay pero ngayon.

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon