Chapter 11

1.5K 21 2
                                        

 Everyone seems so busy since one week lang ang preparation. Lalo na 'yung mga gaganap na sa play. Bukod kasi na may practice sila, kailangan din nilang um-attend ng general assembly at i-practice 'yung para sa cotillion. Buti na lang talaga at hindi na ako ang gaganap.

Parang prom nga itong gaganaping party eh. Actually, dapat para lang ito sa mga freshman dahil bago sila. But since it's a party, pinaglaban ng bawat year na dapat kasali pa rin sila so iyon.

Hindi ko rin nakita ngayong araw si Zake dahil pinatawag ulit ng coach nila. I didn't know na siya na pala ang Captain nila. Sinundan niya ang yapak ni Denden.

At dahil tapos na rin naman ang practice, I decided to go home. Wala pa nga pala akong maisusuot. Samantalang 'yung iba, nauna pa ang damit nila kaysa sa practice.

Oh well, it might be exciting for them because it's the last. The last year being together here in collage. Pero ako wala naman siguro akong mam-imiss since I don't have friends.

At a-attend lang talaga ako sa party since sabi ni Denden pupunta siya. Doon ako naeexcite. It's our first party together.

Pagdating ko ng bahay, naabutan kong nasa sala at nakaupo si Velga. Nanood ng TV habang kumakain ng grapes. Feel at home talaga eh 'no. Napatingin siya sakin at nagtaas kilay.

"You're early." She said. Panatag na talaga ako rito kay Velga since ikakasal na naman siya. Although, ayaw namin ang isa't isa.

"Yeah " I lazily said at sumandal sa isa pang sofa. No, humiga na pala ako. I'm tired! Nakakapagod magsayaw nang magsayaw.

"I heard you'll have your acquaintance party." She said, kumuha ako ng grapes at tumango.

"Do you have something to wear?" Kahit nagtatanong 'yan, pataray tone pa rin kaya akala mabait. But we're cool to each other.

"None. Maghahanap pa 'ko." Ang sarap matulog. Ang sakit talaga ng katawan ko eh. Pumikit ako at napadilat ako nang magsalita siya.

"Let's go!" She said at tumayo sabay pagpag sa hita niya. Tiningnan ko lang siya ng nagtataka.

"To a boutique shop. Let's find something you can wear." Nawala naman ang antok ko sa sinabi niya.

"'Di nga? Velga, is that you?"

"Duh, of course. And not because I'm accompanying you means I like you, I still don't. I just don't want you to wear anything specially you're with Cyden." Tingnan mo, akala mo mabait pero manlalait pa rin. Napabuntong hininga na lang ako. Wala namang masama kung sasama ako. May pakinabang din pala 'to kahit papano eh

"Fine. Saan ba?" Tumayo na rin ako at naglakad naman siya.

"Just follow me." She said, hmp! Paluin kita r'yan eh. Sumunod na lang ako sa kan'ya sa kotse niya.

Tinarayan pa niya ko pagkasay ko.

"Siguraduhin mo lang na sa shop punta natin ah. Baka biyaheng langit na ito." I said

"Like duh? I'm not dense to end my life. Ikhaw nah leng. "

"Wala akong sinabi. Wait- nagtagalog ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko, inirapan niya lang ako.

"Pfft! Huwag ka ng mangtatagalog ah? Ang panget! Slang!" I laughed out loud at sinamaan niya lang ako ng tingin. Epic talaga! I can't help but laugh.

"Argh. Shut up." She said irritatedly but I can't stop laughing. Hindi naman panget, it's cute actually. Binubwisit ko lang siya.

"'Yan kase. Laking N.Y. kaya nakalimutan na ang sariling wika."

"It's my parents fault. Not mine, at least I can understand."

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon