Chapter 12

1.4K 15 3
                                    

Matapos akong abangan ni Denden sa gate ng school, hindi niya talaga ako tinantanan hangga't hindi sinasabi kung bakit ako umiiwas.

Kaya ang resulta, hapon na ako nakapasok. Pinagalitan pa ako dahil isa ako sa nagdi-direct ng play. Yeah, 'yun ang role since nag back out ako, kailangan kong tumulong.

Denden said na wala naman daw akong dapat ikahiya dahil siya nga raw ay ipinagmamalaki ako.

Hindi lang talaga ako sanay sa ganito. Si Cyden Montecillo na sweet, na caring, na lahat na kay Elaya Agustin-Montecillo? Eh parang kailan lang eh.

Naalala ko pa sinabi niya.

"Wala kang dapat ikahiya sa akin. Lalo na't mahal mo ako at mahal kita. Walang makakahadlang sa'ting dalawa." He seriously said that line while looking straight into my eyes.

At halos lumabas ang puso ko sa lakas ng tibok. I didn't expect something like this and I didn't know that it would really great.

Kasalukuyan akong nasa back stage at tinitingnan ang isang magazine ng mga art works. Habang sila, busyng busy na. Hindi magkanda ugaga sa gagawin.

Today is the day. Araw na ng presentation na kung saan hindi lang schoolmate namin ang manonood kundi may mga out sider. At mamayang gabi na ang party.

Hindi ko alam kung anong maitutulong kaya umupo na lang ako sa tabi baka may kailanganin sila mamaya, willing naman akong tumulong.

We all know that Romeo and Juliet is a very deep english. At hindi naman sa nangmamaliit o ano, pero hindi lahat ng manonood ay fan ng deep english na mismong ginamit o sinulat ni William Shakespeare.

Kaya naman napagdesisyunan namin na irevise o gumawa ng bagong version ng Romeo and Juliet. Pero hindi pa rin nalalayo sa mismong piyesa.

Kung baga mas pinadali lang ang paggamit ng mga salita. At dahil mag-M.U naman ang gaganap na Romeo at Juliet ay tinotoo na. I mean, pumayag ang dalawa sa kising scene. Na sa mismong play lang daw nila gagawin.

At hindi lang isang scene ang nabago dahil binuo na namin. Summarize nga lang but still, maiintindihan pa rin ang kwento.

"Shit! Ilang oras na lang magsisimula na! Wala pa 'yung dalawa!" Sigaw ni Maya na natataranta na. Napatayo naman ako sa upuan ko.

"Anong nangyayari?"

"Wala pa sila! Sabi ko agahan eh! Magre-rehears pa sila ng isa bago magsimula! At 'yong mga damit, aayusan pa sila! My goodness!"

"Ahm. Malay mo naman, natraffic lang. Baka papunta na sila. Kalma ka lang."

"Argh! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala tayong nai-present!" Sigaw niya at ginulo ang buhok sabay alis.

Halos lahat na sila nagkakagulo. Ano bang gagawin ko?
Nag- iisip ako ng pwedeng maitulong nang biglang tumunog ang phone ko.

Si Denden, tumatawag. Napakagat-labi ako bago sagutin.

"Ah, hello Denden? Napatawag ka."

"Hey. I'm on my to your school."

"Ha?!" Napasigaw ako at napatingin sa'kin ang iba. Nag-peace sign ako at gumilid.

"Aray naman. Kailangan sumigaw?"

"Baliw. Anong gagawin mo rito?"

"Wala akong appointments this day so pupuntahan na lang kita r'yan. "

"Mamaya ka na lang pumunta kapag party na. Baka hindi kita ma-entertain dahil busy kami." Palusot ko. Sila lang kasi busy eh.

"Edi tititigan na lang kita habang may ginagawa ka." He said at hindi agad ako nakapagsalita. I heard him chuckled on the other line.

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon