Chapter 44

893 9 1
                                    


Pagsapit ng gabi ay dumiretso kami sa may dalampasigan pagtapos kumain. Gumawa sila ng bonfire at pinalibutan namin ito. Masaya sana dahil marami kami ngayong nandito pero parang biglang nagseryoso ang lahat. Even Calvin, mukhang likas ng maingay siya at mapangbara pero heto siya, tahimik at tulala. Siguro nga ganyan siya, hindi rin naman siya lubos na kilala ngayon.

"So, what's up guys? Seryoso natin ah." Basag ni Sheila sa katahimikan.

"Maglaro na lang tayo." Suhestiyon ni Maya.

"Ng ano? Ng walang kamatayang truth or dare?" Biglang nagsalita si Calvin at ngumisi.

"At dahil ikaw na mismo ang nagsuggest, game!"

"May nakita akong bote ng alak sa loob kanina." Napatingin ang lahat kay Giana nang magsalita ka.

"Ahm. Halika, Giana. Samahan kita." Ako na nagreact dahil para silang mga tuod na nakatingin lang. Tumayo ako pero hinawakan ni Denden ang kamay ko at pinisil. Ngintian ko lang siya at sinundan si Giana.

Nang makarating sa loob, nakita kong hawak na ni Giana ang bote. Nakatitig lang siya sa bote at pansin kong malungkot ang mga mata niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin para aluin.

Tanaw mula sa pwesto namin sila Denden na nagsisimula ng mag-ingay. Napangiti ako nang makitang naasar siya at nakakunot-noo.

"Siguro nga, dapat hindi na ako bumalik." Napalingon ako kay Giana.

"Masaya naman na pala siya eh. Hindi ko naman akalain na mawawalan din ako ng halaga sa kanya." Hindi siya umiiyak pero ramdam ko sa boses niya ang lungkot.

"Giana." Tumingin siya sakin at malungkot na ngumiti.

"Wala ka pala talagang naalala. Sana ako rin, sana mawala na lang din ang alaala ko para kahit papaano makalimutan ko 'yung sakit."

"Giana, huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi ko man alam ang totoong nangyayari pero sinasabi ko sayong hindi maganda ang mawalan ng alaala. Kung papipiliin man ako dahil sa mga sakit na nararamdaman ko, mawalan ng alaala o hindi, mas pipiliin ko pa rin ang hindi. Mas gugustuhin kong mabuhay sa alaala na puno ng sakit dahil alam ko, sa kabila ng mga sakit na iyon ay naging masaya ako." Nakatitig lang siya sakin at nginitian ko lang siya.

"Parte na ng buhay ang masaktan. Saya at lungkot ay pareho mong mararamdaman. At ang mawalan ng alaala ay parang nawalan din ng buhay. Nakalimutan mo kung sino ka, ang mga tao sa paligid mo lalo na ang taong mahal mo." Hindi ko namalayang may tumulong luha sa aking mata, agad ko itong pinahid at ngumiti.

"Sorry. Nadala lang."

"Hindi ka pa rin nagbabago, Elaya. Kahit na wala kang maalala, ikaw pa rin 'yung Elayang nakilala ko. No wonder, patay na patay sayo si Cyden at hindi ka sinukuan."

"Ha?" Ngumiti lang siya tumingin kila Denden na nasa labas.

"Kahit na kasama mo na siya, hindi niya pa rin sinasabi sayo kung sino at ano mo ba siya sa buhay mo."

"Alam mo? Kung ganoon-"

"Kahit alam ko, hindi ko sasabihin sayo. I respect Cyden's decision. Kahanga-hanga, naniniwala siya na makalimot man ang isip, hindi kailanman ang puso."

"Pero-" Ipinatong niya ang palad sa kabilang balikat ko at ngumiti ng totoo. 'Yung ngiting kahit nasasaktan, ayos lang.

"Sana makaalala ka na, ingatan at mahalin mo siya habang nandiyan pa siya. Masakit magsisi kapag ang taong minahal mo, hindi na makatingin pa sayo at iba na ang gusto." Nilampasan niya ako at nauna nang maglakad pero rinig ko ang huling sinabi niya.

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon