"Zake, sana hinayaan mo na lang iyong mga 'yon. Hindi naman totoo ang mga pinagsasabi nila eh " I said habang naglalakad kami sa hallway. Kahapon kasi hindi ko na siya nahagilap matapos niyang papuntahin sa Dean's Office 'yung mga babae.
Tapos nalaman ko na lang na may punishment sila and that is community service. Nakita ko rin kasi sila pagpasok na nagwawalis, inirapan pa nga ko eh.
"Alam ko naman iyon, but they deserve that. Hindi pa rin tamang manghusga na lang sila ng tao eh hindi naman nila kilala. Lalo na ikaw." Napakamot pa siya sa batok at namula.
"Aw, that's so sweet of you!" At ginulo ko ang buhok niya. Akala ko magagalit pero tinawanan lang ako.
"So, lunch na tayo?"
Speaking of lunch. Naalala ko iyong sinabi ni Denden na lunch kahapon na hindi natuloy. He texted me and said there's an emergency meeting. Sino ba naman ako para magreklamo 'di ba? Pero sayang lang.
"Hmm. Sige, lunch na tayo."
"Nakakasawa na ang pagkain sa cafeteria. Labas tayo!" Masiglang sabi niya.
"Ha? Pwede ba? "
"Oo naman. Nakakalimutan mo atang si Zake Montereal ang kasama mo." At may pakindat-kindat pa siya.
"Oy ikaw, pamangkin ka ng Dean tas lalabas-labas ka. Bawal 'yan."
"Well, walang bawal-bawal sakin. Let's go!" At hinila na niya ko. Okay, I have no choice here pero ayos na rin ito.
"Ilang linggo nga pala ang community service no'ng mga babae?" Tanong ko habang kinakabit ang seatbelt.
"Anong linggo? Isang buwan kamo."
"Ano?!"
"Yeah. Sabi ni Uncle community service raw ang parusa since considered bullying ang ginawa nila, and I know that it's not the first time you heard them saying things about you, so ako na raw ang bahala kung hanggang kailan. Kaya isang buwan. Pasalamat nga sila walang suspension eh."
"Pero, kawawa naman sila!"
"I told you, they deserve that." He said
Huminto kami sa isang restaurant. Gusto ko sanag magreklamo dahil ayoko talaga sa mga masyadong pormal na lugar. Parang kailangan limitado lang ang kilos mo. Pero nakakahiya naman kay Zake. So hindi ako nahiya kay Denden ? Well, iba naman iyon.
Pagpasok namin, dire-diretso lang si Zake at hawak-hawak niya ang palapulsuan ko kaya go with the flow lang ako.
Huminto kami sa isang table na may nakalagay na 'reserve' at tinanggal naman iyon ng waiter. Inabante niya ang isang upuan at sinenyasang umupo ako roon kaya umupo na ako.
"Nagpa-reserve ka?" Tanong ko at kinindatan niya lang ako at tinanguan.
"So, what do you want to eat?" Tanong niya.
"Hmm. I want some carbonara. " I said, para kasing nag-crave ako ngayon sa carbonara eh.
"Okay, two carbonara please and lemon juice as the drinks." He said sa naghihintay na waiter. Lalaki ang waiter kaya naman pala tahimik eh. Pag babae kasi, alam na.
"Want some wine, Sir?" At tiningnan naman ako ni Zake. Umiling ako.
"No. "
"Okay, Sir. Just wait for your order." At umalis na yung waiter. Antaray ng waiter rito, Englishero.
Naka pwesto kami malapit sa bintana at nakikita ang bawat pumapasok dito.
"Nga pala, miss ka na ni mama. Gusto ka raw niya ulit makita." He said.