Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Pinagmamasdan ang isang napakagandang wedding gown na nasa harap ko. Ang ganda. Wala akong masabi. Nilapitan ko ito at hinaplos.
Hindi ako makapaniwalang isusuot ko ito, na ikakasal na ako. Marami akong pangarap sa buhay. Balak ko pang makapagpatayo ng sariling exhibit ko balang-araw.
Ilalagay ko roon lahat ng paintings ko mula umpisa. Matutupad pa kaya iyon? Even if I'm getting married tomorrow?
Yes, tomorrow is my wedding day. A special day for every woman. To be married to the man they love and be with him until the end.
Marrying is for a lifetime. Yes, there is an annulment pero hindi ba kapag pinakasalan mo ang isang tao, hindi mo lang siya mahal, sigurado ka na rin at tanggap mo siya sa kung ano at sino siya.
Mangangako kayong dalawa sa harap ng mga taong malapit sa inyo at higit sa lahat sa harap ng Panginoon, sagrado iyon kaya dapat lamang tuparin.
Pero ang matali sa taong mahal mo pero hindi ka naman mahal ay ibang usapan. Masisira ang isang relasyon kung walang pagmamahalan. Kahit pa ang isa ay nagmamahal. Dapat balanse pero kung mahal mo, titiisin mo.
Ganoon naman ang taong nagmamahal, hindi mo kami maiintindihan kung hindi ka nagmamahal. Kahit masakit, kahit mahirap, tatanggapin mo. Bakit? Kasi mahal mo.
Kahit alam mong walang pag-asa, aasa ka pa rin. Magbabakasakali na mahalin ka rin niya.
At, gaano mo man kamahal ang isang tao kapag puso ang napagod, bibigay at bibigay ka rin. Pero sa ngayon, hangga't kaya ko magtitiis ako.
Nalulunod ako sa mga sumasagi sa isipan ko at hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras.
Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa malaking salamin na nasa harap ko. Suot ko na ang magandang gown na ito. Halos hindi ko makilala ang sarili ko. Napangiti ako ng mapait.
"Ma'am, smile po!" Sigaw ng isang photographer at ngumiti naman ako. Labag man sa loob ko, kailangan kong magmukhang masaya. Ayokong magmukhang Biyernes Santo sa araw ng kasal ko.
"Naku Ma'am. Ang ganda-ganda niyo po. Dyosang dyosa. Paniguradong laglag panga ng magiging mister mo!" Masiglang sabi ng gay na isa sa nag-ayos sakin. Nginitian ko lang siya.
Nang nasa loob na ako ng limousine na sasakyan ko patungong simbahan ay nakaramdang ako ng kaba. Maraming tao akong haharapin at wala akong kakilala sa kanila ni isa. Except for Calvin.
Sana nandito pa si Lolo, sila mama at papa. Pero kung nasan man sila ngayon sana huwag silang magalit sa gagawin ko. Ang ikasal sa lalaking mahal ko pero hindi naman ako mahal at hindi ako sigurado kung mamahalin din ako.
Pagkarating sa simbahan ay mas lalo akong kinabahan. Ano kayang itsura ni Denden? Paniguradong nakasimangot na naman iyon. Sana naman huwag. Kahit magpanggap lang siya na masaya ngayong araw, ayos lang sa'kin.
Inayos na ng coordinator ang mga maglalakad na abay. Wala akong kilala sa kanila pero ngumiti na lang ako dahil nakangiti silang lahat sa akin.
Nagsimula na ang tugtog mula sa piano. Isang magandang awitin para sa mga taong nagmamahalan.
Nang matapos ang lahat at ako na ang maglalakad, biglang nag-iba ang kantang tugtog.
"There are times that I just want look at your face
With the stars in the night
There are times
Where I just want to feel your embrace
In the cold of the night
I just can't believe that you are mine now."
Sinong pumili ng kanta? Hindi ko alam na ganyan. Ang layo kaya ng meaning sa aming dalawa. Pero wala na akong panahon para magtaka nang tingnan ko siyang seryosong nakatingin lang sa akin. Wala siyang ekspresyon kaya hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. Nakatuon lang ang atensyon ko sa kan'ya. Nakikipag titigan siya sa'kin. Ito ang pinakamatagal na titigan namin at parang ito na ang pinakamabagal na paglalakad ko na tila ba bumagal ang oras. Huminto ang oras at kami lang ang tao sa simbahan.
