Kasalukuyan kaming nasa tambayan at nagpapalipas ng oras. Si Maya na nagbabasa ng papel, president duty daw. Si Sheila na hawak ang phone, malamang katxt ang boyfriend. At si Giana na prenteng nakaupo habang nagkikiskis ng kuko.
Napukaw ang atensyon sa grupo ng mga lalaking nagtatawanan.
"Si Nelson oh! " turo ko sa kanya.
"Nelson!" Sigaw ni Giana. Nawala naman ang ngiti niya nang tumingin sa amin. Kita kong napabuntong hininga pa siya at lumapit sa amin.
"What?"
"Anong what what ka diyan. Watwatin ko mukha mo eh. Anong problema mo ha?" Mataray na tanong ni Giana.
"Wala akong problema."
"Eh kung ganoon anong problema mo sa amin?" Tanong naman ni Maya.
"Wala."
"Tss. Sabi nila kapag sinabi ng tao na wala siyang problema ibigsabihin meron." Sabi naman ni Sheila.
"Wala nga."
"Eh bakit mo kami iniiwasan?" Ako naman ang nagtanong at tiningnan niya lang ako.
"Hindi ko kayo iniiwasan. Busy lang. Sige. Mauna na ako." Sabi niya lang at bumalik na sa grupo niya.
"Haynako! Nakakaloka ah. Hindi umiiwas pero ga'non? Ay ewan!" Komento ni Giana.
"Hayaan niyo na. Baka may problema lang talaga siya." Sabi ni Sheila na habang nakatingin pa rin sa phone niya.
"Hey! Hi Elaya!" Bungad samin ng kararating lang na si Zake.
"Ah. Hello."
"Ay ganern? Si Elaya lang ang may special mention." Tukso ni Maya.
"Ano ka ba, special naman talaga kasi." Dagdag pa ni Giana.
"Tama! Hahaha!" Ano raw?
"Anong pinagsasasabi niyo?"
"WALA!" Sigaw nila at bumalik sa kaniya kanyang ginagawa. Napailing na lang kami ni Zake.
"Ay. Sorry nga pala last time ah."
"It's okay. Sanay naman na ako." Medyo humina 'yung dulong sinabi niya.
"Ano ulit?"
"Wala. Sabi ko ang ganda mo." And he pinched my nose.
"Aw! Bolero!"
"Hindi kaya! Honest 'to no." He said and wink.
"Istorbo ba kami dito? Alis na lang kami ah." At tumayo naman sila.
"Uy para kayong timang." Nagtawanan lang naman sila.
"Nga pala, hindi ko na nakikitang ihatid ka ng asawa mo ah. Nasan na 'yun? Buhay pa ba 'yung bestfriend ng loko loko?"
"Loko loko raw. Pero mahal niya. Yieeee." Asar naman ni Maya.
"Ikaw Maya, kapag dumating 'yung araw na may minahal ka rin, ako unang mang aasar sayo."
"Haynako Giana. Malabo 'yan. Si Maya pa? Eh diba nga, 'Book Before Boys Because Boys Bring Babies' kasabihan niyan sa buhay. " Sheila said.
"Malay natin diba? Kapag tinamaan ka naman hindi mo mapipigilan eh. Sabi nga sa kanta 'Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito' kaya hindi na ako magtataka kung isang araw tinamaan na 'tong si Maya."
"Haynako magsitigil nga kayo! Bakit ako pinaguusapan niyo? Ayan si Elaya oh. "
"Oh? Bakit ako?"
