Third Person's Pov
Mabilis na lumipas ang mga araw. Akala ni Cyden may magagawa siya para pigilan ang kasal ni Elaya sa iba. Akala niya maalala ulit siya nito kung mananatili ito sa tabi niya. Akala niya mababago pa ang lahat. Pero nakakamatay nga siguro ang maling akala. Dahil kahit anong gawin niya, hindi siya maalala ng taong mahal niya.
Sa maingay, magulo at mausok na lugar naroon ngayon si Cyden. Nagmumukmok sa isang tabi at nagpapakalunod sa alak. Para bang pasan niya ang buong mundo dahil sa problema.
"Bro, kung saan saan kita hinanap nandito ka lang pala!" Bungad sa kanya ng matalik na kaibigan. Inirapan niya lang ito.
"Bakit? Sinabi ko bang hanapin mo ko?"
"Aba! Kung makairap at makapagsungit ka diyan, daig mo pa lola ko ah! Umayos ka nga, hindi masusulusyunan ang problema ng pag-inom."
"Oh. Look who's talking. Ang lalaking nagdrama nang iwan siya ng babaeng mahal niya."
"Come on, Bro. At least, I've move on."
"Move on? That's bullshit! Sinong niloko mo?" Naiiling na sambit nito sabay uminom ulit.
"Totoo, Bro. 'Nung iniwan ako ni Giana, pakiramdan ko nawasak ang mundo ko. Parang ayoko ng mabuhay. Kasi hindi ko matanggap na pinagpalit niya ko para sa pangarap niya. Pero hindi ko alam kung bakit isang araw, pag-gising ko parang nawala na lahat. Nawala na 'yung sakit. Tanggap ko na. Tanggap ko na hindi kami para sa isa't isa." Seryosong sambit nito.
"Anong nakain mo? Akala ko ba stick to one ka?"
"Wala naman akong sinabing may iba na ako. Ang taong nagmamahal kapag nasaktan, marunong 'yang magtiis. Pero napapagod din 'yan. At kapag napagod na, kusa na lang hihinto at mawawala 'yung nararamdaman mo para sa isang tao."
"Eh bakit ako? Kahit ilang beses na akong nasaktan, bakit hindi napapagod 'yung puso ko namahalin siya ng lubusan?"
"Abay ewan ko sayo. Puso mo ang makakasagot sa tanong mo. Basta matuto lang tumanggap kung anong hindi para sayo."
"Sinasabi mo bang tanggapin ko na lang na hindi siya para sakin dahil ikakasal na siya sa iba? Ha?"
"Wala akong sinabi. Nasa sayo naman 'yan kung hahayaan mong mapunta siya sa iba. Bukas ang kasal niya diba? "
"Pano mo nalaman?"
"Natural, invited ako eh. Tss. Ano? ,Magpapakalasing ka na lang ba? Hahayaan mo na lang na mapunta siya sa iba? Wala lang gagawin?" Natigilan siya at napaisip sa sinabi ng kaibigan. Maya-maya bigla itong tumayo.
"Oy, saan ka pupunta?!"
"Sa impyerno, sama ka?"
"Sa langit ko lang gustong makarating." Nakangising sambit nito. Bigla namang may lumapit sa kanyang babae.
"We can go together in heaven, Babe. Let's go." Malanding sambit nito at agad namang lumayo si Calvin.
"Sorry. But if I am going with someone in heaven, it's not with you. Back off." Agad namang umalis ang babae.
"Ano namang gagawin mo sa impyerno ha, Cyden?"
"Maglalaro ng apoy." Seryosong sambit nito.
"Ayusin mo lang. Baka ikaw din ang mabasa sa sariling mong apoy. Mag-ingat ka." Sambit nito ng may nakakalokong ngiti sa labi.
"Shut up."
"Oh well, so what's your plan?"
"Do I need to?"