Chapter 30

1.3K 6 0
                                        


  "I have already told you Mr. Montecillo, it's not good for your condition to travel. Look at what happened." Narito na ulit kami sa hospital matapos naming maglibot ng ilang sandali sa Cagayan. Umaasang baka nariyan lang siya sa tabi at maabutan ko siya.

But when we're on our way home, bigla na lang akong inatake ng pananakit ng ulo. Kaya heto ako't nakahilata na naman.

"It's okay. I'm fine." I said and the doctor just shook his head.

"You're not. Your body is getting weaker Mr. Montecillo. I'm telling you. Focus on your medication if you want to be cure." Tiningnan ako ng dalawang nakaupo sa sofa. I just nodded.

"I'll leave you now. If you'll excuse me." Pagpapaalam niya.

"Thanks doc." Sambit naman ni Calvin at tuluyan ng umalis ang doctor.

"Ayan kasi. Nuknukan ng tigas ng ulo. Haynako Cyden, ewan ko ba sayo. Tsk. Tsk." He grabbed the magazine while Nelson stand to come beside me.

"I already inform my hired investigator to look for Elaya again." Sambit niya at umupo ako ng maayos.

"That's good to hear. Calvin, alamin mo ang tungkol sa Teach And Help For The Youth Organization. Alamin mo ang mga lugar na susunod nilang pupuntahan. "

"Alright. Dito na lang ako maghahanap." Sabi niya sabay labas ng laptop niya at mukhang nagsimula ng maghanap ng impormasyon.

"Balitaan mo ako agad kapag may alam ka na."

"Grabe naman. Ilang pulgada lang ang layo mo sakin oh, baka gusto mong itawag ko pa sayo 'to. " He said while sitting pretty in couch. Sinakop na niya lahat eh. I just rolled my eyes.

Nelson looked at me while holding his phone.

"Labas muna ako. Kausapin ko lang 'to." Sambit niya at agad naman akong tumango.

Paglabas niya ay saka naman may nagpop-out sa phone ko. May nagtext ata. At mayroon nga. Si Giana.

From Giana:

" Cyden, check her IG account. She's active there. May mga bago siyang post ng mga place na mukhang napuntahan na niya at bagong paintings niya.We tried to message her pero hindi man lang niya na seen. "

Agad ko namang binuksan ang ang instagram account ko and dumiretso sa feed niya.

At oo, marami ngang bago. May mga pictures ng mga tanawin. Signboard ng Cagayan. Bundok at ang mataas na tanawin mula sa Baguio. Bahay nila sa Davao at marami pang iba.

Seems like palipat lipat nga siya ngayon ng lugar. May mga pictures din ng mga batang nakakasalamuha niya. At ilang bagong likha niya na kung saan tungkol sa mga bata.

Ngunit may isang post ang nakapukaw ng atensyon ko. That was a great angle of pink blossom or cherry blossom. And it was posted 3 mins ago.

"Calvin!" Sakto namang pumasok si Nelson.

"Nasaan may Cherry blossom dito? Puntahan natin." I said. Shit baka hindi ko na naman siyang maabutan.

"Ano? Teka teka, cherry blossom? Adik ka ba? Nasa Japan iyon. Huwag mong sabihin nandoon si Elaya." Napatigil naman ako roon.

Sa Japan? Pero.

"Elaya posted in IG. It's a picture of it and it was just taken a while ago. Could it be?" Nagkatinginan kaming tatlo.

"Nasa Japan si Elaya?" We both asked in chorus. Shit. Agad akong napatayo.

"Oy oy. Ano 'yan? Huwag mong sabihing pupunta ka rin ng Japan." Pigil sakin ni Calvin. I looked at him.

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon