It's Monday again and as usual, may pasok na naman. Buti pa talaga si Denden tapos na nag aral. But I know that after we finish studying, we will face the real world. Wala ng profs, quiz, exams, project etc.
Kasi mabibigat na problema na ang ating haharapin. Problems can make us turn up side down. Nagkakaproblema rin naman tayo ngayon pero iba pa rin talaga 'pag hinarap mo na ang tunay na mundo. You need to be strong. And if you are strong right now, then be stronger.
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa campus. Nakakalungkot isipin na wala akong kaibigan dito except kay Zake. Kung titingnan ko ang mga estudyante rito, lahat may kan'ya kan'yang grupo.
Grupo ng mga babaeng nagtatawanan. Mga lalaking nagkukumpulan at kahit iyong mga sinasabi nilang nerd ay may mga kasamang kapwa nila mahilig magbasa.
"Girl! I already have my dress for the acquaintance party!"
"Really? Gosh! I don't know what to wear!"
"I already have dress too, my mom ordered it from a famous fashion designer in France!"
"Mine is from New York!"
"I'm so excited!"
Ilan lang iyan sa narinig ko. Ano bang meron at mukhang nagkakagulo sila. I heard it's a party. For what? I'm in the middle of thinking when someone grabbed my hand.
"Ow!"
"Hey! It's me, Elaya!" Si Zake lang pala. I rolled my eyes at umakbay naman siya sa'kin. Agad kong tinanggal iyon. Mahirap na 'no, maraming matang nakamasid. Tumawa lang naman siya.
"Alright! I bet you heard about the party?"
"Yeah, totoo ba iyon? Para saan?"
"It's a late acquaintance party. Actually ever year naman iyon ginagawa every first week of class, ngayon lang na late. Akala nga ng iba wala na eh. At dahil meron na, you'll be my date!"
"Teka, teka. Pumayag na ba 'ko?"
"Huh? Of course papayag ka! Bawal outsider ang kapartner dahil may cotillion na gagawin. And aside from that, magpe-present ang bawat klase ng performance number. Pwede ang guest pero hanggang panonood lang sila ng performance. Teka nga, hindi ka dumaan sa bulletin board ano?"
"Ang dami kasing tao kanina noong dumaan ako kaya hindi na ako nakipagsiksikan pa. Teka rin, diba may game kayo? Paano iyon?"
"Ah. Iyon ba, na-move. Iyong kabila ang may problema. Pinadala raw sa ibang lugar para mag represent sa school nila ang ilang players. Eh hindi naman na announce agad na may laban kaya sinama sila. Tsk. Pa importante nga eh. Pero okay na rin iyon, para pag nanalo kami walang angal na kesyo kulang sila."
"Ay ewan ko sa'yo."
"Paki sabi na lang iyon kay Cyden ah? Baka hindi na ako makadaan sa inyo eh."
"Okay."
"Ay. Tara na nga pala sa taas. Ia-announce ang gagawin natin sa acquaintance. Hassle nga kapag kasali ka sa magpe-perform eh. Dahil magpapalit ka pa. Haynako."
"Baka ikaw, kasali ka mga mapipiling magpeperform. At ako, pupunta ako rito ng walang problema." Pagmamayabang ko sa kan'ya and he just pouted. Sikat siya kaya alam kong kasali siya agad.
Pagdating namin sa room, isa-isa na ring nagdadatingan ang lahat.
"So, kumpleto na ba?" Tanong ng class president. Nag-oo naman ang lahat.
"Ayan, alam niyo na ang every year na nagaganap. Na bago ang party sa gabi ay magpeperform muna ang representative ng klase sa hapon. At ang napunta sa atin ay play."