Maaga akong nagising kinabukasan. Nakaramdam ako ng gutom, hindi na kasi ako bumaba kagabi dahil tinapos ko ang painting ko. Napatingin ako rito na nasa canvass pa at napangiti. Tapos na siya.Kinuha ko iyon at ipinaskil na sa dingding ko. Hindi naman siya ganoon kalaki, nilagay ko muna sa frame bago i-display. Sa maiksing panahon ko rito sa kwarto na ito, inisa-isa kong i-display ang mga gawa ko. Gusto ko lang na lagi silang nakikita. Pakiramdam ko kasi kahit papaano, hindi ako nag-iisa. I have my art with me where I can express what I really feel freely.
Tumingin ako sa side table kung saan ipininta ko ang picture naming dalawa ni Lolo Lucio.
"Good morning, Lolo Lucio!" Masiglang bati ko. Masaya ang gising ko ngayon kaya good mood na good mood ako. Matapos maligo at gawin ang dapat gawin, dumiretso na ako sa baba.
"Hmm" Napapa-hum pa kong wala namang lyrics. Himala, maaga ring nagising ang isang ito. Ngumiti naman ako.
"Hi Denden! Good morning!"
"Pfffft-" Ops! Naibuga niya ang iniinom na kape. Nagulat ko ata. My bad.
"Sorry." Sabi ko sabay peace sign. Wala ata si Lolo Julio ah.
"What's good in the morning if I can see your face? And what again? Denden? Tsk. Don't give me shitty nicknames!" Iritadong sabi niya. Dinedma ko lang ang inis niya at umupo na sa harap niya. Hindi kaya may period din siya kaya ang sungit niya? Daig pa ako every time of the month eh.
"What? Ang cute kaya! Denden. Denden the mickey mouse!" Sabi ko at namula naman siya.
"Hindi ka titigil?"
"Bakit anong ginawa ko? Sabi ko lang naman cute eh. Pinuri ka na nga, ayaw mo pa."
"I don't need your compliment! Just shut up!"
"Cyden!" Natigil sa matigas na sigaw ni Lolo Julio.
"Inaaway mo ba si Elaya?! "
"Opo! Este, hindi po. Nag aasaran lang po kami." Sabi ko nang may ngiti sa labi at mas lalong kumunot naman ang noo ni Denden. Naisip ko iyon kagabi bago ako matulog eh. Cute kaya.
"Okay. Let's eat." Buti naman at hindi na nagtanong 'tong si Lolo. Isa na lang yung hotdog sa table kaya nagpasya akong kunin na lang. Kawawa eh. Alam ko ang pakiramdam ng mag isa, malungkot.
Tinusok ko na ang hotdog kaya lang tinusok niya rin, as in. Pareho kaming nakatusok ang tinidor sa hotdog. Tiningnan ko siya at umismid lang siya sa'kin at sumenyas na alisin ko ang kamay ko. Kanina pa siya kumakain eh.
"Akin na lang 'to." Sabi ko at umiling siya.
"No. That's mine. Back off." Sabi niya at mas Tinusok pa 'yung hotdog. Parang hotdog lang, ipagdadamot pa?
"May hotdog ka naman eh!" Sigaw ko. Nabitawan niya 'yung tinidor niya at namumulang tiningnan ako ng masama. Wait, anong sinabi ko?
"I mean. May hotdog pa naman sa plato mo." Nahihiyang sabi ko at kinagat 'yung hotdog. Grabe, ang sama-sama ng tingin niya sa'kin. Hala anong ginawa ko?
Tumawa naman itong si Lolo Julio. Natimang na ata.
"You really look good together." Mukhang masaya nga si Lolo Julio.
"Anyway, by next month na ang kasal niyo bago magpasukan. At dahil tapos na itong si Cyden mag aral, ihahatid ka na lang niya sa school mo, Elaya " sabi ni Lolo Julio, ayan na naman 'yung reklamo nung isa.
"Lolo, hindi ako driver!"
"Hindi ka nga driver, dahil asawa ka." Simpleng sabi ni Lolo Julio.
"At matapos ang kasal niyo, I will leave this house to the both of you. Aalis ako para sa sunod-sunod na business trips. So, kayo na ang bahala dito ha?" Paalala ni Lolo. Hala, aalis siya? Paano na? Wala akong kakampi. Mukhang magiging kawawa ako sa bahay na ito eh.
