Chapter 50

1.4K 13 0
                                    


  Elaya's Pov

Sa dami nang nangyari sa buhay ko, masasabi kong pinagpala pa rin ako dahil naibalik ang alaalang nawala sa akin at ngayon naman ay nabigyan ako ng ikalawang pagkakataon na makakitang muli. Labis ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil dito.

"Elaya." Napangiti ako nang marinig ang tawag ni Denden sakin. Natutuwa ako dahil nanatili si Denden sa tabi ko. Hindi niya ako iniwan kahit pa naging ganito ako. I can't wait to get back eyesight. I want to see Denden's face again. I want to look straight into his eyes as he looked at me.

"Ano 'yun?" He held my hand and squeezed it.

"Just hold on, okay? Konting hintay na lang. Makakakita ka na ulit." I just smiled at him. Kahit hindi ko siya nakikita, nararamdaman ko naman siya pati ang pagmamahal niya.

"Don't worry. Panatag ang loob dahil nandito ka."

"It's time for Mrs. Montecillo's surgery." Dinig kong sambit ng assigned nurse sa akin na pinagseselosan ni Denden. Napangiti naman ako.

"Oo sige. Ako na ang maghahatid sa kanya." Binuhat niya ako at ramdam kong iniupo niya ako sa wheel chair at marahang tinulak. I sighed. Kahit alam kong may pag-asa ng makakiya ako ulit, kinakabahan pa rin sa hindi malamang dahilan.

"Elaya, my queen. Nandito na tayo." Napangiti lang ako nang huminto kami.

"All right." Tumayo ako at agad naman siyang umalalay.

"Denden, kaya ko naman maglakad eh."

"Kahit pa. Baka mamaya bigla kang ma-out of balance eh. Mabuti na 'yung nakaalalay ako para kapag nahulog ka, masasalo kita." Wala akong masabi kundi mapangiti na lang. Ang simple ng mga sinasabi niya pero ang lakas ng dating sa akin. Ganoon ata siguro kapag mahal mo ang isang tao, nagiging espesyal ang mga simpleng bagay.

Binuhat niya akong muli at inihiga sa stretcher. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"Magpakatatag ka, Elaya sa loob ha? Nandito lang ako sa labas. Hihintayin kong matapos ka." Agad naman akong umiling.

"Baka matagalan, Denden. Umuwi ka na lang muna o kaya hinatayin mo ako sa assigned room ko. Magpahinga ka muna."

"No. I can't do that. Hindi ako makapagpapahinga kung alam kong nasa loob ka. Basta, dito lang ako. I'll wait for you."

"Elaya!" Rinig kong sigaw ni Sheila.

"Woah! Buti nakaabot kami!" Hinihingal na sambit ni Maya.

"Ang bagal niyo kasing kumilos eh!" Napangiti ako sa reklamo ni Calvin. Kilalang kilala ko ang boses nila kaya hindi mahirap kilalanin.

"Shh. Don't be too loud. You're in the hospital." Saway ni Velga sa kanila. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Lagi pa ring seryoso ang tono ng pananalita niya at hindi pa rin siya nagtatagalog. Nakakatuwa lang dahil inaalagaan niya ngayon si Prince. That's Velga. Akala mo walang pakialam pero meron naman.

"Anong ginagawa niyo rito? Alam kong busy kayo kaya hindi niyo na kailangang dumaan. Pero kahit ganoon, salamat pa rin." Nakangiting sambit ko. Ramdam na ramdam ko kasi ang suporta at pag-aalala nila mula umpisa. Kaya labis akong nagpapasalamat sa kanila.

"Syempre, Elaya. Hindi namin papalampasin ang araw na 'to. Hindi kami mapapakali sa bahay at opisina kung alam naming nandito ka. Kaya mabuti pang sama-sama kaming maghintay dito." Sambit ni Maya. Nakakatuwa naman.

"Saka baka mamaya biglang himatayin sa niyerbiyos itong si Bro, walang back up. Mahirap na."

"Shut up, Calvin."

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon