Third Person's Pov
Lahat ay balisa at nag-aalala sa pagkawala ni Elaya. Hindi nila alam kung saan siya hahanapin. Pero isa lang ang alam nila, paniguradong si Zake ang kumuha sa kanya.
"Fuck! Hindi ko kasi dapat siya iniwan eh! Shit lang!" Napaupo si Cyden at napasabunot sa sarili.
"Cyden, walang mangyayari kung sisisihin mo ang sarili mo. Kumalma ka." Pagpapahinahon sa kanya ni Calvin. Nakabalik na sila ng bahay. Nalibot na nila ang buong pamilihan pero hindi rin nila nakita si Elaya.
"Paano ako kakalma? Putangina. Nawawala na naman 'yung babaeng mahal ko! Mapapatay ko talaga ang Montereal na 'yon 'pag nagkita kami!" Hindi na rin alam ng iba ang sasabihin. Mukhang na-trauma na si Cyden sa nangyari noon. At nangyari na naman ngayon.
Nawala na naman ang babaeng pinakamamahal niya dahil na naman kay Zake. Nasaksihan ng lahat ang pagiging miserable noon ni Cyden at ayaw nilang mangyari ulit 'yun.
"Cyden, Elaya is on her right mind. Kahit pa nakuha siya ngayon si Zake, paniguradong hindi rin 'yun magtatagal. Dahil alam ni Elaya ang totoo, na niloko lang siya si Zake. Kaya paniguradong babalik siya. Babalik si Elaya." Pagkukumbinsi ni Sheila.
"Pero paano kung ikulong niya si Elaya dahil hindi ito sumunod sa kanya? Fuck. That Montereal is getting into my nerves!"
"Hindi naman tayo pwede mag-report dahil baka makasuhan din tayo. Remember, you also kidnapped her, Cyden. At kilala si Elaya sa buong mundo kaya paniguradong pinaghahanap din siya dahil sa pagkawala niya sa mismong araw ng kasal niya." Maya's right.
Walang ibang na nagawa si Cyden kung hindi ang tahimik na nag-isip. Desidido siyang gawin ang lahat makuha lang si Elaya.
"Where's Leo?" Tanong niya sabay tayo sa harap nila.
"He's sleeping in his room." Sagot ni Velga.
"Pack your things. Babalik na tayo ng Manila." Huling sambit ni Cyden saka pumasok sa kwarto nito, wala naman silang nagawa kundi sundin ang sinabi niya.
Bakas ang lungkot sa mukha ng lahat. Mukhang tapos na ang maliligayang araw nila rito. Hindi lang nila akalain na ganoon kabilis matatapos ang saya. Sa isang iglap biglang nawala ang dahilan kung bakit nagkasama-sama ulit sila, si Elaya.
Nanakit ang ulo ni Elaya nang imulat niya ang kanyang mga mata. Sa una ay nasilaw pa siya sa liwanag ngunit unti-unti ay nasanay din ang mga mata niya. Tumingin siya sa paligid. Gumagalaw ang kinalalagyan niya at sari-saring mga puno ang natatanaw niya. Napagtanto niyang nasa sasakyan pala siya.
Agad siyang umupo mula sa pagkakahiga. Nasa back seat pala siya ng sasakyan at mas nagulat siya nang makita kung sino ang nagmamaneho nito.
"Zake." Agad naman siyang narinig at tiningnan siya mula sa salamin nito. Ngumiti ito ng tipid.
"Gising ka na pala." Mahinahon lang boses nito ngunit hindi pa rin maalis sa kanya ang kabahan.
"Anong ginagawa ko rito? Zake, stop the car!"
"Kahit ihinto ko ang sasakyan, wala kang mahihingan ng tulong. Mapapahamak ka lang." Mas lalo na siyang kinakabahan ngayon.
"Pwes ibalik mo ako sa bayan! Zake, alam ko na ang lahat! Manloloko ka! Ibalik mo ako!" Nag-umpisa nang magwala si Elaya ngunit tila may tengang kawali si Zake. Hindi pinapansin ang sinabi niya.
"Zake, ano ba?! Tigilan mo na 'to! Sa ginagawa mong ito, mas lalong hindi ako babalik sa'yo at wala na akong plano pang bumalik pa sa'yo!" Napabuntong hininga na lang si Zake.
"Wala akong planong kunin ka, Elaya. I just need you talk me. I'll explain everything." Mahinahong sambit nito at diretso lang ang tingin sa kalsada. Napasinghap lang sa hangin si Elaya.
