Maaga akong gumising para maaga ring makapasok sa school at hindi ako makita ni Denden. Siniguro kong tulog pa siya nang umalis ako. Hindi naman por que mahal ko siya, hindi na ako maiinis dahil tinapon niya si Pikachu.
Hindi naman ako galit, nagtatampo lang dahil wala ng Pikachu akong yayakapin sa kwarto ko. Kung gusto niya doon na lang siya sa kwarto ko tapos siya na lang yayakapin ko.
Kidding aside. So ito nga, nasa classroom ako at nakikinig sa guro. Typical na estudyante. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko. Wala si Zake. Mula ng maospital kami, hindi ko pa nakikita iyon. Buhay pa kaya iyon?
Alam ko nasa gym sila ulit at nagre-ready na para mamaya. Hapon ang game nila at ika-cut ang klase para makapanood ang lahat. Pero kung ayaw mong manood pwede ka ng umuwi.
At syempre, manonood pa rin naman ako. Kahit na tinapon niya si Pikachu ko, mahal ko pa rin iyon. I smiled with that thought.
Hours passed and lunch time na. Nagsitayuan na kami at niyaya pa nila akong kumain. Nakakapanibago lang pero sumama na lang ako. Nasanay kasi akong mag-isa mag-lunch.
Kinuha ko ang phone sa bag at binuksan. Kagabi pa pala ito naka off.
36 missed call from Denden
3 missed call from Zake
12 unread messages
What the fudge?
Anong problema nito at tinadtad ako ng tawag? At tumawag pala si Zake.
Binasa ko muna ang mga unread messages.
"Where are you?"
"Hey. I'm sorry okay? Na sa'n ka?"
"You left me again."
"Answer my damn call."
"Elaya."
"Tss. See you later."
Ilan lang iyon sa mga nabasa ko. Nagtype naman agad ako ng reply.
"Malamang nasa school. Saan pa ba? Tsk." Then send. At aba, agad nagreply ang loko.
"Nagreply ka rin sa wakas. Wait me there."
"Bahala ka sa buhay mo." Reply ko.
"Ikaw ang buhay ko kaya akong bahala sayo." At talagang-
"Ewan ko sa'yo." At tinago ko na ang phone ko.
"Shems! Nagsisidatingan na ang taga ibang school!"
"Gosh! Magkakasala ata ako sa school natin! Ang gagwapo rin nila!"
"Boba! Mas gwapo naman sila Zake 'no! Idagdag mo pa sila Cyden at Calvin na maglalaro rin! "
"Ay pak! Umuulan ng gwapo ngayon!"
"Tumpak! Kaya tara na sa gym!"
Rinig kong pag-uusap ng grupo ng mga babae sa hindi kalayuan. Sa lakas ba naman ng boses nila ay talagang maririnig ko sila.
"Tara na rin, Elaya. Agahan na natin para magandang pwesto makuha natin!" Excited na sabi ni Maya.
"Kahit naman magpalate yan, naka VIP seat pa rin iyan eh. Nando'n ba naman si Cyden eh. Dagdag mo pa si Zake." Sabi ni Giana.
"At VIP ka rin dahil nando'n si Calvin? Ayiee" Asar ni Nelson at nalukot naman agad ang mukha ni Giana.
"Eww! Huwag mo ngang mabanggit-banggit ang pangalan na 'yan. Ang sakit sa tenga. So gross." Nandidiring sabi niya.
"Aysus! Kunyari ka pa. Eh ayaw mo ngang sabihin iyong pinag-usapan niyo eh." Singit ni Sheila.
"Because we did not talk anymore! I immediately go home. That's it!"
