When I realized that no one is following me, I walk slowly. Tulala akong narating ang roof top ng building na 'to. Lumapit ako sa railings at tiningnan ang nasa ibaba.
Kapag ba tumalon ako dito? Mamatay na ako? Makikita at makakasama ko na siya? Well, I guess yes. Napatingala ako sa langit while still holding the jar where her ashes are.
"Elaya, you're so unfair. Bakit ganito? Bakit humantong sa ganito? Bakit?"
Aking naiyukom ang mga palad ko. Parang may kung anong nakabara sa dibdib ko at ang bigat bigat. Si Elaya, iyong babaeng pinakamamahal ko. Wala na? Hindi. I can't accept that.
"Cyden!" Napalingon ako sa tunawag sakin.
"Nababaliw ka na talaga eh no?! Ano, magpapakamatay ka? Nasisiraan ka na ba?!"
"Just leave me alone Era!"
"No! I can't just leave you there if I know that any moment from now, you might end your life in just a snap!"
"The hell you care! I'll do whatever I want so leave me alone! I don't need you here! I don't need anyone! I just need her. Only her." nanghina na ako at halos pabulong na lang ang huling sinabi ko. Napaatras ako sa tinde ng sakit ng ulo ko. Fuck. Not now.
"Bakit sa tingin mo ba matutuwa si Elaya kapag nakita ka niyang ganito? Na wawakasan mo ang buhay mo? I'm sure hindi! Hindi siya matutuwa kung sasayangin mo ang buhay mo sa wala!"
"She's my life. At hindi iyon pagsasayang. Ano pang silbi ng buhay kung wala siya? I can't stand living without her. Kaya nga ako magpapagamot diba? Kasi gusto ko pa siyang makasama. Pero ngayong wala na siya, hindi ko kaya."
"Sige. Magluksa ka ngayon, kahit sa mga susunod na araw, linggo, buwan o kahit taon maluksa ka! Pero hindi mo kailangang tapusin mo ang buhay mo! Namatay siya ng hindi sinasadya tapos ikaw? Sasadyain mo? Alam mo ang daming tao diyan sa tabi, nag-aagaw buhay, umaasang mabubuhay sila tapos ikaw? Magsasayang ka lang? Cyden wake up! Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo! Continue living and move on! Oo, hindi pa ngayon dahil mahirap tanggapin but time will come and you'll understand. " I glared at her.
"Wala kang alam sa nararamdaman ko. Hindi mo alam." Mariing sambit ko.
"Alam ko Cyden. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan." Pansin kong unti unting nanunubig ang kanyang mga mata.
"At alam kong nadadala ka lang sa emosyon mo. I've been there and done that. Ginusto ko ring mamatay. And I really attempted suicide. Para lang sundan 'yung lalaking pinakamamahal ko na iniwan ako." Tuloy-tuloy na ang pagpatak ng kanyang mga luha.
" Ang sarap ng mamatay no? Kapag 'yung tinuturing mong mundo at buhay mo, bigla ka na lang iiwan. Masakit. Sobra. Parang gusto mo ng tapusin ang lahat." Pinahid niya ang luha at ngumiti.
"Pero dumating 'yung araw na narealize ko, walang mangyayari sa buhay ko kung puro ako ganito. Kung patuloy kong ikukulong ang sarili ko sa nakaraan. Buhay pa ako. And I'm still lucky for that. Life is a blessing. He gave that to you. He gave this to us. At wala tayong karapatang tapusin na lang kung kailan natin gusto. Siya lang ang may karapatan. So I get up and continue living. Then I found out, ang laki pala ng mundo. " hinatak niya ako palayo sa railings
"Marami ka pang pwedeng matuklas dahil buhay ka at huwag mong sayangin 'yan. The one we love and left us, we will never forget them. They will remain in our hearts. And all the memories will last."
Kahit anong sabihin niya, kahit gaano kalungkot ang kwento niya at kahit gaano niya ako pangaralan, walang pumapasok sa utak ko.
Hindi magbabago ang nararamdaman ko. Gusto ko ng mamatay. Gusto ko ng matapos ang lahat ng 'to.