Chapter 6

1.8K 36 1
                                    

Maghahapunan na at nando'n pa rin 'yung dalawang haliparot sa sala. Naglalampungan. Iniwan ko na sila do'n, nakakahiya naman sa kanila eh.

"Elaya!" Rinig kong sigaw ni Denden. Ayan na naman. Ano na naman kayang iuutos nito.

"Ano?" Kunot-noo kong tanong pagkalapit sa kanila.

"Prepare for our dinner." Sabi niya at bumaling ulit ang tingin sa TV, tiningnan ko 'yung babae at inirapan ako kaya inirapan ko rin siya.

Bumalik na ko ng kusina. Kung akala niyang ipagluluto ko sila, asa sila. Baka malagyan ko lang ng lason kapag nagluto ako para sa kanila.

Tumawag na lang ako sa isang fast food at nagpadeliver ng kung ano. Sabi naman niya food eh. Wala siyang sinabing kung ano. Kaya bahala sila sa buhay nila.

Lumabas na ko sa kusina at dumaan sa sala para salubungin ang delivery.

"Sino 'yon? May bisita ka? Ng ganitong oras?" Tanong niya kaya napatigil ako. Parang siya walang bisita, oh, hindi bisita, bwisita nga pala.

"Wala akong bwisita, este bisita, kukunin ko lang 'yung pagkain." Sabi ko at maglalakad na sana ulit nang magsalita pa siya.

"Nagpadeliver ka? Sino nagsabi sa'yo? Parang ikaw magbabayad ah."

"Syempre ako magbabayad. Ako umorder eh. Alangan namang ikaw? " Sabi ko at umalis na, rinig kong may sinabi pa siya pero bahala na siya sa buhay niya. Naiirita ako sa ginagawa niya.

Lumapit ako sa pinto at nando'n na 'yung delivery boy, infairness kay kuya, chinito. Ngumiti siya sa'kin kaya ngumiti na lang din ako.

"Eto na po, Ma'am." Sabi niya sabay bigay ng food. Kinuha ko naman iyon at itinabi muna.

"Thanks, magkano lahat?" Tanong ko.

"758 po, Ma'am." Sabi niya at binigay ko naman ang 1k na hawak ko.

"Wala po ba kayong barya, Ma'am?" Tanong at mukhang na-tense siya sabay kamot sa batok. Ngumiling naman ako at ngumiti.

"Just keep the change. Salamat."

"Ay, salamat din po, Ma'am!" Sabi niya at lumapit na sa motor niya. Tumango lang ako at kumaway naman siya.

"Ano, tapos ka ng makipaglandian?" Nagulat naman ako nagsalita sa tabi ko.

"Landian ka riyan. Huwag mo kong itulad sa'yo. " Sabi ko pero hininaan ko ang dulo. Dumiretso na ko ng lakad at 'di siya pinansin.

"Kinakausap pa kita!"

"At ayaw kitang kausap." Bored kong sabi at inayos na ang mga pagkain sa mesa. Nakita ko naman tumaas ang kilay nung haliparot. Bahala siya sa buhay niya. Kung hindi siya kumakain ng fastfood edi mamatay siya sa gutom.

Umupo na silang dalawa sa mesa nang matapos ako. Kinuha ko na rin ung in-order ko para sa'kin at kakain na sana nang magsalita itong isang 'to.

"Wait, sasabay kumain sa'tin ang maid mo? " Tanong ni haliparot. Pake ko ba sa pangalan niya. Hindi naman siya sinagot ni Denden na kumuha lang ng pagkain.

"And I want lasagna! Give that to me!" Sigaw niya sabay turo sa plato ko.

"Unang-una, tinawag mo 'kong maid. Do you even know who am I? Pangalawa, makikikain ka na lang magrereklamo ka pa. Ako bumili niyang kakainin mo kaya mahiya ka naman kung pati akin kukunin mo pa." Nilandi mo na nga si Denden eh. Sabi ko at kumunot naman ang noo nilang dalawa.

Tumayo na 'ko para umakyat sa taas. Nang nasa hagdan na ko ay bumalik ako at kinuha ang platong may lasagna.

Akala niya hahayan ko siyang kainin niya 'to. Wala akong pake kung magalit sakin si Denden. Badtrip ako kaya tingnan lang natin.

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon