I decided to visit Elaya on her art exhibit. Based on her interview, that would be her art studio so she was staying there. Hindi naman ako pwedeng manahimik na lang. Kahit hindi maganda ang mga nangyayari ngayon, I need to accept that.Na bumalik na siya pero hindi naman niya ako maalala. I'm inside my car right now. Nagdadalawang isip na lumabas dahil hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya.
Sumagi sa isip ko ang nakangiting mukha ng batang si Leo. Napailing na lamang ako at lumabas na. Nandito na ako, panindigan na.
May guwardya sa labas ng studio niya. Hindi lang isa kundi higit sa dalawa. Sabagay, sikat na sikat na nga pala siya ngayon. Hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. I smiled with that thought.
Kahit ang daming ng nangyari, natutuwa akong naabot pa rin niya ang mga pangarap niya. Malungkot man na hindi ako ang kasama niya habang inaabot ang mga pangarap niya, masaya pa rin ako para sa kanya.
Pinagmasdan ko ang mga obra niya. Napakagaling niya talaga. Ang linaw ng mga gawa. Hindi na nakapagtataka kung bakit inabangan talaga ng lahat kung sino ba talaga siya.
"Hi. How can I help you?" Pamilyar na boses galing sa likod ang narinig ko. Hinarap ko siya at pinagmasdan ang maamong mukha niya. Mukha namang nakilala niya ako.
"Oh. Ikaw pala. Maupo ka." Tinuro niya ang side na may mga sofa. Ngumiti na lang ako ng mapait.
"Ano pa lang ginagawa mo rito?" Namiss kong marinig ang maamong boses niya.
"Hindi mo ba talaga ako naalala?" Napakunot noo naman siya sa tanong ko.
"Ah. Ikaw 'yung nangyakap 'nung first day kong buksan 'tong exhibit. And of course, you're the one who helped my son. I'm really thankful for that. How can I pay you? Okay lang ba kung lunch? My treat." Walang alinlangang sambit niya. How can she looked at me like that after all this years.
"Stop this nonsense, Elaya. Hindi na nakakatuwa. Kung galit ka sakin, magalit ka. Sabihin mo. Huwag mong daain sa ganito. Kasi ang sakit na eh, ang sakit sakit na." Lumapit ako sa kanya at umatras naman siya.
"Ano bang pinagsasasabi mo?" Mariin ko siyang tiningnan sa mata. Umaatras pa rin palayo sakin. Hanggang ngayon ba naman ba, iiwasan niya ko?
"Iniwan mo ako ng hindi man lang nagpapaalam sakin. Sinukuan mo na ako. Ayos lang sakin kung galit ka. Matatanggap ko 'yun. Hindi mo ako kailangang iwasan. May dahilan lahat ng ginawa ko. Hinanap kita sa kung saan pero hindi nakita, hindi kita naabutan."
"Ano ba, ni hindi nga kita kilala. Tama na." Nanlaki ang mga ako nang hawakan niya ang ulo niya.
"Ah! Ang sakit!" Napaluhod na siya habang sapo-sapo niya ang ulo. Agad ko siyang nilapitan.
"Anong nangyayari?" Hinaplos ko ang pisngi niya.
"Ang sakit. Ang sakit sakit." Sambit niya at pagkalaunay nawalan ng malay. Agad ko naman siyang sinalo. Shit.
"Elaya? Elaya." Nanlalamig ang mga kamay kong binuhat ko siya palabas.
Nagkatinginan ang mga guwardya at hinarang ako.
"Tabi! I need to bring her to the hospital!" Singal ko at tumabi naman sila. Nagkagulo rin ang ibang tao roon but the hell I care.
I immediately put her in the passenger seat. Tiningnan ko muna siya saglit bago ko paliparin ang sasakyan patungong ospital.
God, what I have done? Kasalanan ko 'to eh. Hindi ko na dapat siya pinilit. Nagbabakasakali lang ako na baka galit lang talaga siya sakin kaya niya ako iniwasan at iniiwasan. Because if that so, I'm willing to explain everything to her.