Nang matapos ang morning class ay dumiretso ako sa garden ng campus imbis na mag-lunch sa canteen.
Sa mga lumipas na oras, nagmuni-muni lamang ako. Hindi ko rin nakita kanina si Zake. He was marked as absent. I wonder kung na saan siya kasi on the way to school na rin siya kanina.
Umupo ako sa isang bench na walang tao. Everybody seems busy with different stuffs. Mga magbabarkadang nagtatawanan, grupo ng mga estudyanteng nag-aaral, may mga nagpa-practice for volleyball at kung ano-ano pa. Typical students be like.
Napatigtig na lang ako sa kawalan nang maisip ko na naman ang nangyari kaninang umaga. Could it be? Pero imposible. Dahil paniguradong pagtinanong ko na naman siya, hindi lang ang sagot niya. Ayoko isipin pero habang tumatagal ay mas lalo akong nalilito.
Wala naman akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Nakakahiya naman kay Calvin kung mago-open ako sa kan'ya. At si Zake naman ay mukhang lalayuan na ako ngayon dahil nalamang may asawa ako. I thought we can be friends.
Bakit ganoon ang mga tao? Porque ba may nalamang hindi maganda tungkol sa'yo, lalayuan ka. Ang galing manghusga, wala namang alam. Pero masama bang pakinggan kung nag-aaral pero kasal na? I think not, lalo na kung mahal naman no'ng tao 'yung pinakasalan o nagmamahalan sila. Sadyang iba nga lang talaga sa sitwasyon ko.
Pero mabuti na rin iyon. Ayokong maugnay sa kung sino man. Hindi ko alam kung bakit pero mas gusto ko na lang mag isa. Mag-isang harapin ang problema at sarilihin na lang ang lahat.
Tutal buhay ko naman . Simula't sapul mag-isa naman talaga ako.
"So how's the life Mrs. Montecillo?" Napatingala ako nagsalita.
"Zake?"
"Hindi ko akalaing ikaw pala 'yung pinakasalan ni Cyden. We didn't know kung sino 'yung girl. Tapos nasa harap ko na pala." Umupo siya sa tabi ko. It seems that he's going share something so I didn't bother to say anything.
"Ahead ng one year samin si Cyden. We were teammates back then and not just that, he's also our captain that time. At kapag may celebration hindi siya nawawala roon. During his time, he never introduced a girl of him. Kaya naman lahat kami nagulat when someone said he's married. " Tumingin siya sa'kin matapos magsalita. Nakatingin lang din ako sa kan'ya. Him, telling stories about Cyden? I don't know what to react. Parang gusto ko pang magkwento pa siya at willing akong makinig buong araw kung si Cyden ang pag-uusapan.
I want to know more about Denden's life before because I'm not there. Alam ko namang hindi ko iyon malalaman galing kay Denden mismo eh.
"He's kind of serious one kaya ang mga babaeng nagkakagusto sa kan'ya ay sumusuko na lang dahil alam nilang wala silang mapapala." Somehow, natuwa ako dahil wala siyang babaeng pinansin at isa pala ako sa mga babaeng iyon. Pero asawa naman niya ko 'di ba? Habang buhay ba siyang magiging gan'yan? Malay natin, magbago ang ihip ng hangin.
Ayan na naman. Umaasa na naman ako. Wala eh. Iyon lang kasi ang pwede kong gawin sa ngayon. Ang umasa.
"I'm sorry." Nasabi ko na lang sa kan'ya. Ngumiti naman siya at umiling.
"You don't have to. Kakakilala lang naman natin. I understand kung hindi mo agad nasabi." He said. He looks calm now.
"Saan ka galing? Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ko.
"Nagpalamig lang. Anyway, Kumain ka na? Mukhang hindi pa. Tara, let's eat! My treat. " He said at kumindat pa. Balik na siya sa pagiging jolly niya.
Napatingin sa'min ang mga tao sa paligid. Pano ba naman, hawak-hawak niya ko sa kamay. Should I let it go? O hayaan ko na lang siya?
Bago pa ko makapag-isip ay nasa canteen na kami.