"Nagtataka lang ako bakit hindi pa kayo ni Era. You two look good together." Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"Ah. We're just friends. Good friends."
"Okay. Pasensya na. Bagay lang kasi talaga kayo."
"Pero mas bagay tayo." Bulong ko.
"Ano 'yon?"
"Sabi ko, kumain na tayo. Lalamig ang pagkain."
"Oh Sure! Mukhang masarap nga."
Kinuhaan ko ng pagkain si Leo at nilagay sa plato niya.
"Thanks, Tito Denden!" I smiled at him. Pinanood ko si Elaya na maglagay ng pagkain sa plato niya. Hindi niya ako napansin kaya tinitigan ko lang siya hanggang sa tikman na niya ang ulam. Hindi naman sa pagmamayabang pero masarap naman ako magluto kaya wala akong dapat ikakaba.
Hindi ko lang alam kung bakit parang kinakabahan ako ngayong matitikman niya ulit ang luto ko. I used to do that before. Nagtaka naman ako ng matigilan siya.
"Why? Is there a problem? Hindi ba masarap? Masyado bang maalat?" Tinikman ko agad ang luto at ayos naman ang lasa. Umiling naman siya.
"Hey. What happened? Are you okay?" Agad ko siyang inabutan ng tubig at ininom naman niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Elaya, you're making me worried. Say something please." Tiningnan niya ako sa mata ng walang emosyon. Kinabahan naman ako. Pero napawi iyon 'nung ngumiti na siya.
"Ayos lang ako. Medyo sumakit lang ang ulo ko."
"Then take a rest now. Halika, sasamahan kita."
"No. I'm fine. Kakain na muna ako." Nakangiting sambit niya.
"Sigurado ka?" Tumango naman siya.
"Oo. Nawala na rin naman ang sakit. By the way, ang sarap ng luto mo ah. Nagtataka lang ako kung bakit parang pamilyar 'yung lasa." Naiiling na sambit niya. Natigilan naman ako.
"Paanong pamilyar?"
"I don't know. Don't mind me. Let's just eat." Sambit niya at nagsimulang kumain. Could it be? Lasang pamilyar dahil madalas ko siyang paglutuan noon. At isa sa paborito niya ang chicken curry kaya iyon ang lagi kong niluluto.
"You're cool, Tito Denden! You know how to cook! My Dad don't do this." Napatingin naman ako kay Elaya at tumango siya.
"Oo. Kaya maswerte ang babaeng mapapangasawa mo. Imbes na ikaw ang paglutuan niya, siya ang ipagluluto mo. And I found it sweet." Napangiti naman ako.
"So, maswerte ka pala?"
"Ano?"
"Ang sabi ko, pwede rin namang sabay kaming magluto. Ipagluluto namin ang isa't isa."
"That's so sweet of you."
"Really? Sa tingin mo, magugutuhan iyon ng asawa ko?"
"Akala ko ba wala kang asawa?"
"Meron." Nagtaka naman siya.
"Ha? Na saan?"
"Wala na. Iniwan ako." Natigilan naman siya.
"I'm sorry to hear that." Parang ang sakit naman sa dibdib nung sinabi niya.
"It's okay." Not really.
Tahimik naming tinapos ang pagkain. Siya na ang nagligpit at pumasok naman ulit si Leo sa kwarto niya. Lumapit ako sa isang malaking painting. Napatitig ako roon. A man carrying a woman. It looks like a shadow but has beautiful background. Very familiar.
And then memories flashed to my mind. Five years ago, in her school. May exhibit sila at isa ang mga gawa niya sa nai-display. And this, this artwork was her master piece. Hindi ako umattend
ipakita niya 'to sa mga tao pero nakita ko pa rin 'yun. I even buy that painting! Bakit nga ba hindi ko napansin? Shit! Nabago lang ng kaonti pero ganoon pa rin kung titigan mo ng mabuti.
"Hindi ko alam kung paano ko naipinta 'yan." Napalingon ako sa likod nang magsalita siya. Nakatitig siya sa painting.
"Basta nasa isip ko lang siya. At hindi ako mapakali hangga't hindi ko siya naipipinta. At nang matapos ko na, parang ang gaan gaan ng loob ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero sobrang saya ko 'nung natapos ko 'yan." Nakangiting sambit niya at lumingon sakin.
"Cyden, may tanong ako." Kinabahan naman ako sa tono ng pananalita niya.
"Bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko kapag tumitingin ako sa mga mata mo, parang kilalang kilala kita. Parang ang tagal na kitang kilala." Hindi nawala ang tingin niya sakin.
"Cyden, sabihin mo. Kilala ba kita noon? Parte ka ba ng buhay ko noon? Kasi sumasakit ang ulo sa kakaisip at nakakaalala pero walang pumapasok sa isip ko! Sa tuwing tumitingin ako sa mga mata mo, parang may iba. May iba na hindi ko masabi. Kaya sabihin mo, ano ka ba sa buhay ko noon? Ano ba kita? Kasi gulong gulo na ako eh. Gulong gulo na." Nangingilid na ang mga luha niya. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"I'm sorry. I'm sorry kung ganyan ang nararamdaman mo. Hindi ko alam. I'm so sorry." Hindi niya ko tinulak pero hindi niya rin ako niyakap pabalik.
"Ano ba kita? Ano ba kita, Cyden?" Bakas sa boses niya ang lungkot.
"Elaya, gustong gusto kong sabihin sayo kung ano ako sa buhay mo noon. Pero hindi ko magawa. Dahil kahit sabihin ko, walang magbabago kasi hindi mo pa rin naalala."
"Meron! May magbabago kasi alam ko!" Umiling ako.
"Wala. Alam mo lang pero hindi mo pa rin naalala. Masakit na nakalimutan mo ako pero handa akong manatili sa tabi mo hanggang sa maalala mo ako." Natigilan naman siya at kumalas sa yakap ko na parang nagulat.
"Bakit? Ano ka ba sa buhay ko? Sabihin mo na lang, Cyden." Pagpupumilit niya pero umiling ako.
"Sorry. Hindi pa pwede kasi hindi mo maiintindihan. Ayokong mas lalo kang mahirapan. Gusto kong unti unti mo akong maalala."
"Importante ka ba sakin?" Ngumiti ako.
"Hindi ko alam. Ikaw lang ang makakaalam niyan kung naging importante ba ako sayo." Kasi kung oo, hindi mo ako basta basta iiwan kahit pa pinagtulakan ka. I don't care if it's childish pero gusto nasa tabi lang kita noon pero bumitaw ka. Agad akong napaiwas tingin para hindi niya makita ang mga mata ko.
"Sige, hindi kita pipilitin na sabihin kung sino ka ba talaga. Aalalahanin ko. Pero pwede bang dito ka lang sa tabi ko? Hanggang sa maalala kita?"
"Oo Elaya, hindi ako aalis lalo na't ngayon ay nandito ka na." Napalayo naman siya at napahilamos ng mukha.
"Pero mali eh! Mali!"
"Anong mali?"
"Mali 'to! May asawa ako! I shouldn't let you stay by my side."
"So you're telling me to stay away from you?"
"Oo. Hindi. Hindi ko alam."
"Ano bang nararamdaman mo?"
"What do you mean?"
"What do you feel for me?"
"W-wala! Syempre wala! Wala akong dapat maramdaman sayo! I'm just confused! Kasi parang may iba eh." Hindi ko alam kung matutuwa ba dahil napansin niya rin ako o ano.
"Just let me stay by your side hanggang sa maalala mo ako. Then decide kung ano ba talaga ako sa buhay mo."