Chapter 45

1K 10 0
                                        

Third Person's Pov

Samantala, habang abala ang ilan sa loob sa kani-kanilang ginagawa, nasa labas naman si Velga. Pinagmamasdan ang payapang karagatan.

"Have you seen Velga?" Tanong ni Kelvin kay Nelson at umiling lang ito.

"Ikaw talaga, Doctor Stranger. Mawala lang sa paningin mo, hinahanap-hanap agad. Tama 'yan. Para hindi na makawala." Sambit ni Sheila at tumawa.

"I don't know what are you talking about. I just know that I'm handsome."

"Sayang, Maya. Akala ko pa naman magkakalovelife ka na! Mukhang tatanda ka na atang dalaga eh!"

"Tigilan mo ko, Sheila. Hindi ko kailangan ng lovelife. Marami akong asawa, nasa Korea!"

"Sino? 'Yung mga Oppa mo?"

"Oo! Si Lee Min Ho my loves, si Park Seo Joon my babe, si Lee Jun Ki my life, si Taehyun my napyeon, si Lee Jong Suk my world, si Song Jung Ki my sun, si Park Bo Gum my light!" Sambit nito na para bang nasa ulap at naghuhugis puso ang mga mata.

"Hala sige, libre mangarap!"

"Si Jung Il Woo pa pala, tas si Ahh Jae Hyun kahit may asawa na. Ayos lang sakin na may affair kami."

"What the hell? What on earth are you saying? I didn't know you have so many men in your life, Maya." Sambit ni Kelvin na pailing-iling na lang.

"Sana nga sakin na lang sila eh, pero hindi eh! Kahit anong gawing angkin ko sa kanila, marami pa rin akong kaagaw!" Ibinato nito ang hawak na unan at padabog na pumasok sa kwarto.

"What's her problem?"

"Ayun, na-lovesick. Ganyan talaga kapag hanggang tingin ka na lang sa pinapangarap mo. Hindi mo maabot kahit anong pilit mo." Pumalumbaba ito sa mesa at napatitig sa kawalan.

"What?" Naguguluhang tanong ni Kelvin at tumawa lang si Nelson.

"Pagpasensyahan mo na Pre, nilamon na ng k-drama kaya ganyan. Hanggang pantasya na lang."

"Oy ako hindi ah! Masaya love life ko at kuntento na ako sa my loves ko. Diba, my loves?" Nakangiting sambit niya kay Nelson at niyakap ang braso nito.

"Oo naman. Kuntento na rin ako sayo. I love you so much​."

"I love you too!" Sambit nito at mas hinigpitan ang yapos sa kasintahan.

"Geez. Stop that. You're creeping me out." Lumayo si Kelvin sa kanila at tinawanan lang nila.

"Creepy pala ah? Pahirapan ka sana ni Velga!" Sigaw ni Sheila.

Naiiling na lang si Kelvin at nagtungo sa dalampasigan. Palinga-linga, saktong nakita naman niya ang hinahanap niya. Napangiti siya at marahang lumapit dito. Gugulatin niya sana ngunit napansin niya ang malungkot na ekspresyon nito sa mukha habang nakatulala sa dagat.

"Still thinking about him?"

"Kelvin!"

"Did i startled you?" Tanong nito ng may ngiti sa labi. Agad namang umiling si Velga.

"No, not really."

"What are you doing here? Aren't​ you cold?"

"Nah. I'm fine. I'm just thinking of something." Niyakap nito ang sarili at bumaling muli sa payapang karagatan.

"Something or someone?" Pilit itong ngumiti. Bakit nga ba tinanong niya pa ang bagay na alam na niya ang sagot.

"I don't know what are you talking about, Kelvin."

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon