Nilibot pa namin ang mga posibleng puntahan niya sa Davao but still, she's no where to be found. Isang linggo rin kaming naghanap sa Davao.
Umaasa sa mga sinasabi nilang baka naroon siya, nandito, o sa kung saan. Pero sa huli, laging wala.
We decided to go back to Manila but that doesn't mean that I will stop searching for her. Not this time.
"Oh? San na tayo ngayon Cyde?" Calvin asked. I shaked my head.
"Dunno."
"Haynako! Ang hirap talagang hanapin ng taong magpaliwanag." He sat at the sofa. We're here in the mansion again.
"Let's go." I said and start walking.
"Oh? Akala ko ba hindi mo alam kung saan pupunta? Ano ba talaga?!"
"Just shut up. We'll go somewhere."
"Whatever Mr.Montecillo, lagot ka talaga sa lolo mo. Kanina nakita kong dumungaw dito, ang sama ng tingin sayo." I sighed.
"Hayaan mo muna siya. I need to bring back Elaya here as soon as possible. Bago pa mahuli ang lahat." Napatitig ako sa kawalan.
"Anong pinagsasabi mo? Anong Bago mahuli ang lahat?" I looked at him at just shrugged.
"Wala. Tara na."
"Iyan ang hirap sayo eh. Ayaw mong magsabi. Paano ka maiintindihan ng mga tao sa paligid mo kung hindi mo ipapaintindi?" Seryosong Tanong niya.
"You don't need to know nor to understand everything. You don't have to, 'cause it won't change anything anyway." I said.
"Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo."
Nauna na siyang naglakad at nilampasan ako. Pero natigil siya at napakunot noo ako nang makita ang Montereal dito sa pamamahay ko. Agad ko siyang hinarang.
"What are you doing here?" I asked but he answered me with a question too. Screw him.
"Na saan si Elaya?! Anong ginawa mo sa kanya?!"
"Hey Hey! Zake! Kalma. Hinahanap na namin siya okay? Kumalma ka diyan." Pag-awat ni Calvin sa kanya.
"Get out of here." I said.
"Alam mo dahil sayo 'to eh. Ni hindi siya umattend ng graduation! Dahil sayo! Ni hindi niya nakuha 'yung diploma niya!" May binato siya saking nakarolyong papel. The fuck. I glared at him. Kailangan pa ba niyang ipamukha? Alam ko naman eh.
"Akala ko totoong magiging masaya siya sayo kasi iyon ang sabi niya. Mahal ko siya pero putangina nagparaya ako! Lumayo ako kasi iyon ang gusto niya! Para maging masaya na kayo at sa tingin niya magiging masaya rin ako sa ginagawa ko!" Sa sobrang pagkatulala ko hindi ko namalayan nasapak na niya ako. Tangina. Masakit ah. But I didn't punch him back.
"Napakasama mo! Wala lang kwenta! Wala lang ibang ginawa kundi ang saktan siya! You're so selfish! Masakit na tingnan lang sa malayo 'yung mahal mo na hindi mo malapitan. Tapos ngayon, how can I watch her from a far if she's already gone?!"
"Ito ang tandaan mo Cyden, hahanain ko siya. At sa oras na mahanap ko siya, ilalayo ko siya sayo. Tandaan mo 'yan!"
"Sige. Hanapin mo siya. Pero ang tanong, sasama ba siya sayo?"
"Masyado ka pa lang kampante tangina mo. Anong sa tingin mo? Babalik pa siya sa isang tulad mo? Hindi. "
"She will. Because she's wife. Akin siya Montereal. Akin." Ngumisi naman siya
"Oo sayo siya ngayon. Pero isang araw, magugulat ka na lang akin na siya. She will be mine soon, Montecillo." Naiyukom ko ang palad ko at hindi ko na napigilang suntukin siya. Pagkatapos ay hinawakan ko siya sa kwelyo.