Chapter 15

1.4K 20 2
                                        

"This is it! Palawan, here I come!"

"Manahimik ka nga d'yan Nelson, kanina ka pa maingay. Kita mong may mga matutulog pa oh." Saway ni Sheila.

"Sorry naman. Excited lang."

"Kung ayaw mo matulog, magpatulog ka. Pwede ba?." At nagtakip na siya ng unan sa mukha.

Nandito na kami ngayon sa airplane. Sa Puerto Princesa ang destinasyon namin. Sayang at tatlo o apat na araw lang kami doon, hindi namin malilibot lahat. Maganda rin kasi sa El Nido. Pero ayos lang, magaganda naman ang pupuntahan namin.

Alas kwatro pa lang, nakasakay na kami. Buti nga at ginising ako ni Denden. Nabago raw pala, excuse na kami sa klase ngayon. Mas maganda raw kasi kung maaga aalis dahil maaga ring makakarating.

At tulog ang lahat, lalo na itong katabi kong nakayakap sa'kin. Matutulog na sana ako kaya lang ang ingay-ingay ni Nelson. Buti nga at mukhang tumahimik na. I decided to sleep for a while. Mahaba habang bihaye ito.

"Elaya. Love, wake up. Maglalanding na ang eroplano." Naalingpungatan naman ako. Nginitian niya lang ako at pinisil ang ilong kaya medyo nagising ako.

Nakita kong isa-isa ng nagsibabaan ang mga kasama namin. May mga ilan din akong kaklase na nakipagbatian at iyong iba galing ibang department o guest.

"Let's go." Tumango lang ako. Pababa na kami at kitang-kita ko kung paano magtatalon si Nelson. Nasilaw naman ako sa sikat ng araw pero agad nawala iyon ng may ilagay siya sa mata ko.

"Wear that. Masyadong mainit eh." Pareho na kaming naka shades ngayon.

"Thanks." I said and he held my hand then continued walking.

"Ehem! Nandy'an na ang lovebirds!"

"Nelson, ang ingay mo. Natulog ka ba talaga ngayon? High na high ka eh." Komento ni Maya

"Oo naman! Maaga akong natulog kagabi dahil alam kong maaga rin ang alis. 12 am pa nga lang gising na ako eh."

"Tsk. Masyado kang excited. Palawan lang eh. Pwede mo namang puntahan 'yan araw-araw." Sabi naman ni Sheila.

"Ano ka, mas masaya kaya kung pupunta kayo ng maramihan. Hindi iyong pupunta ka nga, mag isa ka lang naman. Boring!"

"Minsan mas magandang mapag-isa para makapag-isip-isip at makapag-unwind ka."

"Pero kaya ka nga pupunta para mag enjoy eh, tapos mage-emote ka lang. Mga babae talaga. Sa bahay niyo na lang kayo mag-emote. Ang magagandang lugar tulad ng Palawan ay dapat na ine-enjoy."

"Ewan ko sa'yo. D'yan ka na nga."

"Okay class! Don't forget my reminders. Hindi aalis hangga't hindi kasama ang lahat. Maliwanag ba? "

"Yes coach!"

"Okay, tara na."

May isang dalawang van ang sumundo sa amin. At puno kami dito sa unang van.

"Saan daw ang first destination?" Tanong ko dahil wala talaga akong alam.

"Sa Honda Bay. Iyon 'yung beach na pupuntahan natin. Tapos doon na rin mag i-stay sa resort nila doon." Sagot ni Denden.

"Ano ba 'yan, kanina pa kayong magkadikit na dalawa. Parang sila Calvin doon sa likod. Hasyt."

"Inggit ka lang kasi." Asar ni Denden.

"Hindi ah! Alam mo Elaya, pupunta tayo ng Palawan Crocodile Farm eh. Sabihin mo lang kung minamaltrato ka nitong ni Cyden at ipapakain natin iyan sa mga buwaya!"

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon