Kinabukasan, maaga kaming gumising dahil pinaalalahanan kami ni coach na pupunta kami sa The Immaculate Conception Church dito sa Puerto.
"Kompleto na ba ang lahat?" Tanong ni coach nang nasa van na kami.
"Yes, Coah!" Sigaw nila.
"Inaantok pa ako eh."
"Iyan. Sinabihan na kasing matulog na eh. Kung ano-ano pang ginagawa."
"Bakit, ano bang ginawa ni Nel, Calvin?"
"Hindi ko alam kung movie marathon ba ginawa niyan o iba na ang pinanood." Nakangising sabi ni Calvin. Magkasama kasi sila sa kwarto.
"Siraulo! Nanonood ako ng One Peace! Huwag kang malisyoso."
"Siraulo ka rin, wala naman akong sinasabi rito eh."
"Tahimik na nga! Magsisimba tayo kung ano-ano pinagsasabi niyo!" Saway ni Giana. Calvin mouhted 'sorry po' at inirapan lang siya ni Giana. Seems like she' not in the mood.
Tumingin ako kay Denden na nakahilig sa balikat ko. Kaya naman pala tahimik eh, tulog na agad.
Ibinaling ko na lang ang tingin sa bintana. Nakita ko sa kabilang van si Zake. Nginitian ko lang siya at ngumiti naman din siya, hindi ko alam kung ngiti ba iyon dahil mukha siyang malungkot.
"Hey, Denden. Gising na. Nandito na tayo." Sabi ko habang tinatapik ang pisngi niya.
"Hmm."
"Hay nako. Siguraduhin mo lang na hindi ka matutulog sa simbahan ah. Nakakahiya." Sabi ko at nagkusot naman siya ng mata.
"Sorry na. Hindi ako nakatulog kagabi eh."
"Ano? Bakit? "
"Magdamag lang kitang tinitigan." At napatahimik ako sa sinabi niya. Mas nauna ata akong nakatulog sa kan'ya.
"Tara na nga." At hinila ko na siya papasok sa loob.
Saktong magsisimula pa lang. Pumwesto na kami at maya-maya pa ay nagsimula na nga.
Taimtim lang akong nakikinig sa sermon ng pari at narinig ko namang nagbubulungan sila.
"Baliw talaga itong si Nel, bakit siya natutulog?!" Pasigaw na bulong ni Maya. Oo, sumigaw siya pero pabulong.
"Oo nga. Buti pala hindi tayo puwesto sa harap. Nako naman."
"Gisingin niyo dali!" Puro pabulong lang sila niyan mag-usap. Buti nga nagkakarinigan sila eh. Tinanaw ko si Nel, oo nakiki-Nel na rin ako. Na nasa unahan namin at prenteng nakasandal, nakatingala pa at nakanganga.
Kita ko namang pinagtitinginan siya ng mga katabi niyang mukha nasa high school pa lang. Well, hindi ko naman maikakailang may itsura itong lalaking ito. Sadyang may sapak lang ang utak kung mag-isip. Mas matinde pa kay Calvin.
Naalala ko tuloy 'yung kagabi. Nako naman oh.
"Gusto ko tuloy siyang batuhin ng tsinelas." Biro ko.
"Nako Elaya, sang-ayon ako diyan!"
"Baka may matamaan. Mahirap na."
"Sabagay." Sang-ayon ko kay Maya. Ano ba iyan, ang ingay na namin. Nagsesermon pa si Father eh.
Tungkol sa kahalagahan ng tiwala. Na sa kahit anong relasyon, mapakaibigan, kasintahan, asawa, kapamilya o kahit ano pa ay kailangan ng matibay na pagtitiwala. Dahil kung wala ay mabubuwag ang isang relasyon na parang isang bula. Unti-unting mawawala.
"Alam ko na!" Napatingin kami kay Calvin na nagsalita. Still, mahina pa rin ang boses namin. Puno na kasi ang upuan dito sa pwesto namin kaya sa medyo unahan na umupo si Nel.
