Elaya's Pov
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil hindi ako makatulog ng maayos. Nasa kabilang kwarto si Cyden at mukhang tulog pa siya. Sumilip ako sa labas at kakalitaw lang ng araw. Saglit akong napatitig sa kalangitan at dumiretso na sa kusina.
Ano bang makakain dito? Binuksan ko ang ref at maraming laman. Ang daming pwedeng lutuin, mamimili ka na lang. At dahil agahan ang lulutuin ay kumuha ako ng ilang hotdog, itlog, bacon. Isinangag ko na lang ang kanin na natira pa kagabi dahil marami pa.
"I miss you doing this." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses niya mula sa likod. Pinulupot niya ang mga kamay sa bewang ko at pinatong ang baba sa balikat ko!
"Cyden!" Imbes na kalagan ako, mas hinigpitan pa niya ang yakap niya. Oh come on.
"Cyden, nagluluto ako."
"Why are you calling me Cyden?" Napakunot-noo naman ako.
"Natural, 'yun ang pangalan mo eh!"
"You used to call me 'Denden' and that's what you called too me when Leo called me Tito Denden." Oo nga no? Pero ano raw? Ibigsabihin, Denden na tawag ko sa kanya? Well, that's cute anyway.
"Okay fine, Denden. Now, get off. Hindi ako matatapos dito." He sighed and let go.
"Alright." Sumandal siya sa kitchen sink at tinitigan ako. Napatingin ako sa suot niya, naka black sando lang pala siya at shorts. Napaiwas tingin na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa.
"Akin na 'yung mga tapos na, aayusin ko na sa mesa." Bago pa ako magsalita, kinuha na niya ang mga tapos nang iprito. Pinagmasdan ko siyang mag-ayos ng mga pagkain.
"Elaya, my queen. Mukhang masusunog na 'yung hotdog."
"Ay! Hala!" Agad akong nataranta at pinatay ang kalan. At nang tingnan ko 'yung kawali, hindi naman. I looked at him and he was laughing.
"Anong nakakatawa?"
"If you have just saw your face! Elaya, you can look at me all day and all night but finish that first okay? One look, one kiss remember? You owe me one kiss later." He said and winked.
"What the?" He just smiled and continue what he's doing. Napailing na lang ako at binuksan muli ang kalan.
Matapos kong magluto ay ayos na rin ang mesa. Umupo siya sa harap ko at inabutan ako ng coffee.
"Thanks. Siya nga pala, Cyden." Panimula ko pero hindi siya tumingin.
"Cyden." Kumuha lang siya ng hotdoh at fried rice pero hindi pa rin tumitingin.
"Cyden." Yumuko siya at naghiwa ng kakainin niya. What the?
"Fine, Denden!"
"Yes?" Maamo siyang tumingin sakin at ngumiti pa!
"Tss. Itatanong ko lang sana, paano 'yung kompanya mo? Diba may trabaho ka?" He cleaned his throat and sit straight. Kailangan may pag 'ganon?
"Well, about that. It's my company and I'm the boss anyway. Kikita ako kahit hindi pumasok. Kaya huwag kang mag-alala, hindi kita gugutumin. Kaya kitang buhayin habang buhay."
"Hindi naman sa 'ganon. I'm just concerned on what you have left." Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.
"Kaya kong iwan ang lahat para sayo, Elaya. Masaya na ako basta kasama ka." Napatitig ako sa mga mata niya. Hindi ko alam ang sasabihin pero 'yung puso ko, parang sasabog na sa sobrang bilis ng takbo.
"Cyden? Cyden?!" Sabay kaming napatingin sa pinto.
"Sino 'yun?" He shrugged.
"Cyden?!"
