Chapter 32

961 13 0
                                    


  I looked at the man who entered my room. He sat on the couch and pick some grapes. Tsk. Kahit kailan talaga.

"Hay! Kapagod!" Sambit niya at kunot noo kong tanong.

"Anong ginagawa mo rito Calvin? Diba aalis ka? Bakit nandito ka pa?"

"Para talagang ayaw mo ko rito ah. Ang bad mo."

"Bakit ba kasi nandito ka? Huwag mong sabihing sinuway mo na naman ang Dad mo."

"Well, hindi sa ganoon pero ganoon na nga."

"Nanggagago ka ba?" I glared at him.

"Oh easy lang Bro. Ganito kasi 'yan. Na-late ako ng gising. Masyadong maaga ang flight ko. Kaya imbis na humabol, naisip kong ayokong hindi makita kahit isang beses si Giana. Mamimiss ko siya ng sobra. Tsaka alam ko rin namang mamimiss mo ko eh. "

"Tsk. Gago. Ang tamad mo na ang corny pa. Kaya hindi ka umaasenso eh."

"Oy. Hindi kaya. Malago ang kompanya. Ayoko na lang talagang tumuloy. Baka harangin ako at hindi na pabalikin. Mahirap na."

"Ewan ko sayo. Why don't you just marry Giana to settle things."

"Kung pwede lang eh. Sana ganoon lang kadali iyon." Napailing na lang ako sa sinabi niya. Sabagay, mga gusto talaga tayong hindi natin makukuha. Dahil hindi ganoon kadali ang lahat.

Kinuha niya ang remote at binuksan ang t.v.

Flash Report: Eroplanong patungong France galing Pilipinas, nawalan ng kontrol at bumagsak sa kalagitnaan ng biyahe. Malapit na sa daungan ng paliparan ng France nang bumagsak ang eroplano. Kasalukuyang ginagamot ang mga nasugatan, may mga nasawi at mga nawawala pa. Kung kaya't patuloy ang paghahanap sa mga biktima. Tumutok lamang sa mga susunod pang ulat sa naturang aksidente.

Nagkatinginan kaming dalawa sa narinig na balita.

"What the fuck." Hindi mapilang sambit niya. Napailing na lang ako.

"Akalain mo 'yon. May magandang bunga rin pala 'yang pagiging tamad mo. Kung tumuloy ka malamang isa ka sa mga patay o nawawala na malabo nang makita pa."

"Wow ha. Thank you sa concern ha. Patay at nawawala agad? Hindi ba pwedeng sugatan lang. Tsk. But, seriously speaking. God is really good."

"He's always good." Sambit niya.

"Thank God. Buti talaga hindi ako tumuloy."

"Sayang nga eh." I said and He just glared at me.

"Joke lang." Sabi ko at napansin kong may tumatawag sa phone ko.

"Oh? Bakit tumatawag si Giana?" Tanong ko at nagkibit balikat na ang siya. Sinagot ko ang tawag at ni-loud speaker.

"Hello-

"Cyden! Cyden si Calvin! 'Yung gago mong bestfriend! 'Yung siraulong mahal ko! Nagkaplane crash 'yung sinakyan. Anong gagawin ko?! Cyden!" Rinig namin ang paghagulgol niya at natigilan naman si Calvin.

"Ahm. Giana-

"Kahit na siraulo at baliw iyon. Isip bata at loko loko. Walang ibang magawa kundi bwisitin ako. Mahal na mahal ko 'yung lokong iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala siya. Cyden tulungan mo ko." Humahagulgol pa rin siya na ang loko, napangiti. qnaman.

"Mahal na mahal din kita Giana ko. Huwag kang mag-alala. Hindi kita iiwan. Hinding hindi. " biglang sambit niya at natigil naman sa kakaiyak si Giana.

"Na- nandiyan ka?" Mahinang tanong niya at rinig pa rin ang pagsinghot.

"Oo. Giana ko. Nandito ako. Hindi ako umalis." Sabi naman niya. Sana kasi siya na lang agad ang tinawagan niya. Inabala pa ko nitong dalawa.

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon