Chapter 34

986 7 0
                                        


  Mga bagay na ating ginagawa hindi dahil gusto natin kundi dahil kailangan. Kailangan mong mamili kung ang iyong kagustuhan ba o ang pangangailangan. Kung ano ba ang mas matimbang at kung ano ang makakabuti.

And I decided to continue living. Alam kong marami pa akong pwedeng magawa. I just hope that everything will be fine. That I can survive in my operation.

Last night, I was confined in the hospital again. My illness attacked me again. And I can sayo that I'm getting weaker and weaker. I think, my body will break down any moment. I really need medication right now. And today is my flight.

"Cyden, ano wala ka na bang nakalimutan?"

"Wala akong nakalimutan pero iiwan ko ang puso ko rito sa bansang 'to. Nandito iyong mahal ko eh." Kasalukuyan kaming nasa airport, kasama ko si Era.

Akala ko nagbibiro lang na sasama talaga siya sakin or let me say sasabay papunta roon. Pero kahit ganyan siya, pakielamera at madaldal, I appreciate her care. And that's it. I don't want her to be responsible for me since ako lang mag-isa ang lilipad papuntang U.S

Hindi makakasabay si Lolo dahil marami pa siyang dapat asikasuhin. But he promised that as soon as matapos siya ay susunod rin siya roon. He even thanked Era for accompanying me. They've met each other last night.

"Huwag mong iwan ang puso mo. Dalhin mo iyan kasama siya. Tutal nandiyan naman siya sa puso mo eh." Sambit niya.

"Ikaw Era. Siguraduhin mo lang na sasabayan mo lang itong si Cyden. Pagdating sa airport doon may susundo sa kanya papunta kila Kelvin. So hiwalay na ng landas ah." Bilin ni Giana kay Era.

"Oh. Actually, I think this is not the last na magkikita kami ni Cyden." Napatingin naman ako sa kanya.

"What?!" Sabay sabay na tanong nila.

"Dahil sa hospital na pupuntahan ni Cyden kung na saan sila Kelvin and the team, doon din ako naka assign. So I guess, we'll definitely see each other there Cyden. Specially if I don't have patients."

"Okay na rin iyon at least may titingin tingin kay Cyden." Komento ni Maya.

"Anong okay dun?" Singit naman ni Giana.

"Ano bang problema mo kay Era, Giana. Mabait naman siya ah. Nagmamalasakit lang 'yung tao oh. " ani Sheila.

"Tss. Sorry ayoko sa kanya eh. Well, I don't like you." She said that in front of her. I thought she's going to be mad and fight back but she just smiled.

"It's okay. Not everybody likes me anyway. Thank you for being honest. If you were thinking that I'm just going to flirt with Cyden and get his heart, then I guess you're wrong." What? Naiisip pa ni Giana ang bagay na iyon? Napataas kilay lang siya. Kahit naman sino ang nandiyan, si Elaya pa rin ang mahal ko. Hindi iyon magbabago. And I think, Era will not really do that.

"How sure you are na hindi mo 'yun gagawin?"

"Giana ano ka ba, tama na nga yan." Awat ni Calvin.

"Just shut up."

"How sure am I? Sapat na bang may mahal na ako at hindi siya mapapantayan ng kahit sino kahit iniwan na niya ko?" Napangiti siya ng mapait.

"Well, I don't need to prove myself to you. If you don't believe me then it's not my problem anymore. I'm not here to please everyone of you."

"Okay that's enough. Giana." I said, I just looked at her.

"Argh. Fine, I'm sorry." Tumango na lamang ako.

"Cyden, mag-iingat ka roon ah? Magpagaling kang mabuti." Paalala ni Maya.

"Oo. Salamat. "

"Lahat tayo nalulungkot sa nangyari. Mahirap man pero kailangan nating tanggapin ang katotohanan." Napapikit ako sa sinabi ni Sheila. Nakaramdam na naman ako ng kirot. Hindi sa ulo kundi sa puso.

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon