Chapter 22

996 11 0
                                        


  Kinabukasan, maaga akong gumising kahit late na akong nakatulog kagabi. Ang hirap ipasok ni Denden sa bahay, mabuti at naglalakad lakad siya kahit pagewang gewang. Inaalalayan ko na lang.

Hindi ko na rin naman siya nakausap dahil natulog na agad. Sa tingin ko kahit gising iyon ay hindi ko rin makakausap ng matino.

Sinilip ko siya sa kwarto niya at mahimbing pang natutulog. Bumaba na lang ako at naghanda ng mainit na tsaa na maiinom niya pagkagising.

Tapos ko na sa lahat ng ginagawa ko, nakahanda na rin ang almusal at nakarinig ako ng yakap sa hagdan. Nakita kong mapababa si Denden.

Magkasalubong ang kilay at magulo ang buhok. Mukhang hindi nga siya naghilamos eh. Pero bakit ang gwapo niya pa rin? Argh. Ano ba Elaya, hindi ito ang oras para purihin siya.

"Mabuti at gising ka na. Inumin mo muna 'yan." Turo ko sa tasa, lumapit siya sa upuan at umupo. Pumalumbaba siya at nakasimangot na tiningnan lang ang tsaa.

"Give me some coffee." Sambit niya, hindi na lang ako umangal pa at pinagtimpla siya ng kape.

"Oh." Abot ko matapos magtimpla. Hinilot niya ang sentido niya at uminom sa kape.

"Ayan, masakit ang ulo mo. Bakit ka ba kasi uminom ha?" Tanong ko. This time, he looked at raised his eyebrow.

"Ano bang paki mo?" Malamig na sabi niya. Napanganga na lang sa tanong niya, tinatanong niya ako kung akong paki ko? Seriously?

"Natural may paki ako. Cyden baka nakakalimutan mo kung sino ako?" Seryosong tanong ko.

"Bakit, sino ka ba sa buhay ko?" Walang emosyong sambit niya. Parang nabuhusan naman ang ng malamig na tubig.

"Denden talaga, ang galing mo mag joke ah. Ha-ha-ha. Pang best actor." Pinilit kong tumawa. He just looked at me with his bored look.

"Mukha ba akong nagbibiro? Tss." He said and take a sip to his coffee.

"Hindi. Hindi ikaw si Denden! Anong ginawa mo sa kanya? Ilabas mo 'yung Denden ko!" Garalgal na 'yung boses ko. Umiling lang siya.

"Tss. Crazy. I'm not yours. Stop calling me Denden. So irritating." And that's it. It broke my heart into pieces.

"Cyden umayos ka nga. Ano bang problema mo ha? Kung may problema ka sabihin mo, hindi 'yong dinadaan mo sa ganito. Kung nagbibiro ka lang pwes sinasabi ko sayo hindi 'yan magandang biro ah!" Pinipigilan kong bumuhos ang luha ko.

"Kung may problema man ako, wala kana doon." Tumayo na siya at waring aakyat na ulit.

"Cyden asawa mo ako!" Sigaw ko, tumigil naman siya at tumingin sakin.

" Sa papel. 'Yan ang tandaan mo. " at tuluyan na siyang umakyat sa taas.

"Denden mahal mo ako diba?
Anong nangyari? Bakit ganoon? Anong nagawa ko? Ha?! Sumagot ka! Huwag mo kong iwan dito!" Sigaw ko pero hindi na siya bumalik.

Napatulala ako sa mesa, pilit initindi ang lahat ng nangyari. At hindi ko namalayang unti unti nang pumapatak ang mga luha ko. Tumayo ako at tumakbo palabas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nakita kong papasok ng gate si Calvin. Ewan ko pero agad ko siyang niyakap.

"Calvin 'yung bestfriend mo! Bakit ganoon? Ano bang nangyari? Bakit ayaw na niya sakin? Anong nagawa ko? Ha? Ano?" Hinampas hampas ko pa siya sa braso.

"Alam mo ba kung gaano kasakit marinig ang mga salitang 'yon galing sa kanya? Parang binibiyak 'yung puso na hindi ko alam! Kaya please naman oh. Bakit siya ganoon? May nagawa ba ako?"

Love me, Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon