Hindi mo nga talaga alam kung hanggang kailan lang ang isang tao sa mundo 'no? Pwedeng makasama mo pa siya at masaya pa kayo at pwede ring sa isang iglap, maglalaho ang lahat. Para bang titigil na lang ang mundo mo dahil sa kasiyahang bigla na lang nawala.Wala akong ibang matanong kung hindi ang paano na ako? Iniwan na ako ni Lolo, ang taong nag-alaga at nagpalaki sa'kin. He means so much to me but now, he's gone. Sino ng makakasama ko sa buhay? Wala na akong magulang. Namatay sila sa isang aksidente noong bata pa ako. Kaya naman si Lolo Lucio na lang ang natira sa akin. Pinalaki niya kong maayos at may dangal na tao. May pinapatakbo siyang business na hindi ko na alam kung akong magyayari dahil wala naman akong alam doon.
Nakaupo ako sa harap ng puntod ni Lolo. Kakalibing niya lang.
"Ang daya niyo naman Lolo eh, Iniwan niyo ko agad. Paano na ako? Ano ng mangyayari sa akin?" Pinahid ko ang luhang dumaloy sa akong pisngi.
"Apo." napalingon ako sa likod ko, si Lolo Julio pala. Ang bestfriend ni Lolo.
"Bakit po Lolo Julio?"
"Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon at wala kang mapupuntahan. Mag isa ka lamang sa bahay niyo kaya nagpasya akong isama ka na lang sa bahay ko. " Natigilan at nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Ho? Pero, paano po ang bahay namin? Tsaka, nakakahiya naman po Lolo Julio. Maghahanap na lang ako ng trabaho. Kaya ko naman po. " Matapang na sabi ko. Ayokong maging pabigat sa iba. Oo nga't matalik niyang kaibigan si Lolo pero hindi naman niya ako kailangang intindihin.
"No hija. Para rin ito sayo. Your Lolo's company will merge on mine at nang sa ganoon, hindi malulugi ang negosyo niyo. At kapag ready kana, you can handle it. " sabi niya.
"Pero Lolo Julio, alam niyo pong I'm not into business." Baka mamaya bumagsak lang iyon sa kamay ko. Ayokong masayang ang pinaghirapan ng Lolo ko.
"Yes, apo. Sa mga likha at obra mo pa lang, walang duda. Napaka galing mong magpinta. Pero iyon ang mas makakabuti. Kapag hinayaan ko iyon, masasayang ang pinaghirapan ng Lolo mo. Gusto mo ba iyon?" Agad naman akong umiling.
"Ayaw po."
"Then good. Sasama ka sakin sa Manila. You'll meet my grandson." Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"Apo po? Si Cyden?" Kinakabahang tanong ko. Ano ba, bakit nagtanong pa ko eh siya lang naman ang apo ni Lolo Julio eh. Ngumiti naman sakin si Lolo Julio.
"Yes hija. Pack your things now. We'll leave later." He said at umalis na muna.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at ang puso ko ay hindi magkamayaw sa bilis ng pintig. Hearing the news that I'll be living in the same roof with the man that I like, Cyden makes me feel like this. Napabuntong hininga na lang ako.
Alam kong gusto ko siya pero ayaw naman niya sakin. Noong mga bata kami, every summer ay dinadala siya ni Lolo Julio sa amin. Kaya lang napakasungit niya. Para bang may nakakahawa akong sakit at ayaw niyang lumalapit ako sa kan'ya. Kahit gusto kong makipaglaro at magpapansin sa kan'ya kapag naroon sila ay hindi ko magawa dahil 'pag nakikita niya akong papalapit, papasok na siya at hindi na ulit lalabas. Kaya mas pinili ko na lang hindi lumapit at tingnan na lang siya sa malayuan.
Sa murang edad, ganoon na ang epekto niya sa'kin. Nakakatawa, samantalang hindi man lang niya nga ako pinapansin.
Lumuwas ako ng Maynila kasama si Lolo Julio. Pangmayaman ang kotse nila, one of the latest na ata 'to. May kotse rin naman kami sa Hacienda kaya lang hindi laging ginagamit dahil kayang lakarin ang mga pinupuntahan dito.
Habang papalapit nang papalapit sa bahay nila Lolo Julio, mas lalo akong kinakabahan. I have never been there. This will be the first time.
"Let's go, hija." Natigil ako sa pagmumuni-muni sa bintana nang marinig siya at may nagbukas sa amin ng pinto. Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. Hindi siya bahay dahil mansion siya. May malaki pang fountain sa gitna at sa harap naman nito ang malaking pinto papasok sa kanila. Tanaw ko mula dito ang gate pinasukan namin kanina.