Gaya ng mga nagdaang araw, nanatili pa rin ako rito sa hospital. At tulad noon, wala pa rin kaming balita sa kanya. Hindi pa rin namin siya nahahanap.
Mag-isa lamang ako sa kwartong ito dahil umalis sina Calvin at Nelson. May mga inaasikaso rin. Sa totoo lang nagpapasalamat ako sa dalawang iyon. Kahit na loko loko ay hindi ako iniwan sa ere. Sila pa mismo ang kumikilos at naghahanap kay Elaya.
Kung kaya lang katawan ko hindi ko ito iaasa sa iba. Ako mismo ang hahanap sa kanya. Napatingin ako sa pinto nang mapansing magbubukas ito. At napakunot noo naman ako nang makita ang pumasok.
"Anong ginagawa mo rito?" Mariing tanong ko ngunit ngumiti lang siya at inilagay sa tabi ang dala niyang basket ng mga prutas.
"Inuulit ko, anong ginagawa mo rito?"
"Alam mo masyado kang masungit. Lagi mo na lang akong pinapaalis."
"Dahil wala kang mapapala rito. Kaya umalis ka na lang." Sambit ko pero nanatili siyang nakangiti sakin.
"Cyden Luis Montecillo." Napakunot noo naman ako sa tono ng pananalita niya. And she even know my whole name.
"Has a brain tumor." Napabangon ako higaan.
"Saan mo nalaman 'yan? Sinong nagsabi sayo?" Tanong ko pero ngumisi lang siya.
"Madali lang sakin malaman 'yan Cyden." Sambit niya at napatingin naman ako sa bagong pasok lang. Si Calvin.
"Oh, anong ginagawa mo ulit dito?"
"Dinadalaw siya." Sabay turo niya sakin. I just rolled my eyes.
"Hindi pa ako patay. Saka mo na ako dalawin sa puntod ko."
"Joke ba 'yan? Dapat na ba akong tumawa?"
"Hindi. Dapat ka ng umalis."
"May kasama nga pala ako Cyden. Nandito ang doctor mo." At pumasok ang doctor na laging tumitingin sakin.
"Nakikita mo namang kakausapin ako ng doctor diba? Makakaalis ka na." Sambit ko pero parang wala siyang narinig.
"Hi Dr. Lopez, long time no see!" At napatingin naman sa kanya si Dr. Lopez, kilala niya?
"Dr. Frencia? Ikaw ba 'yan?" Teka, ano raw? Doctor? Nagkatinginan kami ni Calvin.
"The one and only." Sabi niya at kumindat pa.
"It's good to see you here but I'll talk to my patient first."
"Go a head."
"Mr. Montecillo. " seryosong tawag sakin ni Dr. Lopez.
"Oo na, alam ko na. Lumalala na ako. I'm getting weaker and weaker. Tataningan mo na ba buhay ko?"
"Cyden!" Saway ni Calvin, I just sighed.
"Its not that Mr. Montecillo. Yes, you are getting worse. And you need to undergo operation right now. And I suggest that you should take your medication in U.S. "
"I agreed on that. " Napatingin naman kami sa babaeng nasa harap ko.
"By the way, hindi pa ako nakakapagpakilala ng maayos. I'm Dr. Esmeralda Frencia, a surgeon."
"Surgeon ka? Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Calvin. Well, she really looks decent in her dress right now. Pero hindi kasi ganyan ang itsura niya ng una namin siyang makita.
"Well, if you're still thinking what happened last time, I've told you that it's just a dare. That time, it's the bridal shower of one of my friend and even though we don't want, we will wear something hot or sexy. And I was dared to seduce you but yeah, I failed."
