AMBON Presents1 (6)

13.1K 664 3
                                    

Isang katok na nagmumula sa labas ang bumasag sa pagiisip ko na gusto ko ang halik ni Damon. Nababaliw na talaga ko! Kung ano ano ng iniisip ko.

Hinawaan niya ko! Baka kaya ako nahawa sa kabaliwan niya nung naghahalikan kami. Okay, masyado ng O.A yun.

Pinagbuksan ko yung kumatok at sino pa nga ba wala ng iba ang nagiisang taong pwedeng kumatok sa kwarto ko kundi si Damon. "What now?" Walang gana kong tanong.

"I just wanted to eat with you." He said, smirking. That smirked again, i hate seeing that.

"Stop smirking! It's annoying!" Padabog kong sinara yung pinto. Pero kumatok lang na naman siya. I sighed. Binuksan ko ulit yun.

"Meron ka ba? Mainit na naman kasi ulo mo eh." I roll my eyes. "Hindi mo ba ko sasamahang kumain?" Tanong niya.

"A.YO.KO!"

"Wag ka naman ganyan Sweetie, akala ko ba mageenjoy tayong dalawa sa bakasyon na to?"

"Akala ko rin ba hindi mo na ko tatawagin ng kung ano anong pangalan?"

He laughed. "Sorry nakalimutan ko."

I sighed. Nag cross arms ako. "Tell me, bakit dito sa Coron ka nagbakasyon, sa exact Resort kung nasaan ako? Nagkataon lang ba yun o plinano mo?"

"Uhm.." nagkamot siya ng ulo. "I actually, planned it." Wow! Honest pala siya.

"Bakit dahil bored ka? Masaya bang pag tripan ako? Enjoy na enjoy ka ba tuwing nakikita mo sa mukha ko ang inis?"

"No, i just really want to have a vacation and alam kong mas magiging masaya to pag kasama ka pero hindi para biruin ka kundi dahil alam kong masaya kang kasama." Masaya akong kasama? Talaga? Well sakanya na mismong nangaling yun. Paano ako naging masaya kasama?

"Kain na tayo?" Malambing niyang sabi.

Bago pa ko makapagsalita hinila na niya ko palabas ng kwarto. "Wait, yung wallet ko."

"No, it's fine.. ako ng bahalang mag bayad."

Pumunta na kami ni Damon sa restobar ng resort hawak hawak niya lang yung kamay ko. Hindi niya binitawan yung kamay ko hanggang sa makarating kami sa restobar.

After naming kumain.. pumunta si Damon sa bar station para umorder ng iinumin. Pinanuod ko ang bawat kilos niya. May babaeng lumapit sakanya at mukhang nakipagkilala. Tumingin sila sa direksyon ko at ngumiti ng pilit yung babae sakin. Hinaplos niya si Damon sa braso at bumulong. Kumindat muna siya kay Damon bago naglakad palayo.

Okay! nakakaramdam na ko ng irita sa babaeng yun. Ang landi!

Naglakad na si Damon pabalik sa table namin bitbit yung alak na inorder niya. "Sino yung babaeng kausap mo?" Tanong ko.

"Cherry daw, she wants me to go to room 306." He said grinning.

"Saya mo ah!" Sarkastiko kong sabi.

"Wag ka ng magselos, cutiepie. Mas maganda ka nu."

I stand. "Ha! Ako nagseselos? Pwede ba, wag ka ngang mangarap dyan!" Naglakad na ko pabalik ng kwarto ko at alam kong nakasunod siya sakin. Nakakairita talaga siya! Feeling ko malapit na kong datnan dahil nakakaramdam na naman ako ng irita. Wag naman sana nakabakasyon pa naman ako.

"Sweetpie, di mo na naman ako pinapansin." Sabi niya pag dating namin sa tapat ng kwarto ko.

"Tigilan mo nga ko, pwede? Kahit ngayon lang!" Inis kong sabi.

"Okay pupunta nalang ako ng room 306." Aba't loko to ah! Aakma na sana siyang maglakad pero hinawakan ko siya sa braso at isinandal sa pinto ko.

"Hindi ka aalis naintindihan mo? Dito ka lang!" Magsasalita na sana siya pero inilagay ko yung pointing finger ko sa labi niya para pinigilan siya. "Tumahimik ka nalang!" Hinawi ko siya para buksan ang pinto ng kwarto tsaka ko siya hinila sa papasok at pinaupo ng kama ko.

He murmured something but i didn't heard. "May sinasabi ka?" Tanong ko.

He shakes his head. "Wala! Takot ko lang sayo." Dapat lang na matakot siya! Hinila niya ko papalapit sakanya at inupo ako sa kandungan niya. Oh gosh!

His hands are on my waist hugging me. Naramdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko. "Wag ka ng magalit, nagbibiro lang naman ako sa sinabi kong pupunta ko dun eh." Ako galit? Dahil lang dun? Tsss... hmm.. mukha nga, mukha ngang galit ako. Tama ba naman kasing sabihin yun? "Mas gusto kitang Vacation Partner kesa sakanya."

"Vacation Partner?"

"Yup. You are my Vacation Partner."

"Saan naman nanggaling yan?"

"Sa masarap kong labi."

I chuckled. "Masarap na labi? Yabang talaga." I sense his grin. Kung sabagay masarap nga naman talaga labi niya. Hinawi niya ang buhok ko para halikan ako sa batok. Ang init ata! I cleared my throat.

"Ang bango mo talaga, Sweetie."

"Ang manyak mo talaga, Dude."

He chuckled. "Pinaka gwapong manyak."

"Edi ikaw na!"

"Inum tayo?" Pagbabago niya ng topic. He kissed my neck. I bite my lower lip. Here we go again!

Stop him, Amber! Stop him!

"Okay, inum tayo." I said. Tumayo na siya na dahilan para mapatayo din ako.

"I'll be back in fifteen minutes." Hinalikan niya ko ng mabilis sa labi tsaka siya lumabas ng kwarto ko.

Bakit pa ko pumayag na uminum kami? Ano ba tong bibig ko hindi marunong sumunod sa utak ko. Nakakaloka na ah! Ano bang ginagawa niya sakin? Bakit di ko siya pinipigilan sa mga ginagawa niya sakin?

Naninibago na ko sa mga kilos ko. Ako pa ba talaga to?

--

Please vote.

#AMBON

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon