AMBON Presents1 - 29

6.3K 314 58
                                    

Hawak-hawak ko ngayon ang cellphone ko habang nakaupo ako dito sa kama ko. Kanina ko pa pinag iisapan kung ngayon na ba ako makikipagkita kay Tita para sabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko. Kaso parang nawalan na 'ko ng lakas ng loob na sabihin sa kanya. Sobrang, kinakabahan ako.

Huminga ako ng malalim, kailangan ko 'tong gawin. Dapat sabihin ko na ang tungkol dito kay Tita. Bahala na!

Dinaial ko na 'yong number niya at ilang sandali lang sinagot na 'to ni Tita.

"Hello, hija?"

"Uh... Tita pwede po ba tayong magkita? May sasabihin po kasi ako."

"Tungkol ba 'to kay Damon?"

"Uh... Medyo po."

"Sige, saan tayo magkikita?"

"Pupunta na lang po ako dyan sa Unit ni Damon."

"Okay, hihintayin kita."

Pinatay ko na 'yong tawag tsaka ako lumabas na ng kwarto ko. Nakita ko sa sala si Damon na nakaupo lang sa couch, busy sa panunuod ng TV. Wala siyang pasok sa trabaho ngayon kaya nandito lang siya sa Unit.

Tumingin siya sa direksyon ko nang makita ako.

"Saan lakad mo?" Tanong niya.

"Wala ka na do'n!" Kapag ako nag tatanong hindi siya sumasagot kaya gano'n din ang gagawin ko tsaka hindi niya dapat malaman na si Tita ang kikitain ko dahil baka mag tanong siya ng mag tanong kung ano'ng pinagusapan namin.

Napasimangot lang siya sa sinabi ko. Hindi ko na lang pinansin 'yon at dumiretso sa paglabas ng Unit.

Sumakay agad ako sa kotse ko, pinaandar ko ang makina tsaka ko sinimulan ang pagmamaneho papunta sa Unit ni Damon. Habang nasa byahe, nakakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon ni Tita sa magiging apo niya lalo na ngayon 'yong anak niya ay wala pa sa katinuan niya.

Nang makarating ako sa condominium. Pagpark ko ng kotse, bumaba na agad ako tsaka ako dumiretso sa pagpunta sa Unit ni Damon. Pagdating ko, nag doorbell lang agad ako.

Ilang sandali lang din naman ay pinagbuksan na 'ko ni Tita.

"Pasok ka hija." She told me.

"Opo." Naglakad na 'ko papasok at dumiretso sa sala. Umupo ako sa couch habang si Tita sa separate chair.

"Kumain ka na ba?" She asked.

"Opo."

"Kumusta na si Damon?"

"Uh... Nag ta-trabaho po siya sa isang Pizza House bilang delivery boy."

"Really?!" Gulat niyang tanong. "Kailan pa?"

"Wala po akong idea kasi hindi po niya sinabi ang tungkol do'n. Nalaman ko lang no'ng saktong kumain kami do'n ng kaibigan ko sa pinagta-trabahuhan niya."

"Hindi manlang niya sinabi sa'kin ang tungkol do'n." Napabuntong hininga si Tita at tila helpless na sa kinikilos ng anak niya.

"Tungkol ba do'n ang sasabihin mo?" Tanong niya.

I shake my head. "Hindi po."

"Tungkol saan ba 'yong sasabihin mo?"

"Ano po kasi uh... kasi po..." Shit! Kumakaboh talaga ng malakas ang dibdib ko, parang gustong tumakbo paalis ng puso ko.

Huminga ako ng malalim. "B-buntis po ako." I look down waiting for her response.

"Magkaka-apo na 'ko?" Tanong niya.

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Nakita ko siyang nakangiti kaya na relief ako.

Tumango ako. "Opo."

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon