Sinimulan na namin ni Amber na kainin ang niluto niyang dinner for us.
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain pero hindi ko mapigilan na pagmasdan siya.
Gusto kong mag open ng topic kaya lang wala naman akong maisip. Ayoko namang mag tanong about ulit kay Sam dahil baka makulitan siya sa'kin.
Then biglang pumasok sa isip ko ang kasal ni Lucas. Wala pa 'kong date do'n, siguro pwede ko siyang yayain. Ang tanong papayag ba siya? Baka naman isipin niyang nag ti-take advantage ako ngayong wala na sila ni Sam. Well totoo din naman na plano ko 'to i-take advantage, chance ko na kasi 'to eh. Mahirap na baka bigla na naman bumalik ang Sam na 'yon.
“Nagustuhan mo ba 'yong luto ko? Ang tahimik mo kasi eh. Feeling ko tuloy hindi masarap.” She asked.
“Masarap siya! Nakaka speechless nga sa sarap eh.”
She laughed, softly. “Really?”
“Yeah!”
“Salamat kung gano'n.”
And.... tahimik na naman kami.
After naming kumain ni Amber, tinulangan ko siya sa paghuhugas niya ng pinagkainan naming dalawa. Nung una tinanggihan niya pero wala na din siyang nagawa dahil nangulit ako.
“Gusto mo bang uminum ng kunti bago ka umuwi?” Tanong niya sa'kin habang ginugulo ko siya sa paghuhugas niya-- i mean tinutulungan pala.
“Oo ba, ano bang iinum natin?”
“May wine dyan.”
'Yon lang? Hindi naman ako malalasing do'n. Kung sabagay magmamaneho pa pala ako pauwi.
Nang matapos kaming dalawa sa paghuhugas, pumunta na kami sa sala para do'n uminum. Ako ang may bitbit ng wine habang siya naman sa baso na gagamitin namin.
Umupo siya sa couch, ako naman ang nag bukas sa wine at sinalinan ang wine glass naming dalawa. Nang magawa ko 'yon nilapag ko sa lamesa 'yong, kinuha ko 'yong glass ko 'tsaka ako umupo sa tabi niya.
Alam kong pwede namang umupo sa separate chair pero gusto ko talaga siyang makatabi para maka-diskarte na din.
Nag cheers na muna kaming dalawa 'tsaka namin sabay na ininum ang wine namin.
“Uh... Amber,” Tawag ko sa kanya.
“Ano 'yon?”
“Pwede ba akong magtanong?”
“Oo.”
“Alam mo kasi... 'yong uh... nararamdaman ko para sa'yo hindi pa rin nagbabago. Kung uh... manliligaw ba 'ko, papayag ka?”
She looked away. “Hindi ko alam. Ang totoo masaya akong may feelings ka pa para sa'kin, pero alam mo kasi after ng failed relationship ko with Sam, i don't know kung kakayanin ko nang pumasok sa isang relasyon ulit. Sorry.”
“Don't apologize. Nakuha ko naman eh. Well, hindi rin naman ako nagmamadali kaya maghihintay ako hanggang maging handa ka ulit.”
She looked at me.
“Pero sana habang nag hihintay ako baka pwedeng makipag date ka muna sa'kin?” I added.
“Date?”
“Yup. It's for you to get to know me more and for me to make you fall for me. I won't rush you, i promise that. Gusto ko lang din na makasama ka palagi.”
She bites her lips. Kita sa kanya na nag he-hesitate siyang sagutin ako.
“Ayokong masaktan ka lang sa'kin Damon.”
Nilapag ko sa lamesa 'yong glass ko 'tsaka ko hinawakan ang kamay niya.
“Hindi mo 'ko masasaktan.”
“Paano ka nakakasiguro?”
“Dahil alam mo na ang pakiramdam na masaktan at for sure ayaw mo ding maramdaman ko ang naramdaman mo.” Though naramdaman ko din naman 'yon no'ng pinalayo niya 'ko. Hindi nga lang kasing sakit nung naramdaman niya.
“Payag ka na bang makipag-date sa'kin?”
“S-sige.”
I grin. “Sige? Payag ka na?”
She nodded. “Oo.”
Tinadtad ko ng halik ang kamay niya dahil sa sobrang tuwa. “Salamat.”
She smiles, shaking her head. “Ako dapat ang mag thank you dahil nagustuhan mo pa din ako sa kabila nang hindi magandang nakaraan ko.”
“Hindi ka mahirap magustuhan.” I kissed her hand again.
“I really like you.” I confessed.
“Thank you.” I kissed her hand again. She raised her eyebrow, amusingly. “Nag e-enjoy ka na masyadong halikan ang kamay ko ah.”
I laughed. “Akala ko pa naman hindi mo mahahalata.” Dumadamoves na 'ko eh, nahalata pa. Sayang!
Hinila niya ang kamay niyang hawak ko. “So, saan mo ba 'ko i-di-date?”
“Sa kasal ng kaibigan ko, wala pa 'kong date na pwedeng isama kaya ikaw na lang.”
“Nando'n ba 'yong asawa ni Sam? 'Di ba kaibigan mo din siya?”
Umiling ako. “Wala siya do'n, hindi naman sila magkakilala ni Lucas eh.”
“I see.”
“Payag ka ng maging date ko sa kasal ng kaibigan ko? Ipapaalam ko lang sa'yo na overnight 'yon and maybe mag share tayo ng room.”
“Yeah! Okay lang.” Sagot niya na parang hindi manlang na bigla na mag shi-share kami ng room. Hindi manlang ba siya affected? Kasi ako ngayon palang na e-excite nang makasama siya sa kwarto.
“Saan nga pala gaganapin ang kasal?” She asked.
Kinuha ko 'yong glass of wine ko then sinagot ko siya. “Sa Tagaytay.” Ininum ko 'yong Wine ko.
“Malapit lang pa sa Mother Angel's House.”
“Sa'n 'yon?”
“'Yon ang Orphanage kung saan ako nanggaling.”
Oo nga pala, orphan siya.
“Bumisita tayo do'n bago pumunta ng kasal or bago umuwi.”
“Sige. Na mimiss ko na din 'yong mga bata do'n eh.” She agreed.
“Nasama mo na ba si Sam do'n?”
She shakes her head. “Hindi ko kasi alam kung ano ang ipapakilala sa kanya sa kanila.”
Kung gano'n 'pag natuloy na samahan ko siyang bumisita do'n ako palang ang madadala niya do'n. Sa wakas may isang bagay na mas na una ako kay Sam.
To be continued...
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...