AMBON presents2 - 25

3.8K 146 11
                                    

Nasa beach resort na kami ngayon na pagmamayari ng pamilya ni Kelly.

Dahil hindi naman summer kaya kunti lang ang guest nila. Kami
lang ang nagpadagdag.

“Okay lang ba kung sa isang kwarto kayo matutulog ni Damon?” Kelly asked my love.

“I don’t think magandang idea ang magsama na sila sa iisang kwarto honey, mag kasintahan palang sila.” Hindi pagsangayon ni Sam. Halata naman kung bakit ayaw niyang pumayag dahil ayas niyang mag share kami ng room ni Amber.

“No, it’s fine! Hindi naman 'to ang unang beses na mag shi-share kami ng room.” Amber said kaya wala nang nagawa si Sam. Inabot na ni Kelly ang susi ng kwarto namin kay Amber at binigyan pa 'ko nito ng makahulugang ngiti.

“Pumunta na tayo sa mga kwarto natin?” Kelly asked.

Tumango lang kami ni Amber bilang tugon. In-assist naman agad kami ng isang staff ng resort na makarating sa kwarto namin.

Pag dating naman ng kwarto namin, dumiretso agad sa bintana si Amber habang ako nilapag ko muna ang gamit namin sa kama.

“Anong pakiramdam mo ngayon at kasama natin si Sam?” Tanong ko.

Tumingin siya sakin nang naka kunot noo. 

“Okay naman I mean... why are you asking?”

“Kasi baka nahihirapan ka. We can go home if you want.” Ang totoo hindi talaga ako komportable sa ganitong setup namin. Alam kong dapat na 'kong masanay dahil kaibigan ko pa din si Kelly at may chance na baka maulit pa 'to pero... hindi ko kasi talaga gusto kapag nag nanakaw ng tingin si Sam kay Amber.

She sighed. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang pisnge. “I’m fine! I’m really fine.” She reassured me then she give me a smack kiss.

She look straight at my eyes. “Napagusapan na natin 'to di ba?” She asked.

“Alam ko, kaya lang---” She kissed me again pero this time tinagalan niya.

Pagbitaw niya sa halik nag salita siya. “Matagal ng tapos ang sa'min my Love.”

“Pero para kay Sam hindi pa kayo tapos.”

“Sa kanya siguro hindi pa, pero sa'kin tapos na at sana pati sa'yo tapos na 'to.”

“What do you mean?” I asked.

“Ang ibig kong sabihin tigilan mo na ang pagiisip kay Sam. Nagseselos na 'ko.” She jokes.

I chuckled, amusingly. “You're funny.”

“I just want to lighten your mood my love.” Hinaplos niya 'yong pisnge ko.

“I love you Damon, ikaw na at wala nang iba. Tanga ako kung pakakawalan ko pa ang tulad mong tinanggap ang buong pagkatao ko.”

I smiled “I love you too my love.”

After naming mag ayos ni Amber ng gamit at makapagbihis na din. Tinawagan na kami ni Kelly dahil may nakahanda na daw na dinner for us kaya pumunta na agad kami sa restaurant dito sa resort.

Sa pagsisimula ng dinner namin. Todo asikaso sa'kin ni my Love, ganyan siya sa'kin palagi kay 'di ko mapigilang matutuwa tuloy ang puso ko.

Si Kelly lang madaldal sa gitna ng pagkain namin. Tinatanong niya si Amber about arts sumasagot lang siya ng matipid pero tatahimik naman agad. Na kwento din niya kung gaano kami naging close no'n kaya feeling ko tuloy any moment sasabog sa selos si Amber. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako.

Tahimik lang naman si Sam sa pakikinig sa pagkukwento ng asawa niya. Minsan nakikita ko siyang nakatingin kay Amber pero hindi ko nalang ito pinapansin paraw iwas gulo nalang din.

“Kailan n'yo palang planong mag pakasal? I mean, napaguusapan n'yo na ba ang kasal?” Tanong ni Kelly sa'min. Nagkatinginan lang kami ni Amber sa tanong niya. Ano kayang naiisip niyang isagot sa tanong na 'yon? Kung ako naman ang tatanungin siya na rin naman ang gusto kong pakasalan pero syempre gusto ko handa na siya 'pag nangyari 'yon.

“No we haven't.” Sagot ni Amber sa tanong ni Kelly.

“Why? Gaano na ba kayo katagal?”

“Wala pa kaming isang taon.” Mas safe na sagot ko.

“Pero naiisip mo na ba siyang pakasalan?” Ma-intriga niyang tanong.

“Oo naman.” I chuckled, shyly.

“Kung gano'n bakit hindi pa kayo magpakasal?”

“Honey, tama na 'yang kakausisa sa kanila.” Sam snapped, irritatingly.

“Sorry, I'm just curious. Bagay kasi sila eh at mukhang mahal nila isa't-isa kulang nalang talaga ang kasal.” Kelly said.

“Hihintay ko lang namang mag propose si Damon eh.” Medyo pabirong sabi ni Amber.

Kelly smiled, widely. “Damon? Ano pang hinihintay mo? Ikaw nalang pala hinihintay ni Amber eh.”

Napakamot ako sa likod ng ulo ko. “Chill! Baka hindi maging surprise 'pag ginawa ko 'yon.”

She just laughed at my words.

Bigla namang tumayo si Sam na dahilan para sabay sabay namin siyang tignan. “Tapos na 'kong kumain, babalik na 'kong kwarto.” Sabi niya 'tsaka siya nag lakad palayo kahit wala ni isa sa'ming sumagot sa sinabi niya.

“Pasensya na kayo kay Sam ah. Kanina pa mainit ulo nun eh.” Kelly apologized.

“May problema ba kayo?” Tanong ko.

“Ang totoo sa simula palang ayaw na niyang magbakasyon. Ako lang nag pumilit sa kanya.”

“Gano'n ba? Baka stress lang siya sa trabaho niya.”

“Lagi nalang ba siyang stress sa trabaho?!” Irita niyang sabi. “Alam n'yo daig pa niya ang babaeng may PMS sa katarayan ngayon.”

“Lambingin mo lang, mawawala din yun.” 'Yan na ang best advice na mabibigay ko.

She half a smile. “Mukhang 'yon na nga lang ang tanging paraan.”

Tumayo na siya. “Paano susundan ko muna siya.”

Tumango lang kami sa kanya bilang sagot.

Dahil wala na rin sa na iwan na kaming dalawa ni Amber sa hapag kainan we decided na bumalik na lang din sa kwarto namin.

Habang nag lalakad pabalik, kapansin-pansin ang pananahimik ni Amber at tila malalim nitong pagiisip.

“Okay ka lang?” Tanong ko. Tumingin siya sa'kin sandali at umiwas din.

“Pasensya na.” She apologized.

“Iniisip mo ba 'yong lalakeng 'yon?”

“Sorry, kasi naman parang ako ang may kasalanan kung bakit sila nagaaway.”

“Hindi mo kasalanan. Problema na ni Sam 'yon dahil hindi pa siya maka move on sa'yo.”

Huminga siya ng malalim at tumingin sa'kin. “Tama ka. Hindi ko nalang papansinin 'yon.”

“Okay. Mmm. Pwede ba 'kong magtanong?”

“Ano 'yon?”

“Totoo bang hinihintay mo lang akong mag propose sa'yo?”

She chuckled. “Alangan namang ako ang propose 'di ba?”

I grinned. “So, you're saying na gusto mo ding magpakasal sa'kin?”

“Oo naman, syempre. Ang totoo matagal ko nang pangarap ang makasal.” She chuckled at parang may naalala siyang hindi maganda. “Hindi nga lang nangyayari, kasi 'yong una kong minahal ay kasal na.”

“Ako ang tutupad ng pangarap mong 'yon.”

She smiled, shyly. “Don't pressure yourself, my love.”

“Don't worry, hindi ako na pi-pressure. Kung noon ko pa alam na gusto mo na din palang magpakasal noon pa kita niyaya.”

She just laughed at my words and i just grin at her.

To be continued...

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon